Unexpected

15 0 0
                                    

Natapos and buong araw na discussion at paghihiwalay ng mga tao.

Tsaka ko nalaman ang mga trabaho at gagawin namin sa araw ng aming pagtatrabaho.

Helper or Hawkers ang tawag sa trabahong aming pinasok.

At isang malaking event na kung tawagin ay "OCTOBERFEST". Isa kaming hawkers sa event na yun, kung saan nagbebenta kami ng beer.

Isang puyatan at pagudang event yung mga araw yun.

Dito na nag umpisa ang career ko sa kumpanyang iyon.

Isang advertising company.

Isang hindi ko inaakalang mangyayari ay may tumawag sa kin makalipas nung araw na iyon.

"Hello, Si JLP ba to?" Tanong nung nasa kabilang linya.

"Opo!" Agad kong sagot.

"Pwede ka bang pumunta dito sa opisina for briefing?" Tanong ulit niya?

Then, nagbigay siya detalye about sa gagawin ko, at kung kailan.

Makalipas ang ilang araw, hindi ko rin inaakalang pati si Raymond ay tinawagan din pala.

Sabay kaming pumunta sa opisina nung pinuntahan namin nung nakaraan.

Sa di naming inaakala, pasok kami bilang mga Hawkers sa sinasabi nilang Big Event.

Akalain niyo, kung sino pang late nung mga araw na yun, yun pa ang mga nakapasok.

Pagdating namin sa opisina, pumunta kaagad kami sa briefing area at nakinig sa nag didiscuss.

From Dude to DudlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon