First time I met You

11 0 0
                                    

Beterano kung kami'y tawagin sa pagiging Helper namin nung mga panahong iyon.

Ilang projects din ang aking pinasukan under the same company.

Dumating ang araw na isang event nanaman ang aking papasukan kung saan Helper sa ganung project pa rin.

Nag Big Event kasi ang project na pinapasukan ko at kaming mga "Beterano" ang napili bilang mag-helper nung araw na yun.

Quezon City Circle.

Kung saan ang venue nung aming Big Event.

Syempre, sa experienced ko sa Big event nung nakaraan. Ganun ulit ang aking naramdaman.

Kaba.

Natapos ulit ang buong araw ng Big event. Pagod at puyat ulit ang aking naramdaman. Ngunit sa kagustuhan kong kumita nung mga panahong iyon, lahat ng yun ay aking pinagtiisan.

Pagkatapos nung event, biglang nagsabi ang isang taga recruitment na may susunod na event na dadating. Yun ay same pa ring event pero ibang venue naman.

Agad akong nag volunteer na maging helper ulit sa susunod na event.

"May hindi makakasama sa team ninyo ngayon sa dadating na event ulit." Paliwanag nung recruitment.

Agad akong nalungkot dahil alam kong mas mga beterano at mas kilala ang mga kasama ko kaysa sa kin.

Hindi ko na inexpect na makakasama ulit ako sa susunod na project.

Pag-uwi ko ng bahay agad akong nahiga at nakatulog sa sobrang antok.

Riiiing!!

Naputol ang aking tulog nung time na yun ng tumunog ang aking cellphone.

"JLP, Kasama ka sa susunod nating Big Event sa BCB ha." Bungad sa kin nung taga-recruitment.

"Sige po" Excited kong sagot.

Dumating ang araw ng pinakahihintay ko.!

Pangatlong Big Event ko na.

SM MALL OF ASIA.

Dito naman gaganapin ang pangatlong Big event na aking papasukan at dito ko rin unang nakita ang babaeng hindi ko inaakala.

Helper pa rin ang role ko sa project na yun.

Dahil konti lang kami. Ako, at isa ko pang kasamahan ang taga bihis sa aming mascot.

Habang pinapaakyat namin yung mascot sa stage, biglang nagsalita yung recruitment sa min.

" Ayusin niyo dyan ha, maraming nagmamasid sa tin ditong mga boss." Bigkas niya.

Agad naman akong napatingin sa paligid kung sino-sino ang mga sinasabi niyang boss.

Dahil sa bago pa naman ako at hindi ko pa nakikita ang mga boss nung kumpanyang pinapasukan ko, inayos ko nalang ang aking trabaho para wala silang masabi.

Habang ako'y papuntang dressing room ng aming mascot.

Isang babaeng may nakasabit na Camera at parang paikot-ikot ang tingin ang aking nakasalubong.

Ang astig niya, naka checkered na sleeveless at meron pang nakasabit na Camera sa leeg niya. Para bang rockstar na swagger. Madali pa naman akong maattract sa babaeng mga Astig.

Pero nasa trabaho ako at kailangan kong gawin ang trabaho ko dahil may mga boss daw na nagmamasid. At biglang bumalik ang atensyon ko sa trabaho.

Natapos ang Event, muli kong naisip yung babaeng astig na nakita ko during event.

"SINO KAYA YUN?"

Malaki kong tanong sa aking isipan.

From Dude to DudlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon