1am ng tumunog ang aking alarm.
Oras kung saan unang pagkakataon kong makapagtrabaho sa isang advertising company at first time sa isang big event.
Agad akong kumilos dahil sa kinakabahan pa ko nung mga oras ng iyon.
Tinawagan ko agad si Raymond kung siya ay gising na.
"Men, anong oras na! Tara na! Baka ma-late pa tayo." Agad kong sabi sa kanya.
Aba ang loko, kakagising lang. Ang calltime namin ay 2:30 am. At past 1:30 na hindi pa siya nakakaligo.
"Bwisit talaga yun" Sabi ko sa sarili ko.
Nakarating kami sa opisina mga past 2:30 na pero buti nalang marami ring na-late. Buti nalang.
Hinintay lang yung iba, then pumunta na kami sa venue.
ASEANA, MACAPAGAL ROXAS BLVD.
Dun ang venue kung saan gaganapin ang Big Event, na kung tawagin ay "OCTOBERFEST".
Eto, medyo kinakabahan pa ko dahil first time ko at sa Big Event pa.
Pagdating namin sa venue. Agad kaming inihanay sa tigsasampu. Syempre, magkasama kami ni Raymond sa iisang linya. Kasi ang pagkakaalam namin, kung sino ang magkakasama sa linya, ay sila ang.magkakasama sa iisang area.
Yun pala ay nagkamali kami sa aming inaakala.
Ilang oras nalang at magsisimula na ang Big Event.
Nagdistribute na sila ng mga uniforms na gagamitin namin sa pagiging Hawkers.
Habang naghihintay ng oras, nagpapahinga lang muna kami para daw may lakas kami sa event mamaya.
Agad ko namang naisip na pagudan talaga yung trabaho namin doon.
At nagdaan ang mga oras at natapos ang event na naging msaya naman ako sa trabaho ko, kahit pagod at puyat.
Inisip ko nalang na para sa kin din naman yun.