Ika apat na Puso

0 0 0
                                    

“Sino ka?” nanginginig na tanong ko sa babaeng nasa dilim. Hindi ko maaninagan ang mukha nya, meron syang mahabang buhok na katulad ng sa akin.

“Mag-ingat ka. Ikaw na ang isusunod nya”

“Sino ka?!” sigaw ko sa kanya. Pinagpapawisan na ko ng malamig at hindi ko alam kung bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Tila napako na ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ako makaalis samantalang yung babae na kaninang tatlong diba ang layo  sa akin ay malapit ng makarating sa kung nasaan ako.


“Sino ka sabi?!” hindi tumitigil na tanong ko. Napapikit ako ng tuluyan na syang nasa harap ko. I’m aware na panaginip lang ito, binuksan ko ang mata ko sa pag aakalang gising na ako.

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” kasabay ng pagsigaw ko ay  malapitang nakita mismo ng mga mata ko, yung babae -purong itim ang nanlalaki nyang mata. Kahit anong pagpapadyak ko para magising ako mula sa bangungot na ito ay wala paring nangyayari. Iniwasan kong tignan sya sa mukha kaya nakayuko ako ngayon.

Napansin kong hindi sya gumagalaw sa harap ko.
Maya maya ay inangat nya ang kamay ko. Hindi ko maigalaw pati mga kamay ko. Panaginip lang to diba? Pero bakit ramdam ko ang lamig na nangggaling sa kanya. Para syang totoong bangkay sa sobrang lamig, hindi na ito normal na temperatura ng isang tao.

“Ahhhhhh!” napsigaw ako ng bigla nyang ipasok ang kamay ko sa dibdib nya. Akala ko may makakapa ako pero ramdam kung bumaon ang kamay ko sa loob nya.
Bigla kong hinila ang kamay ko at sa pagkakataong to nagkaroon ako ng lakas na mabawi ang kamay ko. Halos magitla ako ng makitang, bu-butas ang dibdib nya.

“Ito ba ang hinahanap mo?”
Bigla nalang may lumitaw na puso sa kamay ko. Hindi ito ordinaryong puso lamang, puso ito ng tao- tumitibok tibok pa.

“Whahahahahhahahahahahahahahahaha!” halakhak nung babae kasabay ng pagdaloy ng masaganang dugo sa bunganga nito.

Napabalikwas ako ng bangon. Ang sama ng panaginip ko, natulog akong  nakaligtaan ang pagdadasal. Biglang umihip ang malakas na hangin sakto naming napalingon ako sa malaking salamin na nasa tapat ng kama ko.


“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”


Napasigaw ako ng napakalakas matapos kong makita ang may butas kong dibdib. Sa butas na yun ay may mga lumalabas na malalaking  butil ng dugo. Umalingawngaw ang malademonyong halakhak ng babae.  Tinakpan ko ang tainga ko sa nakakatakot na halakhak na yun.

“Romana! Romana!”
Napamulat ako ng mata at nakita ang mukha ni mama. Umiiyak akong yumakap sa kanya.

“What happened? Narinig kitang nagsisigaw kaya dali dali akong pumasok dito”
“Ma! yung puso ko ma! Wala na!” humahagulgol na sabi ko.

“Pftt puso ka dyan. Malamang hindi ka na naman nagpray ano”
Hinihimas ni mama ang likod ko para maging kalmado ako sa pag iyak.

“It’s just a bad dream okay. Tahan na Romana, alas tres na at heto ka umiiyak at nagsisigaw
Don’t forget to pray before you sleep okay?”

“Parang totoo sya ma!, may butas sa dibdib ko at maraming butil  ng dugo ang umaagos”

“Shhhhhhhhh, it’s just a dream. Tulog kana, sasamahan ka ni mama”
Niyakap ko si mama at hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari, bigla nalang nagdilim ang lahat.  

Nagising ako dahil sa nag iingay kong alarm clock. Tinignan ko ang orasan at alas sais na pala ng umaga. Wala na din si mama sa tabi ko. It feels like my dream was true, nakakatakot, sa susunod ay hindi ko na talaga kakaligtaan ang pagdarasal. Sabado ngayon kaya hindi ko na kailangan magmadali sa pagpasok.

Naabutan ko si mama na nagluluto ng breakfast naming. Naupo ako sa dining table at napangalumbabang pinagmasdan sya.
“Are you okay now?”

Nilingon nya ako habang naghahalo ng fried rice.

“Hmmmm, Thank you for being by my side” sinabi ko ng may maliit na ngiti sa labi.

“Nakakagulat ka kasi kagabi, bigla bigla ka nalang nagsisigaw. Nung makita kita ay nakabaluktot ka habang takip ang tainga mo.”

“It’s a scary dream Ma” tumataas pa rin ang balahibo ko habang inaalala ko ang panaginip ko kagabi.

“Yan kasi kayong mga kabataan, nakakalimutan ang nasa taas”

“Sorry ma, a
I guess  nakalimutan ko po talaga ata ang magdasal”

“Hmmmmm let’s eat” nilapag ni mama ang mga niluto nya sa dining table habang ako naman ay umayos na ng upo.

Wala akong ginawa dahil weekend at tapos ko naman na ang mga assignments ko. Kaya heto ako ngayon at nanunuod sa Netflix.
Nasa kalagitnaan na ako ng kissing scene ng paborito kong kdrama ng tumawag si Brianna.

“Hello?” ini on ko ang loud speaker

“Romana!!!”

halos mabingi ako sa boses nya.
“Si Marissa!”

“Bakit anong meron?” takang tanong ko.

“Si Marissa!

Pa-

patay na daw sya!” bigla akong napaupo sa pagkakasandal sa sofa ng marinig ko nag sinabi nya.

“Paano, Baki-t? Anong nangyari?” dali daling tanong ko.

“Natagpuan daw syang nakabulagta kaninang umaga nung guard na nagchecheck.
Nasa girls comfort room daw sya, nataka pa daw yung guard bakit bukas yung cr kasi sinasara nila yun tuwing gabi. Nung buksan nila nagulat sya sa nadatnan nya.”

“Sino namang gagawa nung sa kanya?” tanong ko base sa interaksyon nya sa mga kaibigan nya ay mabait naman si Marissa.

“Umpisa na”

“Umpisa ng ano?” nagtatakang tanong ko.

“May sabi sabi na tuwing malapit na ang February ay madaming mga estudyante ang namamatay. Parang may sumpa ata ang school pagdating ng February at sa mismong valentine’s day ang makokoronahang Valentina ay bigla bigla nalang nangingisay sa sahig.”

“Ang sabi mo ay sabi sabi, baka may epilepsy lang nung oras na yun yung makokoronahan?” pwede yun eh baka sumakto lang na may epilepsy.

“Hindi eh, imposibleng lahat ng nakokoronahan ay may epilepsy. Sya sige, kinikilabutan na ako, makibalita ka nalang sa gc natin pinaguusapan nila yun.”

Pagkatapos nyang ibaba ang tawag ay dali dali akong nagopen ng group chat namin. Pinaguusapan nga nila ang nangyari kay Marissa. Ala sais ng umaga ng makita ng guard ang bangkay, nagkalat ang hibla hibla nitong buhok sa sahig. Sabi sabi baka nagsuicide daw, pero imposible naming suicide yun. Mahalaga sa aming mga babae ang mahaba naming buhok, kung suicide yun bakit pag-aaksahin pang putulin ni Marissa ang buhok nya?

Ang bibilis namang makakalap ng mga kaklase ko ng balita.

Ayun daw sa autopsy nawawala daw ang……..
Bigla kong nabitawan ang cellphone ko. Hindi maari, bakit parang nagkakatotoo yun.

Nawawala daw……..







Nawawala daw ang puso ni Marissa, hindi marahil napansin ng guard dahil ang mga buhok na naputol daw ay nakatakip sa butas mismo ng dipdib ni Marissa.

Itinigil ko na ang pagbabasa dahil nanlalambot ang tuhod ko kahit nakaupo naman ako. Nanginginig ang mga binti ko.


________________________________

Trying hard ba talaga?
Comment your opinion plss.

Happy Valentines! My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon