Ika-anim na Puso

0 0 0
                                    


Bago ako umalis sa bahay ay pinuno ko muna ng lakas ng loob ang sarili ko bago ko umpisahan ang plano. Nasettle na naming ang lahat, si Clark ang bahala sa mga information sa school at sa journalist team ako kay Belinda. Hindi naman siguro si Belinda ang killer pero bakit ganun sya tumingin sakin. Si Clark na misteryoso ay abnoy pala at alam ko na rin ang dahilan kung bakit ganun nya kami tignan ni Belinda nung araw na yun.

Naabutan ko si Brianna sa upuan nya.
“Good morning! Ang aga mo ahhh.Okay ka na ba?” tanong ko.

“Oo naman hahaha, kailan pa ‘ko hindi naging okay. Sumakit lang ang ulo ko kahapon dahil sa stress siguro” tumango lang ako nakakastress naman kasi ang daming pinapagawa idagdag mo pa malapit na ang exam.
Lumingon ako sa likod ko sakto naming kakadating lang ni Belinda.

“Goodmorning” I genuinely smile para hindi halata. Pano pag totoo ang sinasabi ni Clark na sya ang may kinalaman sa mga nagyayari, natatakot ako.

“Goodmorning” nginitian din nya ako.

Paglabas namin ng room ay naghihintay sila Steven at Clark sa gilid.

“Mga babae talaga ang tagal lumabas!” reklamo ni Steven
“Psh, inuungot mo dyan?” nakakunot na sabi ni Belinda
“Ang tagal nyo kasi, magkakaklase naman tayo pero ang tagal nyong lumabas. Tsh palibhasa nag papaganda ka pa eh wala ka na namang igaganda” at nag umpisa na hindi ng patayan pero ang  walang katapusang asaran ng dalawa.

“Bakit nyo ba kasi kami hinihintay?”  naka krus ang braso na sabi ni Brianna.

“Tanong mo sa mokong nato!”
Tumango lang si Clark kay Brianna at tumingin sakin. Hudyat na, saktong hindi pa nakakalabas ng room si Belinda ng tawagin ko sya.

“Belinda! Tara sabay ka samin ng lunch” yaya ko

“Hindi pwede may gagawin pa ako eh” tanggi nya at dali daling umalis. First try, failed.

Napailing ako ng magtama ang mata naming ni Clark. Ito na ang pagkakataon ko habang may lakas pa ako ng loob. Tumango ako at tumakbo para habulin si Belinda. Tinatawag pa ako ni Brianna pero hindi ko na sila nilingon. Kaya ko to! Natatract naman ako ni Clark  may tiwala ako sa kanya.
Naabutan ko pa si Belinda dahil tumatakbo ako at naglalakad lang sya ng marahan sa hallway palabas na ng gate.

“Ay salamat naabutan din kita” sabay hawak ko sa balikat nya. Napakunot naman ang noo ko ng walang kakikitaan ng gulat sa ekspresyon nya, parang alam nya na susunod ako sa kanya. Nginitian nya ako ng pagkatamis tamis

“Sa bahay nalang tayo maglunch”

“Ah-eh” hindi ko magawang madugtungan ang sasabihin ko. Sa bahay nila kami pupunta, baka anong manyari sa akin kung sya talaga ang may kinalaman sa lahat.

“Tara na!” hinila nya ako sa braso. Nagulat ako dahil dumaan kami sa eskinita sa may likod ng University. So, nilalakad lang pala ang bahay nila. Nakarating kami sa tapat ng gate nila at napa atras ako, ang laki ng bahay nila parang hunted house ang design.

Purong itim ang kulay ng sa pader, may dalawang bintana sa second floor at isa naman sa parang attic. Habang kinukuha nya ang susi ng gate ay pasimple kong inabot ang phone ko at tinawagan si Clark,  hindi ko sya kakausapin gusto ko lang marinig nya kung anong manyayari. Kung sakaling merong masamang balak talaga sakin si Belinda ay marerescue nya agad ako.
Ang tahimik ng pumasok kami sa loob.

“San parents mo?” natanong ko, wala talagang tao maski alagang pets wala.

“May work sila”

“Ahhh” nasabi ko nalang dahil wala na akong ibang matanong.

“Upo ka muna”
Ngumiti ako at naupo sa kulay pula nilang sofa. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, sa may kaliwang bahagi ay ang hagdan papunta sa taas, sa kanan naman ay ang patungong kusina.

Happy Valentines! My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon