I meet him in unexpected time and also he betrayed me in unexpected time.
I saw him happy not because of me he was happy because of another girl.
Dapat ako yun ih! Dapat ako yung dahilan ng mga tawa nya dahil ako yung girlfriend pero, bakit ganun? Siguro di ako sapat kaya nakuha nyang hanapin sa iba yung wala sakin. Pero sana sinabi nya kung ano yung kulang sakin para mapunan ko yun!
Di ko naman siya masisi dahil anong laban ko sa babaeng una niyang minahal.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng restaurant na kinakainan nila habang pinapanood kung pano sya maging masaya sa piling ng iba di nya 'ba naiisip na masasaktan ako sa ginagawa nya. Pinilit kong wag umiyak sa nakikita ko ngayon pero traydor yung mga luha ko nagsiunahan silang bumagsak. Ang sakit bakit ako pa yung kailangan makaramdam ng ganto. Ayaw ko ng masaksihan pa ang susunod pa nilang gagawin. Umalis na ako sa kinatatayuan ko at nagmadaling lumabas sa mall. Sa panglalabo ng mata ko dahil sa luha ay may nabunggo ako at natumba ako.
"Miss are you okay?" Nag aalalang tanong nya sakin.
Imbis na sumagot ay umiyak lang ako ng umiyak gusto ko ng umalis sa lugar nato.
"Hey, miss may masakit ba sayo bakit ka umiiyak?" Pag uulit na tanong ng nabunggo ko kanina. Di ko sya magawang tingnan dahil nahihiya ako sa itsura ko.
"O-kay l-ang ako walang masakit sakin pasensya na" akmang aalis na ako ng hawakan nya ang braso ko.
"You don't have to say sorry miss kasalanan ko nakatingin ako kanina sa phone ko kaya di kita nakita." saad nya sakin.
Pinunasan ko muna ang aking luha bago tumingin sa kanya. Nag aalalang mukha ang bumungad sakin kaya ngumiti ako ng pilit para iparating na ayos lang talaga iyon sakin.
"Di naman ako umiiyak ng dahil sa pagbagsak ko sa sahig kanina kaya wag kang mag aalala di mo kasalanan kung bakit ako umiiyak, sige mauna na ako pasensya na at naabala yata kita."
Di ko na sya hinintay pang sumagot at umalis na ako roon nag abang agad ako ng sasakyan para makauwi na agad ako. Di ako natagalan pang mag antay dahil may huminto agad sa harap ko na taxi. Habang nasa byahe ako pauwe samin ay iyak lang ako ng iyak tinanong pa ako ni manong kung ayos lang ba ako bakit 'raw ako umiiyak pero ang lagi ko lang sa kanyang sagot ay ayos lang ako. Mukhang ayaw nya din naman maki alam pa kaya di na ito nag tanong ulit.
Nang makarating ako sa bahay ay laking pasalamat ko at wala si kuya di ko kasi alam kung ano ang idadahilan ko pag nakita nya akong umiiyak. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at binagsak ang katawan ko sa kama parang ang dami kong ginawa sa araw na 'to samantalang wala naman akong ginawa nakita ko lang naman sya. Paano ko sya nito kakausapin, di ko alam ang sasabihin ko. Mag aakto nalang ba akong parang walang nakita ko o kakausapin ko sya.
Ahhh... nakakainis bakit kasi Mahal ko parin sya kahit niloko nya na ako. Sunod sunod ang tunog ng aking cellphone pero di ko iyon sinulyapan kasi baka umiyak lang ako pag nabasa ko ang matatamis nyang salita na di naman totoo.
Dumaan ang ilang minutong wala akong ginawa kundi ang umiyak lang ng umiyak ng mapagod ako ay napag isip isipan ko na buksan ang aking cellphone at mag deactivated muna sa lahat ng social media para wala akong makukuhang balita mula sa kanya pinatay ko na rin yun ng magawa ko na ang nais kong gawin. Sana tama ang disisyong gagawin ko. Mahal na mahal ko sya pero di ko hahayaang may kahati ako sa kanya, mapait akong napangiti at hinawakan ang aking sinapupunan.
Ayaw kong may kahati ka anak sa daddy mo, ayaw kong makita mo kung gaano kawalang puso ang tatay mo ikaw nalang ang natitira sakin di ko hahayaang pati ikaw mawala din sakin.
Kung dati na kahit anong mali ang gawin nya sakin, kahit saktan nya ako ng paulit ulit pinipilit ko paring manatili sa tabi nya pero ngayon iba na ang sitwasyon, iba na ang usapan pag dating sa batang nasa sinapupunan ko.
Di ko paparamdam sa'kanila ang mga bagay na naranasan ko sa tatay nila.
BINABASA MO ANG
He Betrayed Me
Romance[ He Betrayed Me ] In a world full of betrayal they gave me a reason to keep going and face new lies. - Ashianna Louise Villafuerte