'Confrontation'
~•~
"Tristan anong ginagawa mo dito." tanong ko dito ng matauhan ako.
"Sagutin mo muna ang tanong ko buntis ka?" natakot ako bigla sa pagtaas nito ng boses, natatakot ako di para sa sarili ko kundi para sa anak ko. Naramdaman yata ni nikkolo na takot ako kaya hinapit ako nito lalo palapit sa kanya.
"Pre, kalma lang tinatakot mo na si yanna ih." kalmadong saad ni nikkolo. "At ano naman kung buntis sya kung makareact ka naman kala mo ikaw yung ama. Ano mo ba si yanna at ganyan ka maka asta?"
Nako naman nikkolo kung alam mo lang yan mismong kinakausap ay ang siyang ama ng batang dinadala ko.
"Best friend ako ng kuya nya." saad nito at nag iwas ng tingin sakin.
Fuck he can't admit that i'm her girlfriend so it means that the fucking humoured about him and my best friend is true. So tama lang ag desisyon kong wag sabihin sa 'kanya ang totoo na buntis ako at di niya deserve na malaman ang totoo dahil gago siya, damn him.
"Best friend ka lang naman pala ih." saad ni nikkolo yeah right best friend ka lang ni kuya.
"Kuya pasok na kami may pag-uusap yata kayo ng KAIBIGAN mo." I said emphasised the word kaibigan ko sa usapan nilang dalawa dahil na rin sa tensyong namamagitan sa kanila. Ayaw ko naring tumagal pa sa harap nya kasi tuwing tinitingnan ko ang pag mumukha niya ay naiiyak lang
ako."Sige na magbihis ka narin at naka-usap na namin ni mommy ang doctor kanina pwede ka na ring makalabas ngayon." tumango nalang sa bilang pag sang-ayon "Niko pwede 'bang tulungan mo nang mag ayos ng gamit itong kapatid ko." Pakiusap niya sa kaibigan ko na ngayon ay parang batang inosenteng nakikinig sa usapan.
"Kuya kaya ko na at syaka di ako imbalido para umasa sa iba kung kaya ko naman, buntis lang naman ako at baka hanapin narin siya ng lola nya diba nikkolo?" baling ko kay nikkolo.
"No its okay mag tetext nalang ako kay mommy para di nila ako hanapin."
"Yun naman pala ih sige na pumasok na kayo." Tinapik muna ni kuya ang braso ng aking kaibigan bago inayang umalis si tristan, tinapunan naman muna ako ng masamang tingin ni tristan bago ito sumunod sa aking kapatid.
Pumasok narin kami nang maglaho sa paningin namin ang dalawa. Pag ka pasok namin mag liligpit na sana ako ng gamit ko ngunit pinigilan ako ni nikkolo na kesyo buntis daw ako wag na raw akong magpapagod baka kung anong mangyaring masama sakin. Nag tatampo pa nga kasi di ko raw kanina sinabi na buntis ako hinayaan niya pa raw akong umiyak ng umiyak baka nakasama raw sa bata. Masaya din raw sya at magiging tito na siya pero nang sinabi niya kanina na masaya sya kabaliktaran ang nakita ko sa mga mata niya pero ewan ko ba baka guni-guni ko lang. Napapansin ko rin na medyo tumahimik ito at mukhang may malalim na iniisip. Hanggang sa matapos na siya sa pagliligpit ay ganun parin siya, bihira akong kausapin. Tinanong niya pa kanina kung sino ang ama ng dinadala ko pero di ko ito sinagot. Sana maintidihan nya ako kung bakit ko ito nililihim sa kanya. Saktong patapos na siya ng pagliligpit ng may kumatok sa pinto.
"Ako na magbubukas." saad ko sa kanya tumango lang ito bilang pag sang-ayon.
Pag bukas ko ng pinto bumungad sa akin si kuya kinabahan agad ako dahil akala ko kasama niya pa si Tristan pero nang makita ko na wala itong kasama ay para akong nabunutan nang tinik sa dibdib. Nakahinga ako ng maluwag.
"Tapos na ba kayong mag ligpit?"
"Patapos narin kuya aalis na ba tayo?"
"Oo naasikaso ko narin ang bill hindi ka muna uuwi sa bahay sa condo ko na muna kayo ng pamangkin ko hanggang sa matanggap ni daddy ang kalagayan mo baka kung ma-stress ka kung dun kapa tutuloy sa bahay." Bumagsak ang balikat ko nang marinig ko ang balita nya. Nakakalungkot lang na kailangan kong bumukod mag isa dahil sa nangyari. Tumango nalang ako bilang pag sang ayon. "Pero di ko hahayaan na mag isa ka lang sa condo may kinuha na ako na kasambahay na makakasama mo dun siya na rin ang magbibigay ng mga pagkaing gusto mo."
"Kuya kaya ko naman na mag isa marunong naman ako ng gawaing bahay." Pagdedepensa ko. Wala naman kulang sa paa o kamay ko para i'asa ko lahat ng gawain sa iba. Nakakalungkot nga lang at ako lang mag isa.
"Kaya mo nga pero di ko hahayaan na mag isa ka dun lalo na ngayon sa kalagayan mo." Final na sabi nito.
Pagod akong bumuntong hininga at di na nakipag talo pa sa kanya. Di naman din naman kasi ako mananalo.
"Dadalaw rin ako sayo yanna lagi para di ka mabagot dun." Pag sisingit sa usapan ni nikkolo. Ngumiti ako dito at tumango nalang.
Aalis na kami ng makaramdam na naiihi ako. Sinabi ko nalang sa kanila na mag c-cr lang ako mauna na sila sa baba di pa nga pumayag ang dalawa nung una dahil baka raw anong mangyari sakin pero sa huli napapayag ko parin sila dahil narin sa pagpupumilit ko na kaya ko naman at syaka wala naman sakin mangyayari na masama dahil mag c-cr lang ako.
Habang naglalakad ako papuntang cr naramdaman kong parang sumusunod sa akin kaya binilisan ko lalo ang paglalakad ko para makarating agad sa aking pupuntahan.
Damn.
Sino naman kaya ang magtatangkang sundan ako? Sa pagkakaalam ko wala naman akong nakaaway pati na rin sila daddy.
Dapat pala nagpasama nalang ako kahit kay nikkolo nalang. Nang makarating ako sa cr ay agad kong sinara ang pinto. Pagkasara ko ay napasandal ako sa pinto sa sobrang kaba ramdam na ramdam ko ang sobrang lakas at bilis ng pintig ng aking puso.
Sinigurado ko munang naka lock ang pinto bago ako pumasok sa loob ng isang cubicle sa sobrang kaba ko kung ano-ano na ang aking naiisip. Baka mapano kami ng anak ko di ko makakaya kung may mangyayaring masama samin lalo na ngayon nalimutan ko pang dalhin ang telepono ko upang macontact sana sila kuya kung sakaling may masamang mangyari sakin. Nang matapos ako ay lumabas na ako at naghilamos ako upang maibsan ang kabang aking nararamdaman ng maayos na ako ay napagpasyahan ko ng lumabas.
Di pa ako nakakalayo sa banyo ng biglang may humila sakin papunta sa madilim na parte ng hallway ng hispital at sinandal ako, akmang sisigaw ako ng takpan nito ang aking bibig kahit anong pagpipiglas ko ay masyadong malakas ang taong nasa harap ko para makawala ako imbis na sakit ang maramdaman ko sa pagkakahawak nito sakin kabaliktaran nito ang nararamdaman ko dahil may pag iingat ito na para bang isa akong babasagin na bagay. Nang makilala ko ito ay para akong bunuhusan ng malamig na tubig ng makita ko kung sino ang aking nasa harapan.
"T-tristan..."
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
He Betrayed Me
Romance[ He Betrayed Me ] In a world full of betrayal they gave me a reason to keep going and face new lies. - Ashianna Louise Villafuerte