Chapter 2

211 40 8
                                    

Him Again

~•~

Nang magising ako ay nasa hospital na ako. Sinuri ko ang kabuoan ng kwarto nakita ko si kuyang natutulog sa sofa kitang kita sa mukhang nito ang pagod. Nasa gilid ko naman si mommy na natutulog din.

Hinaplos ko ang buhok ni mommy na naging dahilan ng pagkagising nito.

"Anak mabuti naman at gising kana pinag alala mo akong masyado." Nag aalalang saad nito at hinawakan ang aking kamay.

"Mommy yung baby ko." Umiiyak na saad ko habang hawak ang aking tiyan.

"Shhhh... your baby is okay wag kang mag alala walang nangyaring masama sa anak mo sabi ng doctor nahimatay ka lang sa sobrang stress kaya please anak alagaan mo sarili mo ha?"

Pag aalo nito sakin tumago nalang ako habang umiiyak.

"Mom si daddy po?"

"Anak hayaan mo muna ang daddy mo na mag palamig galit parin kasi sya dahil sa nangyari kanina." Malungkot na saad nito at nag iwas ng tingin. Alam ko naman ang dahilan kung bakit sya umiwas sakin disappointed din siguro sya sakin.

"Mommy sorry po." Di ko mapigilang maging emotional ng sabihin ko ang mga katagang iyon. Napahagulhol ako.

"Shh.. baby wala kang kasalanan syaka anjan na yan." malungkot nyang tiningnan ang aking tiyan. "Wala na tayong magagawa kundi tanggapin." Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin nya yun atleast kahit papano tanggap nya pero meron parin sakit sa dibdib ko dahil isang kahihiyan naman ang dala ko sa pamilya ko, nabuntis ako ng wala man lang ipinapakilala sa kanila na boyfriend ko.

"Pero anak pwede ko bang malaman kung sino ang tatay ng batang dinadala mo."

Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri di ko kasi alam kung pano ko sasabihin kung sino ang tatay ng anak ko. Ayaw ko ring makilala pa nila ang ama ng aking anak lalong lalo na si kuya siguradong susugurin niya ito at baka rin mapatay nya pa 'yun sa oras na malaman nya kung sino ang tatay ng dinadala ko. Mas mabuti sigurong manahimik nalang ako para sa ikabubuti ng lahat.

Siguro napansin din ni mommy na ayaw ko munang mapag-usapan ang tungkol dun kaya 'di na ako nito kinulit.

"Kung di ka pa handang sabihin samin kung sino ang tatay ng dinadala ayos lang basta always remember that we're always here for you okay?" She sincerely said and I appreciate.

I just nodded ayaw ko ng pahabain pa ang usapan tungkol sa lalaking iyon.

"Thank you mom." She just smile on me.

"Mom pwede po bang mag pahinga muna ako?" Nag aalangan kong tanong.

"Sige na you may rest sabihin ko nalang sa kuya mo na nagising kana at tumulog ka lang ulit."

Bago ako nahiga ay sinilip ko muna si kuya at mapag pasyahang matulog ulit.

Nagising ako ng maramdaman ang sikat ng araw na tumama sa balat ko. Tiningnan ko kung nasaan si mommy ngunit walang tao kahit si kuya ay wala na. Isinawalang bahala ko nalang iyon kasi baka kung may binili lang sila sa labas.

Habang hinihintay sila ay naiisip ko kung hanggang kailan ko itatago kung sino ang tatay ng anak ko. Ayaw kong makagulo pa kami ng anak ko masaya na sya. Mapait akong napangiti ng maalala kung gaano ako kawalang halaga sa kanya mula kasi ng makita ko sya ng araw na iyon na may kasamang iba ay kinabusan ay di na ito nagparamdam sakin. Siguro kaya siya tumawag ng gabi na yon para tapusin na ang aming relasyon.

Di ko rin alam kung nag uusap pa sila ng kapatid ko dahil matalik na kaibigan niya ito. Sasabihin ko rin naman kay kuya di lang ngayon kasi di pa ako handa. Kailangan ko rin sabihin agad kesa sa iba pa nya malaman.

Hinanap ko ang aking cellphone at di naman ako nabigo ng makita ko ito sa bed side table siguro dinala ito ni kuya.

Tinawagan ko ang bestfriend kong si Azy ngunit naka ilang ring na ito wala paring sumasagot siguro busy lang ito kaya isinawalang bahala ko na lamang. Isa kasi syang sikat na modelo kaya medyo busy sya lagi.

Azy Torres is my best friend mula ng junior high kami mag best friend na kami kaya lahat ng sekreto ko alam niya hanggang ngayong nakapag tapos na kami ng kolehiyo ay mag kaibigan parin kami. Pero nitong mga nakaraang buwan ay medyo di kami nag uusap siguro ay laging busy dahil sa trabaho.

Dahil di ko ito macontact nag open nalang ako ng social media, na sana di ko nalang ginawa. Yung taong akala ko na makakasama ko sa lahat ng problema o kasiyahan. Yung best friend ko na kasama ko sa lahat ay siya mismong tataksil sa akin.

Famous model Azy Torres was spotted with Tristan Clark Lopez happily having a dinner date with her rumored boyfriend.

Nang mabasa ko ang article ay para akong binagsakan ng langit at lupa. Nag unahang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Yes Tristan Clark Lopez is the father of my child and best friend of my brother.

So best friend ko pala kasama nya nung nakaraan sa mall, what a small world bat ako pa napili nilang gaguhin. Di ko alam kung anong nagawa kong mali sa kanila para gantuhin nila ako. Deserved ko bang masaktan ng ganito?

Tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa akin at lumabas ng akong silid. Iyak lang ako ng iyak pinagtitinginan na din ako ng mga nurse na nakakasalubong ko may iba pang sinubukang lapitan ako pero agad akong ngumingiti ng pilit para ipaalam na okay lang ako.

Andito ako ngayon sa rooftop ng hospital dito ako nag tungo para mawala lahat ng mga sakit. Akmang bababa na ako sa pagkakaupo ko ng may humakap sa akin mula sa likod.

"Please di kasagutan ang pag papakamatay para mawala ang problema." Saad ng lalaking humakap sa akin.

Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi nito. Sino bang may sabing magpapakamatay ako masyado namang advance mag isip ang lalaking ito. Kinalas ko ang pagkakayakap sakin nito at namilog ang aking mata ng makita ko ang itsyura nito.

"Ikaw na naman" sabay na sigaw naming dalawa.



Itutuloy......

He Betrayed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon