Disappointment
~•~
Days has passed di ko alam kung pano ko sasabihin sa pamilya ko na buntis ako lalo na at di kami legal. Medyo nahihirapan na rin akong itago dahil sa nararanasan kong morning sickness.
Di ko nga alam kung nahahalata ba ni kuya na buntis ako kasi isang beses nung nagkasabay kaming kumain ng umagahan ay muntik na akong maduwal dahil sa amoy ng ulam na nakahanda.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong nito sakin.
"Uhm, oo kuya medyo di ko lang gusto yung amoy nung itlog mukhang sira na ata." Kinakabahang sagot ko.
Kumunot ang noo nito at inamoy ang scramble egg na nasa mesa.
"Huh? Di naman sira ah. Syaka bagong luto lang 'to ni manang."
"Basta ang baho nyan." Sabi ko sabay tayo upang umalis sa harap ng mesa. "Sa labas nalang ako kakain kuya di ko gusto mga nakahain ngayon."
Hirap ng ganito di ko maintindihan ang sarili ko ganito ba talaga pag buntis?
Hayst.
Umalis na ako gaya ng sabi ko kay kuya. Pumunta lang ako sa malapit na cafe upang mag kape at mag order ng crina'crave ko na strawberry shortcake. These past few days ito lagi ang hinahanap hanap ko. Siguro ito 'yung sinasabi nilang paglilihi.
Pagkatapos mag breakfast ay naglakad lakad muna ako sa park na malapit sa bahay since wala rin naman akong gagawain kung uuwi ako agad.
Sa paglalakad ay may nakita akong isang pamilyang masayang nalalaro sa playground dito. Sobrang sweet ng tatay sa kanyang anak. Siguro 3 to 4 years old palang yung bata.
What if di ko pumunta nung araw na yun sa mall? Siguro masaya kami ngayon ni tristan dahil magkakaanak na kami.
Nakakainggit pero kaya ko 'to ng mag isa.
Sa ama ng dinadala ko di ko alam kung nasaan syang lumapalop kasama ang babae niya.
Mapait akong napangiti ang tanga mo yanna wala ng paki sayo o sa anak mo 'yun.
Tangina ang sakit parin.
After an hour of taking a fresh breath I decided to go home. Manonood nalang siguro ako ng movies pang palipas oras.
"Yanna are you okay? Why my baby is crying?" Saad ni kuya habang titig na titig sa akin.
Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa sala. Dito ako nanonood. Pinunasan ko ang pisnge kong basa ng luha.
"Nothing kuya..." mapanuri naman ako nitong tinitigan na para 'bang binabasa kung ano ang iniisip ko. Nag iwas naman ako ng tingin dahil feeling ko pag nakipagtitigan pa ako sa kanya ay malalaman niya kung ano ang iniisip ko. Ayaw kong dumating sa punto na pati sya ay ma disappoint sakin. "Naiiyak lang ako sa pinapanood natin." Palusot ko.
"Anong nakakaiyak sa pinapanood mo yanna? It's comedy." Di makapaniwalang sabi nito sakin. Kumunot ang noo nya napatitig ito sakin na parang may na realaize na kung ano.
Kinabahan ako bigla.
"Ashianna, umamin ka nga sakin ano ba nangyayari sayo?" Seryosong tanong nito sakin.
Huminga ako ng malalim. Wala na akong magagawa kung hindi umamin.
"Kuyu promise me kahit anong magawa kong kasalanan o desisyon ko sa buhay please... don't hate me or push me away." Dahil di ko alam kung makakaya ko pa kung pati ikaw na kapatid ko kamuhian din ako because i know for sure pag nalaman ng mga magulang namin na buntis ako baka itakwil nila ako bilang anak nila. Di ko na napigilang maging emotional siguro dahil sa buntis ako kaya ako nagiging emotional lately.
Mabilis na lumapit sa akin si kuya at yinakap ako ng mahigpit sinuklian ko ang kanyang yakap.
"I'll promise. So tell me what's matter? And stop crying kuya can't stand here seeing you like this baby." Mahigpit parin ang yakap nya para bang mapapatahan nya ako sa paraan ng yakap nya.
Tumango ako upang maibsan ang pag aalala nya sakin. Siguro ito na yung oras na pwede kong sabihin sa kanya na buntis ako.
"Kuya I have something to tell you..."
Kumalas ako sa pag kakayakap sa kanya at hinarap sya.
"What is it?" Biglang naging seryoso ang kanyang awra.
Tumungo ako dahil di ko kayang tumingin sa mga mata nya habang siya ay sinusuri ako ng tingin. Pinaglaruan ko ang aking kamay dahil sa takot na baka husgahan niya ako. Wala siyang alam sa relasyon namin, tanging ang mga mismong nasa party lang ang may alam.
"K-kuya I'm pregnant."
Di ko alam kung anong naging reakyon niya dahil sa mga kamay ko lamang ako nakatingin. Ilang minutong katahimikang dumaan at tanging hikbi ko lamang ang aming naririnig. At halos mapatalon ako ng may marinig akong nabasag. Para akong nawalan ng lakas ng makita ko kung saan nang gagaling ang nabasag.
Nakita ko ang galit na mukha ni daddy habang papalapit sa amin. Si kuya naman ay nabahala sa kung anong maaring gawin sakin ni daddy kaya agaran na tinago niya ako sa kanyang likuran.
Sa kabila ng nagawa ko ay nakaya nya pa akong protektahan.
"Sabihin mong mali ang narining ko Justine, di buntis ang kapatid mo!" Galit na sigaw ni daddy kay kuya.
Nanginginig na kumapit ako sa laylayan ng damit ni kuya dahil sa ginawa ko ay napatingin ito sa akin. Ngumiti ito sa akin na para bang sinabing magiging ayos ang lahat.
"Dad... please lets just hear her explanation bago ka magalit di naman niya 'to kasalanan." pag tatanggol sa akin ng kapatid ko.
"Anong di kasalanan! Naiintindihan mo ba 'yang sinasabi mo Justine? Buntis ang kapatid mo! Anong gusto mong sabihin tumihaya yang kapatid mo tapos aksidenteng naputukan?" sigaw niya habang dinuro-duro ako.
Umiyak ako lalo dahil sa mga katagang binitawan ni daddy. Bakit parang ang dali nya lang akong husgahan di nya ba naiisip ang mararamdaman ko. Kung mag salita sya parang di nya ako anak, I was his princess pero bakit sya ganito...
Mabilis na hinawi ni daddy si kuya sa harap ko kaya nabitawan ko sya pero nag pumilit parin ito na protektahan ako kay daddy sa anumang maaring gawin nito sakin. Pero 'di ko inaasahan ang sunod na manyayari ng suntukin ni daddy si kuya kaya napaupo ito sa sahig.
"Kuya are you okay?" Lumakad ako papalapit sa kanya pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay may kumapit na sa braso ko upang pigilan ako.
"Dad please... bitawan mo ako, nasasaktan na po ako." Tiningnan ko ang kamay nya na mahigpit na nakahawak sa akin. Siguradong mag iiwan ng marka doon ang kamay nya sa sobrang higpit ng kapit.
"Parehas kayo ng kapatid mo sakit sa ulo puro nalang problema ang ibinibigay nyo sa amin ng mommy nyo." Galit na sigaw nya sa akin.
Di pa ako nakakasagot ng may mabigat na lumapat sa pisngi ko. Napayuko ako dahil sa sakit ng pakakasampal sa akin ni daddy.
"Dad tama na po." Saad ni kuya na akmang lalapit sa akin ay pinigilan agad ni daddy.
"Subukan mong lumapit malilintikan ka sakin...."
Di ko na narinig pa ang sasabihin pa ni daddy ng makaramdam ako ng hilo at unti unting dumilim ang paligid ko. Ang huli ko na lamang narinig ay ang nag aalalang boses ni mommy pababa ng hagdan.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
He Betrayed Me
Romance[ He Betrayed Me ] In a world full of betrayal they gave me a reason to keep going and face new lies. - Ashianna Louise Villafuerte