CHAPTER 1

4 0 0
                                    

"What the fuck are we doing here" Iritang irita na talaga ako kanina pa

"Bro naman wag kang magmukmok sa bahay niyo, alam mo ba na sa oras na umiiyak ka ay umiiyak din si jasmine"

Nandito kami ngayon sa bar, pinilit lang talaga nila ako sumama sa kanila dahil sa totoo lang mas gugustuhin ko na lang sa bahay at magmukmok.

"Uuwi na ko" tatalikuran ko na sana sila pabalik sa kotse kaso pinigilan nanaman nila ako.

"NO! Hindi mo pwedeng ikulong na lang habang buhay ang sarili mo. Kalimutan mo na si jasmine halos dalawang buwan na rin siyang patay"

Dahil sa sinabi niya hindi ko na napigilan ang sarili ko kung hindi suntukin siya

"Oo patay na siya pero masakit pa rin! So stop saying na kalimutan ko na siya dahil hinding hindi." Madiin na pagkakasabi ko at tuluyan na silang tinalikuran pabalik sa kotse.

Halos dalawang buwan na ngang patay si jasmine and hanggang ngayon sobrang hirap pa rin. Dalawang buwan na rin akong halos nasa bahay na ipinundar ko para sana samin kaso ending naiwan ako mag-isa. Sobrang hirap muli bumangon kapag alam mo sa sarili mo na parang wala na lang ding silbing lumaban o kumilos pa.

(Phone Rings)
"(Jacob)"

"Bakit po kayo napatawag ma? Is there something wrong?" Nagaalalang tanong ko kay mama irene.

"(there’s nothing wrong anak, ikaw ha your’e starting to overthink again)" saad nito, simula talaga ng malaman ko na nasagasaan si jasmine mula sa isang phone call, nadadala na talaga ako tuwing may tumatawag sakin.

"Bakit ka po ba tumawag"

"(I’ll just remind you that next week uuwi na yung kapatid ni jasmine galing thailand)"

"Ahmm ano po bang kaso kung umuwi yung kapatid niya?" Tanong ko, mula ng naging kami at maikasal kami ni jasmine never ko pang nakita yung kapatid niya na nasa thailand. Hindi kasi ayos ang papa ni jasmine sa kapatid niya dahil ang alam ko sumama to sa ibang lalaki tas pumuntang thailand and iniwan yung company nila tito kaya ending kami ni jasmine halos ang nagpatakbo.

"(Hihingi sana ako ng favor sayo kung pwedeng sa bahay niyo muna ni jasmine tumuloy. Isang buwan lang naman mananatili si lucas dyan. Ayoko lang talaga panatilihin sa hotel yun dahil delikado nga dahil may covid pa and pag dito naman sure akong hindi papayag ang papa ni jasmine)"

Medyo mabigat yung favor lalo na at diko
naman kilala yung lucas na yun but i have no choice to say yes. Si mama to e once na tumanggi ako for sure magtatampo sakin to, and i don’t want that kasi baka malungkot din si jasmine at the same time.

"Pwede ko bang itanong kung kelan and bakit naman po biglaan na uuwi yun?"

"(Naghiwalay na kasi si lucas and yung long time boyfriend niya, so he decided to stay here for a while and para makipag ayos na rin sa papa niya. He also said that he will take care to our company and also for you to take a rest for a while dahil sobrang bigat na rin ng pinagdadaanan mo)"

"Ganon po ba sige po, i let him stay to our house for 1 month mama"

"(Thank you talaga jacob!)" Tuwang tuwang saad nito mula sa kabilang linya

"Okay lang po"

"(Sige jacob, ibaba ko na to para makapagpahinga ka na rin)"

"Okay po ma, goodnight"

Tingin ko kailangan ko ng ayusin ang bahay sa dalawang buwan na lumipas halatang napabayaan ko na rin to. Madami na ring alikabok at mga kalat, wala na ring laman yung reff namin so kailangan ko na rin palang pumuntang supermarket. Siguro bukas nalang dahil 12:30 pm na rin. Habang nakatitig sa kisame doon ko lang na realize na iisa nga lang pala yung kwarto dito kaya wala nanaman akong choice kundi sa sala matulog.

"Bwesit naman kasi!"

Sa tagal tagal ng panahon bumalik pa yung lucas na yun, nung kasal namin hindi ko man lang nakita yun and even nung namatay si jasmine ni hi ni ho wala kaming narinig. Hindi man lang ba niya iniisip yung pamilya niya rito.

"Anong klaseng anak ba yun" muling pagkakausap ko hangin, hanggang sa diko na namalayan na nakatulog na pala ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EPIPHANYWhere stories live. Discover now