Hindi naman ako nakapagsalita agad dahil napa tulala na ako rito at galit na galit na ito pero hindi ko mapigilang hindi mamangha at igala ang mga mata ko sa kabuuan nito.w-wow!
"YOU PERVERT!!!" naputol na naman iniisip ko at bigla rin uminit ang buong mukha ko dahil totoong tumagal ang tingin ko sa ano niya pero lintik na to sino kaya ang nakaakap samin at nakisiksik sa higaan.
"Teka lang po miss ha, eh higaan ko 'to at kong makabintang ka diyan!" porque ba maganda
"but still you're a pervert!! uulitin ko! SINO.KA.SABI?!?"
biglang bumukas ang pinto at natatandaan ko nilock ko naman yun kanina.Pumasok si tito mark kasunod si mama na may bahid ng pag-aalala sa mga mukha nila.
"what's going on?"
"who are they Mark and why she's here in my room?" mahinahon pero may diin ang pagkakabigkas nito at pasulyap sulyap pa sakin.
"hon I'm sorry nakalimutan kong ipaalam sa'yo that they'll stay here for summer vacation" pagpapaliwanag ni tito mark dito
so ito yung asawa niya??? at teka nga diba mag asawa sila bakit bukod ang kwarto?? pero seryoso asawa niya talaga? maganda sana kaso ang sungit naman.
"ito nga pala si ate analisa panganay naming kapatid at ito naman ang nag iisa niyang anak at pamangkin na si Grey" pakilala nya
"ate siya nga pala ang asawa ko si Violet" dagdag pa ni tio
"oh my GOD! I apologize for my behavior po, please to meet you po ate Ana" sabay ngiti nito at naging maamo naman ang mukha nito kay mama na tinanggap naman kaagad ng isa
"kay ganda mo pala sa personal at lagi ka rin ikinikuwento nito saakin ni Mark. Pasensya kana kung hindi ako nakadalo sa importanteng okasyon ng kapatid ko. Kinagagalak din kitang makilala"
"naku wala po yun sinabihan na rin ako ni Mark na busy po kayo at hindi makakadalo" at heto ako nakikinig lamang at pinapanuod ang pag-uusap ng mga gurang
"Grey tatayo ka na lang ba diyan at hindi manlang magpapakilala ng maayos kay tita Ole mo?" nakita kong napa ngiwi yung asawa ni tito.
Naku ma kung alam mo lang, kulang nalang patayin na ako niyan."uhm hello po, ako nga pala si Grey" ngiting sabi ko with konting wave bago ko iniabot ang kamay ko para makipagkamay.
Bigla na naman akong kinakabahan dahil nakatingin lang 'to saakin mula ulo hanggang paa at talagang parang hinuhusgahan ako sa tinginan nito.
Kalaunan inabot nya rin ang kamay ko na hindi manlang ngumiti gaya ng ibinigay nito kay mama pero muntik na akong mapasigaw dahil pinisil nya ito ng malakas na hindi manlang napansin nila mama.
"ahm hon?" tawag ni tito rito at thank God binitawan na niya kamay ko
"balik ka na muna sa kwarto natin dahil si grey ang uukupa ng kwartong to" sumang ayon naman ang asawa nito pero bakit dito sya napadpad?
Nakapang office attire pa ito na ikinibit balikat na lamang at lumabas na rin sila pagkakuha sa ibang gamit ng asawa ni tito.
Bumaba rin ako pagkaayos ko ng sarili dahil nagutom syempre at alas otso na rin ng gabe. Pagdating sa kusina ay naabutan kong nagbabasa ng mga papeles ang asawa ni tito habang sumisimsim ng alak sa mababasaging kopita.
Parang kaya ko pa naman tiisin yung gutom ko atsaka may skyflakes pa ako sa bag at juices dun... TAMA! yun nalang ang kakainin ko, pipihit na sana ako patalikod para bumalik sa kwarto pero bigla naman itong nagsalita na ikinatigil ko
"and where do you think you're going?"
"may nakalimutan po kasi ako sa kwarto babalikan ko lang" sana makalusot
"sit" Kailan pa ako naging poppy?
Tumayo ito at sabay lapag ng mga pagkain sa lamesa at dahil nagugutom na ako ay mas pinili ko nalang maupo at sinimulang kumain, siguro nauna nang kumain sila mama dahil anong oras na rin, asan kaya sila?
"k-kumain na po kayo?"mautal kong tanong dito dahil nakakahiya naman kung hindi ko aayaing kumain diba??
"done" Wow tag tipid ba to? hindi manlang ako tinapunan ng tingin kaya minadali ko na lang ang pagkain para makaalis pagkatapos kong kumain ay niligpit na ang mga inainan at sinubukan pa akong pigilan ng katulong nila.
"ate ako nalang po ang maghuhugas, nakakahiya po tsaka konti lang naman po 'to"
"eh baka pagalitan po kasi ako at trabaho ko po kasi yan ma'am"
"ako na pong bahala ate promise di ka pagagalitan, pahinga kana po" ngiti ko pa rito, nakita kong napatulala ito sa akin kaya winagayway ko ang kamay ko sa mukha nya
"s-sige po ma'am k-kayo po ang bahala" namumulang umiwas naman ito ng mukha sabay alis nito.
Nakalimutan kong sabihin na wag na akong tawaging ma'am at sa tingin ko rin hindi nalalayo ang edad namin.
Tinapos ko na ang mga hugasan at umakyat na sa kwarto, sabi ni ate lyca yung isang katulong... umalis daw si mama at si tito.
Pagdating ko sa kwarto ay nagpalit na ako ng pantulog bago humilata sa ibabaw ng kama pero biglang sumagi sa isip ko yung babaeng nasa baba at hindi ko maipagkakaila ang kagandahan niya at isa lang ang masasabi ko kay tito...
SANA ALL!
Sa kakaisip ay unti-unti kong n naramdaman ang pag bigat ng talukap ng mga mata ko hanggang sa kinain na ako ng dilim.
BINABASA MO ANG
ANG ASAWA NI TITO(MATURED CONTENT) [INTERSEX]
De TodoKINDLY SKIP THIS STORY IF YOU'RE NOT COMFORTABLE READ AT YOUR OWN RISK! THIS IS PURE TAGALOG. VERY VULGAR AND DETAILED. credit: @si_amore_mio