Naglalakad ako sa pathway dito sa school, kakarating ko lang at mukhang maaga pa. Dahilan wala pang tao maliban sakin at sa guard ng university nato. Sinadya ko talagang maaga ngayon,dahil iba ipekto ng pagkalate sakin.
Pinagmasdan ko ang paligid ng Saint Bernard University . Matagal nakong nagaaral dito,ngunit ngayon ko lang napansin ang kagandahan ang meron sa loob ng unibersidad nato. Dahil natin siguro wala pang masyadong tao kaya masisilayan mo agad ito. Napansin ko din na makulimlim na ang kalangitan.
May ilan -ilan nadin palang mga estudyante ang nagsisidatingan.Kaya napagpasyahan ko monang maglakad-lakad.Dahil 7 palang naman at masaya pang 8 ang pasok, kaya may oras pakong maglibot-libot.
***
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan,kasabay ang malakas na hangin.
SHIT... SHIT... SHIT
Napakuripas ako ng takbo.Dahil narin babangasan na ako. Pero ang nakakainis wala akong masilungan kahit puno nalang. Nandito kasi ako sa Oval.
Ang malas naman talaga oh!!
Mabilis na takbo ang ginawa ko haggang napansin kong nasa tapat na pala ako ng gym.
Napansin ko din nakabukas ito kaya walang alinlangan pumasok ako. Dahil mas lumalakas pa ang ulan na para bang may Bagyo.
"Kainis naman talaga oh"
"Wala pa naman akong extra T-shirt "inis na inis na sabi ko sa sarili ko. Sabay punas ng damit kong basa gamit ang panyo ko na galing sa bulsa.
Pati ang bag ko basa nadin..kakainis
Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng biglang....
Bhhssss...
"Ahhh"malakas na hiyawan ko ng biglang may tumamang napatigas na bagay sa aking ulo. Na ika tumba ko sa sahig.
Bahagya pakong napahawak dito. Dahil subrang hapdi talaga parang may sugat.Unti-unti nading lumalabo paningin ko. Dahil siguro sa lakas ng impact kaya parang umalog din utak ko.
Pero kahit ganon pinilit kong hindi ipilit ang aking mga mata.Hanggang dumako ang aking paningin sa isang bagay na nasa aking harapan.
"Ahmm hey miss"nakakunot ang noong napalingon ako sa side ko,nong may narinig akong nagsalita.
Bumungad saking paningin ang tatlong lalaki na parang model ang pangangatawan. Nakataas ang kilay na tinignan ko sila ulo haggang paa.Hanggang napatigil ako sa lalaking nasa gitna. Subrang sama kasi nakatingin ang isang to. Tumayo ako at kinuha ang bola.Nong nakuha ko nayon. Napahawak ulit ako sa aking ulo, dahil masakit parin ito.
"Yong Bola pakiabot"naiiritang utos niya na ikainis ko ng subra.
"So kayo pala"napasinghal na sabi ko at napailing-iling. Napansin ko namang na mas lalo itong nairita.Habang ang dalawa nitong kasama ay parang may pinaguusapan,dahil nagbubulungan ang mga ito.
"Akin na sabi "malakas na sigaw nito at mukhang galit na talaga. Kaya mahigpit na hinawakan ko ang bolang hawak ko.
"Okay kalang ba Mr. Yabang.."pinandilatan ko ito ng mata at tumawa ng napakalakas na makakuha ng atensyon nong dalawa na kasama niya.
"May nakakatuwa ba"sabay na tanong nong dalawang habang nakakunot ang noo.maliban don Kay Mr. Yabang.Kaya mas lalo akong napatawa. Na ikausok ng ilong ni yabang
"Oops sorry nasubraan ata"
"Ang kakapal kasi ng pagmumukha niyo. Lalo kana"tukoy ko kay yabang na ngayong mukhang sasabog na sa galit. "Imbis na mag sorry kayo sa ginawa niyo. Kayo pa ang may ganang magalit na parang ako pa ang may atraso.Muntikan nakong mamatay ,Dahil sa ginawa niyo"malakas na sigaw ko
"Muntikang mamatay.. Oa mo naman "Sarcastic na sigaw din niya.Habang ang dalawa ay parang pinapakalma siya. "Hindi naman malakas ang pagakatama ah"dagdag niya at ibinaling sa mga kasamahan ang paningin.
"Hindi pala malakas ah"inis na bulong ko at malakas na ibinato sakanya ang bola.
Nagulat naman ako nong bigla nalang siyang nakahiga sa sahig.
"Oops napalakas"
Natarantang lumapit naman sakanya ang dalawang kasama na ngayong hindi alam ang gagawin.At gulat na gulat ngayon.
Nakapamaywang na tinignan ko sila tatlo lalo na si Yabang na nayong dumudugo ang ilong at mukhang mahimbing na ang tulog.
"Hmm. Wala pala eh"pasinghal na sabi ko at napangisi ng patago.
"Clint wake up/clint giting"sabay na sigaw nong dalawa at niyuyug-yug si yabang.
"Brent kailangan na natin tiyang ipuntang clinic "tarantang sabi nong isa.Ibinaling ko nalang ang aking paningin sa laba's ng gym na ngayong humupa na pala ang ulan.
Diretcho-diretchong naglapas ako palakas ng gym at hindi na nilingon pa ang tatlong ugok.