"Yllona"muntikan nakong mabingi sa subrang lakas ng sigaw ni shammy na ngayong nasa likod ko na pala. Naiinis na hinarap ko siya.
"What"mataray kong tanong.
"Bespren naman!! I went to your room. tapos nakalock .. Bat hindi mo manlang ako hinintay."malungkot na tanong niya sabay nguso.Tinaasan ko naman ito ng kilay na mas lalo niya pang ikanguso ng subra.
"yuck shammy.Nakakadiri ka mas mahaba pa ata ang nguso mo kaisa sa pato"naiiritang sabi ko. Mabilis na binatukan naman ako nito ng malakas na ikainis ko ng subra. Babawian ko na sana ito ng..
"Oops sige try mong bumawi.Hindi na kita papansinan"pananakot nito.Inirapan ko nalang ito at akmang aalis ng biglang may ibinato siyang damit kaya mabilis na sinalo ko naman ito.
"Magbihis kana..You are not playing with your pet rat"seryoso nitong sabi.
" Hindi ako nakikipag laro sa daga ko..At hindi ko dala so rob-rob"walang ganang sabi ko at pumasok na ng CR.
Nga pala si shammy bestfriend ko. Matalik kong kaibigan.matagal ko na itong kaibigan since elementary,siya Lang yong andyan para sakin simula nong Iwan nako nila mom at dad. Magkatabi Lang din pala kami ng apartment.Meron naman siyang pamilya pero hindi ko alam kong bakit siya mabilis at piniling mamuhay ng magisa.Balita ko mayaman family niya, Pero ni kahit isang tulog galing sa mga ito hindi niya tinatanggap. Pano ko nalaman, narinig ko lang naman si shammy habang kausap ang pamilya niya sa telepono. Hindi sa may pagkatsismosa ha. Intirisado lang talaga ako sa buhay ng Bespren ko.Mukhang may sama ng loob si shammy sa family niya.dahil kadalasan nagsisigaw ito pag kausap niya ang sariling pamilya. Hindi ko alam kong bakit.Hindi kasi siya masyadong ma share ng problema lalo na pag about sa family niya. Ni hindi pa nga niya pinapakilala ito sakin o kahit nakausap ko lang ito sa telepono.
Haysttttttttt...
May alaga din akong isang daga sa apartment ko. At kaming dalawa lang ni shammy ang nakakaalam don.Dahil ayaw nong mayari ng apartment sa daga. Pero hindi yon ordinaryong daga,subrang mahal non at gift yon ni dad nong last na birthday ko na magkasama sila.
Hayst. Namiss ko na tuloy ulit sila.
****
"Introduce your self START "
napabuntong ako ng honing nong narinig ang sabi ng aming guro. Andito na ang kinaiinisan ko at alam Kong ganon Din kayo pag nagpapakilala sa klase niyo.Jhguygksks
Bat pa kasi nauso ang pagpapakilala. kong pwedi namang tatawagin lang ang pangalan tapos magtataas ng kamay.
Napansin Kong sunod-sunod na nagsitayuan ang mga kaklase namin.Mas lalo naman akong tumamlay nong susunod na si shammy.
Hayst.
"I'm shammy Lee Thomas, 17 years old "walang ganang pagpapakilala niya sabay upon sa upuan na tabi ko. Walang ganang tumayo naman ako.
"Eumerriah yllona Bruise"matamlay na sabi ko at pabagsak na umupo na nakagawa ng ingay.
Inis na tinignan ako ng teacher namin pero hindi ko ito pinansin.
Hindi ako maldita huh. Sadyang sira lang talaga araw ko kaya ako nagkakaganito..
****
Papunta nga pala kami ngayon sa cafeteria. Dahil gutom nadaw tong bruha.Kanina pa niya akong kinukulit,hindi padaw siya nag umagahan.
"Yllona!! Ang kupad mo namang malakas. Gutom nako"Pagmamaktok nito at pinapadyak ang paa habang naglalakad kami.Hinila niya ang kamay ko kaya mabilis kong itumaboy ang kamay niya.Muntikan na kasi akong mapasubsub.Dahil sa paghila niya.
Umuna nalang ako ditong naglakad,hanggang nakarating na kami. Ako nalang ang naghanap ng table namin at siya naman ang bibili ng pagkain namin.
Dito sa school puro mayayaman ang nagaaral maliban saming. Na umasa sa scholar.Oo scholar kami kaya nakakapagaral ako ng libre.kaya kahit subrang hirap ng buhay kailangang Mag Tiyaga para makamit ang pangarap.
Meron nga palang waitrer dito sa cafeteria.na sila ang maghahatid ng mga order ng mga mayayamang estudyante. Pero para sa mayayaman lang daw yon kaya ang katulad namin mahihirapan .Hindi uso kaya kami mismo ang kumuha ng pagkain sa counter.
Iginala ko ang aking paningin sa kabuoan ng cafeteria hanggang napansin na lahat ng estudyante na antito ay nakatingin sakin at nagbubulungan. Sa hindi ko alam ang dahilan.
Hindi ko nalang ito pinansin at maghahanap na ng vacant table.At hindi naman ako nabigo.Pumunta ako sa bandang likod,para unti lang ang tao.Saka nakakailang ang mga tingin nilang lahat.
Karamihan sa lahat ng nagaaral dito mayayaman. Katulad ng sabi ko kanina. Kadalasan pag mayaman ka magagawa mo lahat lahat. Mabibili mo kahit na anong gusto mo.katulad ng grades na kahit hindi mona paghirapan.hind katulad naming mahihirapan na kailangan nagaaral ng mabuti para lang makakuha ng mataas na marka.Sa unibersidad na ito ay malaria kang maging diyos na sasambahin nilagpasan. Dahil sa kapangyarihang miron ang pera. Kadalasan din ginagamit ang kapangyarihang nila sa masasamang bagay. Katulad ng pagbili nila sa iyong buhay. Upang maangkin ka nila. Or gawing miserable ang buhay mo.
Ayon sa kwentong nasagap ko,may killer daw dito sa loob ng academy na bumibili ng buhay.
Pero walang nakakaalam kong sino yon. Sa dami ng estudyante Imposibleng malalaman mo agad.
Ngunit sa tagal kong nagaaral dito wala pa naman akong nabalitaang may mamatay o nagpatunay na miron ngang killer.
Saka isang haka-haka lang ata yon eh.
Andami din kasing tsismosa dito, pwera lang sakin noh. Sadyang magaling lang talaga sumagap ng balita ang tainga ko.
Nabalik nalang ako sa realidad nong nardaman ko ang presinsya ni shammy na nasa aking harapan.Na ngayong nakataas ang kilay. Bigla naman akong naalarma nong napansin kong kakaiba ang presinsyang meron siya. Na para bang may itim na salamangka ang nasa kanya ngayon.
"Shammy "tarantang banggit ko ng pangalan niya sabay tayo. Napaatras pako nong pabagsak nitong binitawan ang hawk niyang tray sa table namin. At humakbang palapit sakin.