Prologue

33 6 8
                                    


"Guys, I think we're lost..."

Napatingin sa kaniya ang mga kasama niya ng marinig ang kaniyang tinuran. Alanganin naman siyang napangiti ng makita ang reaksiyon ng mga ito.

Kasalukuyan silang nasa gitna ng kagubatan at sa tingin niya'y nawawala nga sila. Madaling araw pa lang ay umalis na sila sa cabin para makabalik agad. Kailangan nilang kumuha ng litrato ng tatlong magkakaibang hayop sa gubat. Yon ang task nila today.

Luckily they're done. But unfortunately, they're lost.

"Lost? Gaga, may dala kang mapa oh? Gamitin mo kaya yan nang makabalik na tayo sa camping site." Natatawa pang wika ng isa sa mga kasama niya. Agad ding nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagkakunot ng nuo nang makita ang kabado niyang ngiti.

"Wait. Don't tell me hindi mo alam gamitin yan? Talagang tatadyakan kita pag di tayo nakabalik sa site." Pagbabanta ni Luci na nakikinig lang din sa usapan nila.

"As if naman madaling gamitin to... Oh ikaw na gumamit para malaman mo kung gano ka-complicated yan." Nakangusong sabi niya habang iniaabot ang mapa na agad din namang inagaw ni Luci.

Baybayin kasi ang nakasulat sa mapa. Alam niyang baybayin ngunit hindi naman siya bihasa dito. Madali sana niya itong maiintindihan kung meron siyang guide sa pagbasa nito.

"Sige, dito tayo."

Nagpaumunang lumakad si Luci na siyang kasalukuyang may hawak ng mapa.

"Wow naman, marunong ka pala magbasa niyan kanina mo pa dapat sinabi. " Pang-aasar niya dito.

"Baka hindi ko din alam?"

"Eh bakit sabi mo dito tayo?" tanong niya habang sumasabay nang maglakad dito.

"Nagmamarunong lang," wika nito bago bumunghalit ng tawa.

"I'm pagod na guys. Can we rest here for a while?"

Sabay silang napatingin ni Luci kay Vivien. Nahagip din ng paningin niya ang dalawa pa nilang kasamahan. Nang makita ang itsura ng mga ito nakaramdam na din siya ng pagod.
Napagpasyahan nilang magpahinga saglit. Saktong may nakatumbang kahoy na hindi masyadong nasisikatan ng araw sa unahan nila kaya't agad nilang tinungo ito.

Inilagay niya sa ibabaw ng nakatumbang puno ang dala niyang backpack at umupo malapit dito. Ganun din ang ginawa ng mga kasama niya.

Kaagad na hinalungkat ni Vivien ang kaniyang backpack, nakakita ito ng isang malaking pack ng bread sticks at nagsimulang kumain. Nang makitang nakatingin siya ay nag-alok pa ito sa kaniya. Napapangiti naman siyang kumuha at nagtataas baba ang kilay na sumubo.

Nag-alok din si Vivien sa iba nilang kasama. "I have bread sticks here, may biscuits din ako sa bag. Baka want niyo..."

Nagkaniya-kaniya ang mga itong kumuha ng pagkain.

Si Luci ay nagsuot ng airphones at yumuko sa sarili nitong bag. Matutulog siguro. Ganun din ang ginawa ni Vivien.

Si Chelle ay nagseselfie. Si Jade naman ay kasalukuyang umiinom ng tubig at nakikipicture din. Nagpose pa na parang model ng water bottle na hindi na umabot sa kalahati ang laman.

Ang katabing malaking puno ang nagsilbing panangga nila sa mainit na sikat ng araw.

Hindi nila namalayan ang oras. Nang mapatingin sa relo ay pasado alas dos y media na pala ng hapon.

"Woi... 2:30 na, lumakad na tayo ulit. Doon nalang natin itodo ang pahinga sa Cabin pag nakabalik na tayo."

Ginigising niya sina Luci at Vivien na nakatulog pala. Nakahanda na din lumakad ulit sina Chelle at Jade. Matapos ayusin ang mga gamit ay nagsimula na ulit silang maglakad.

"Nandito ulit tayo? Pucha naman, kanina pa natin nadaanan to ah?" inis na pahayag ni Luci.

"Pansin ko nga din," sabat naman ni Jade.

Mababakas sa mukha ng mga ito ang pagod. Kanina pa kasi sila parang pabalik-balik dito. Sa isip niya'y parang tatlong beses na nilang paulit-ulit na nadaanan ang lugar ngunit hindi pa din nila malaman ang daan palabas ng gubat.

"Parang umiikot lang tayo pero diretso naman dinadaanan natin? Gumagamit pa tayo ng mapa pero wala namang kwenta, di pa din tayo makabalik sa site," mahabang pahayag ni Chelle.

"I'm so sticky na nga oh? I want to take a bath na..." maarteng saad ni Vivien.

"Wag naman sana tayong abutin ng gabi dito," simpleng pahayag niya.

"Wag mo naman kami takutin." Bakas ang kaba sa mukha ni Chelle.

"Ano namang nakakatakot sa sinabi ko?" sagot niya pabalik. Nagiging sarkastiko na siya dahil sa inis at pagod.

Hindi na siya sinagot pa ni Chelle. Halata ang kaba ng mga kasama niya kaya't tahimik na hiniling nalang din ng mga ito na wag silang abutan ng dilim.

Ngunit hindi natupad ang kanilang mga dasal sapagkat alas sais na ay naglalakad pa din sila sa kagubatan. Pagod at gutom na talaga sila.

Alas siete nang mapansin nila ang nagkikislapang liwanag sa langit. Nagtataka man ay sinundan nila ito. Laking pasasalamat nila ng makalabas sila sa kagubatan at tumambad sa kanila ang naglalakihang gusali na pinagmumulan ng liwanag.

Mas napanatag pa ang kanilang kalooban nang patuluyin sila ng isang magandang babae sa bahay nito upang doon magpalipas ng gabi. Sadyang napakabait nito at ipinaghanda pa sila ng pagkain.

"Ahh... Ate, ano po ang lugar na ito?" curious na tanong ni Chelle hindi pa man nagsisimulang kumain. Curious din naman nilang hinintay ang sagot ng babae.

Napahinto ang babae sa paglalagay ng pagkain sa Mesa. Tinignan sila isa -isa at nginitian bago binigkas ang pahayag na...

"...WELCOME TO BIRINGAN".

*****

This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors. Please bear with me.

I hope you enjoy reading this story. Lovelots... 🖤

SshhShein

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Camping Trip to Biringan Where stories live. Discover now