chapter 35 "Fist to Fist"

337 8 0
                                    

Nakaupo sila sa living room area. Sandaling katahimikan ang namayani sa buong paligid.  Napapasulyap si Rivah sa direksyon ni Felix. Unbutton ang sa itaas ang polo nito. Hindi maayos ang tie nto at magulo ang buhok. Namumula ang pisngi.

"Im not used to it. I miss you Rivah, hindi na tayo yung dati. You are avoiding me now and it's my fault." binasag na ni Felix ang katahimikan. Tumingin ito saglit kay Rivah at yumuko

"hindi mo kasalanan, ako itong umiwas dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung anong magiging reaksyon. Mahalaga ka sa akin, you were there when I needed someone the most. You are not just a friend, you are a big brother to me. Hindi ko alam kung anong  isasagot ko, I don't want to hurt you, I am afraid to lose you. " naiiyak na sabi ni Rivah na halos hindi makatingin kay Felix.

Tumango tango si Felix. "I understand. Alam ko yun. Im always here when you need me."ani Felix. Tumayo ito at ngumiti ito kay Rivah. "I have a meeting, I need to go" aniya sabay naglakad na ito

Tumayo si Rivah at sinundan niya ito hanggang sa pinto. Malalim na hininga ang pinakawalan niya habang inaabot tanaw ng kanyang paningin ang paalis na sasakyan ni Felix.

Sa itaas ng hagdan ay nakatingin lang si Marcus. Seryoso ang mukha nito na pumasok sa kanyang kwarto.

"tell the models to rehearse, we will shoot the scenes tomorrow. " ani Marcus sabau kuha ng coat at mabilis na naglakad palabas ng office.

Nakasalubong niya si Rovah ngunit hindi niya ito pinansin.

Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin. Kung anong naisip ay sinundan niya ito.

Umandar na ang kotse niya ng lumabas si Rivah. Mabilis ang patakbo nito. May mabilis ring kotse na sumunod dito.

"Sasakyan iyon ni Felix" bulong niya. Nakakunot ang noo nito. Iba ang pakiramdam nito sa dalawa, mabilis ang patakbo nila.

Nang may paparating na taxi ay agad niyang pinara.

"Kuya sundan po natin yung sasakyan na iyon" aniya sa driver.

"Oooooh Marcus!" bati ni Dikko

"busy natin ah" ani naman ni Bert

Naupo ito couch.

"Tamang tama ang dating mo, mraming bebot ngayon. Makakapili ka" ani Dave na nagniningning mga mata.

Imbes na sumagot ay nagsalok ito ng alak sa baso at ininom iyon ng minsanan.

"Matanda ka na Dave dapat sayo mag settle down na" pagbibiro ni Dikko

"Anong matanda ka diyan, commitment is not in my vocabulary." ani Dave ng ngumisi

"Ooooh wala talagang ipagbabago nitong si Dave" sabat ni Bert.

"hahahahaha now you are talking, baka mamaya ikaw tong hindi na magbabago. " balil biro nito kay Bert.

"Tama na yan, dahil nandito siArcus isang tagay para sa kanya" ani Dikko

Imangat nila ang kani-kanilang baso at nag toss.

"Kamusta naman ang buhay bro, balita ko subsob ka na sa trabaho, wala na bang sex life?" tanong ni Dekko

"Dude hindi siya ang tinatanong mo, dapat si Felix, ayun oh" ani Bert na itinuro nito gamit ang nguso.

Kumampay si Dikko at tinawag si Felix. "Felix bro!" aniya

Nagpalinga linga ito, ng may marinig na tumawag sa kanya ay napalingon siya at tumango. Lumapit ito sa kanila.

Natahimik si Marcus na sumeryoso ang mukha. Hindi man lang niya ito nilingon at itinuod ang tingin sa hawak na baso.

Sunod sunod na lagok sa baso pagsalok niya ng alak dito.

who are you? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon