Chapter 2

35 6 0
                                    

Pasukan na kaya maaga nanaman ang gising, graduating na ako this year kaya lalo akong naprepressure may utak naman ako pero kadalasan hindi gumagana lalo na kapag kailangan talaga hayop ang pagkakataon lalo na kung exam ang natsambahan na hindi gumagana utak ko tangina pamatay ang score ko parang yung sandata ng kamatayan yung parang number 7 ang itsura



Ngayong fourth year na ako lalo atang lumala ang kalawang ng utak ko dahil makita palang mga subject sumasakit na ulo ko feeling ko kapag mag aaral na ako isa isang puputok ang brain cell ko na natutuyot na sa ngayon


Hayyyy sana lang may magandang mangyare sa loob ng school para naman ganahan ako mag aral

"Good morning, Nana" bati ko.

"Magandang umaga naman sayo iho, maupo kana at kumain maaga pa ang klase mo ngayon hindi ba? " Tanong ni Nanang habang nag aayos ng plato.

"Opo, Nanang" sagot ko at umupo na din. Nagpalinga linga ako bago tumuon ulit kay Nanang. " Hindi pa po ba gising sila Mom and Dad?" Nakakunot nuong tanong ko.

"Naku iho maaga sila ng umalis ng Daddy mo para sunduin sa airport ang mga ate mo-- andali ang niluluto kung ulam para sa ate mo"saad ni Nanang at bumalik sa loob ng kusina.


Nagsalubong ang kilay ko sa narinig.

" Bakit uuwi pa sila, Nang! Bakit di nalang sila dun kung saan sila!" Sigaw ko kay Nanang na napahawak naman sa kanyang dibdib.

" Aba iho bakit naman ayaw mo na andito mga ate mo?" Tanong ni Nanang.

"Eh alam nyo naman po kung bakit ayaw ko sila kasama dito sa bahay, Nang!" Nakangusong sabi ko.

Hayyyyystt! Ayoko talaga na andito at makakasama sila sa bahay dahil parusa para sakin ang magiging pag uwi nila lalo na at sila pang dalawa ang uuwi

Mukhang kailangan kung bumili ng condo

Aisshh! Bahala na nga!

Tumayo na agad ako at hindi na tinapos ang pagkain dahil nawalan na ako ng gana

"Alis na po ako, Nang!" Nagdadabog na sabi ko.

"Ano-- iho dika pa tapos kumain maryusep itong batang ito"

Alam ko bastos yung naasal ko kay Nanang pero kasi pag yung dalawang ate ko na ang usapan bad words yun! Sana lang talaga medyo ok sila pag uwi nila

Pagsakay sa kotse ay pinaharurot ko na agad ito papunta sa school

Nandoon na kaya yung tatlo?

Tawagan ko nalang sila para sure, baka pagdating ko sa school mag isa ko palang dahil napaaga ako ng pasok di naman ako excited sa lagay na toh

"Helloooo brooo" bakit ba si Matt ang naisipan kong tawagan!

"Nasa school na ba kau?" Tanong ko.

"Papunta palang broooo..wag mo sabihing nasa school kana dahil hindi ako maniniwala hahahahahha"asar nya.

" Hoy! Tigilan mo ko gago wala pa ako sa school!" Pagsisinungaling ko.

Mang aasar pa ang loko ngayon na nga lang pumasok ng maaga sisitahin pa! Alam ko naman na madalas akong absent dahil sa katamaran ko pero pag sinabi ko naman na mag aaral ako ngayon ng maigi gagawin ko talaga may isang salita naman ako sa sarili eh kaso mukhang aasarin ako ng tatlong pugo na yun!

"Talaga ba, Marcel ha? Eh bakit nakikita ko na yung kotse mo papasok ng gate?" Shit! Mura ko sa loob ng utak ko. Pagtingin ko sa gilid andun nga ang kotse ng gagong toh. "Di pala maaga ahh gago! Hahahahha" bwesit talaga tong lalaking toh lakas mang asar umagang umaga!

She's Mine OnlyWhere stories live. Discover now