'Annah, gising ka na'
'I know you're small but you're so damn terrible"
"She'll soon wake up"
"She's not Annah Molante for nothing"
I heard some familiar voices. Voices of people close to my heart.
I feel numb. I can't feel anything but I tried my best to open my eyes. When I opened my eyes, all I saw is a white ceiling. 'Nasan ako? At nasaan 'yung mga naririnig kong boses kanina? Panaginip lang ba 'yon?'
I turned to my left and saw a familiar face leaning on my bed, my Kuya.
"K-kuya?" buong lakas kong saad pero hindi ko alam kung narinig ba n'ya.
Dahan-dahan n'yang inangat ang ulo n'ya, "Annah? Gising ka na!" agad s'yang tumayo at hinawakan ako sa kamay. "Hilary, Rean, gising na si Annah! Tawagin n'yo si Doc" sabi n'ya kina Sean at Hilary na hindi ko napansin na nandito pala sila. Nahagip ng mata ko na tumingin muna sila sa akin bago tumakbo palabas ng pinto.
"Kumusta ka na? May masakit ba sa'yo? Anong nararamdmaan mo?" sunod-sunod n'yang tanong.
"Na—san ako?" hirap na hirap akong magsalita, pakiramdam ko pagod na pagod ako. Sinusubukan kong alalahanin kung anong nangyari pero sobrang hina ko yata kasi kahit nag-iisip lang ako ay nahihirapan ako.
"Shh! Wag ka na muna magsalita, mahina ka pa" he brushed his right thumb on my hand.
Kung malakas lang ako, baka nasakal ko na 'tong Kuya ko. Ang daming tanong tapos noong nagsalita ako, biglang sasabihing wag muna ako magsalita.
Dumating na sina Rean at Hilary na may kasamang Doctor.
"Doc, she's awake" masiglang sabi ni Kuya. He moved so the Doctor can check my vitals. He did some Doctor stuffs that I can't understand, all I know is he's checking my condition.
"She's stable now. She just need more time to rest to fully recover" sabi ng Doctor kay Kuya nang matapos s'yang mag-check ng kung anu-ano.
"Thank you, Doc" they shook their hands then hinatid na ni Kuya si Doc sa labas. Siguro may pag-uusapan pa sila.
"Annah! Thank God you're awake!" sabi ni Rean nang makalapit sila ni Hilary sa akin at hinawakan nila ako sa kamay. They're so clingy! Pasalamat sila kasi mahina ako at hindi ko maiiwas kamay ko.
"Alam naman namin na sobrang hilig mo matulog pero 'wag naman gano'n katagal" kitang kita sa mukha nila amg pag-aalala. Mukhang kulang din sila sa tulog, parang mga zombi sila dahil sa eyebag nila.
Ilang oras ba akong tulog? At bakit nga ba ako nandito?
"We were so scared, especially your Kuya" Rean said.
Sobrang dami nilang sinasabi, nagkekwento sila na hindi ko na ma-absorb lahat ng sinabi nila. Gano'n din si Kuya nang makabalik s'ya, ang dami silang kwento . Siguro dahil ayaw na nila ako patulugin ulit.
Onti-onti kong nararamdaman na medyo lumalakas na ako at kaya ko nang magsalita kahit papaano.
"Nasan si Miles?" mahinang tanong ko.
"Umuwi muna s'ya para magpahinga, galing na s'ya dito kanina" sabi ni Hilary.
S'ya? Si Aria? Nasaan?
Biglang bumilis ang tibok nang puso nang maalala ko kung anong nangyari. Napapikit ako dahil biglang sumakit ang ulo ko.
"Annah, ano'ng nangyayari? May masakit ba sa'yo?" agad na lumapit sa Kuya sa akin.
YOU ARE READING
Irony of Love
RomanceI am one in a few people who doesn't believe that love is forever, that love is undying. Because people change. Feelings change. Someone may love you today, then unlove you tomorrow. Someone will keep on saying that he/she love you but keep on hurt...