"Atin ang mundo" he mouthed.
Wait, sa akin n'ya ba sinabi 'yon? At saka, ano ba 'tong mga pinagsasasabi ko? Anong I amire, I admire na yan? No! I don't admire anything with him. Pumikit ako at umiling. No!
"ANNAH!"
Napamulat ako at napakunot ang noo. Tiningnan ko si Hilary nang masama.
"Ano?"
"Aba! Ay bumangon na kayo. Pumunta tayo dito para magswimming at magbakasyon, hindi para matulog! Tirik na tirik na 'yung araw!" Pagalit na sabi ni Hilary na parang nanay. "Isa ka pa, Aria! Hoy!" Binato n'ya ng unan si Aria.
Napatingin naman ako sa paligid at nakita ko sa may bintana na pasikat pa lang 'yung araw. Nagtakip lang ako ng unan sa mukha dahil inaantok pa ako. Istorbo sa tulog.
Pero wait...
Napanaginipan ko ba si Uno? Ah, oo napanaginipan ko s'ya. Pati ba naman sa panaginip, ini-invade n'ya pa din? Pero hanggang sa panaginip, tinatanggi kong hinahanggan ko s'ya. Psh! Ba't ko ba 'yon iniisip?
I just shook my head to shrug off his thought.
"Annah! Bangon na!" Bigla n'yang hinila 'yung unan na nakatakip sa mukha ko.
"Ang aga-aga pa naman." Tamad na tamad kong sabi.
"Nando'n na sina Rean sa may free-breakfast. Hanggang 8 am lang 'yon" Pangungumbinsi ni Hilary.
"Kakain na?" Biglang bumangon si Aria at bumaba na sa double-deck.
"'Yan, d'yan ka mabilis" Sabi ni Hilary.
Wala naman akong choice kun'di tumayo na kasi 'di rin naman nila ako titigilan lalo na at gising na rin si Aria.
"Aria, baka gusto mong mag-toothbrush muna" Sabi ni Hilary kasi ready na si Aria lumabas ng kwarto.
"Toothbrush? E, kakain din naman, madudumihan lang ulit. Mamaya na para isa na lang"
Napailing na lang kami sa mga pangangatwiran ni Aria, medyo may point naman s'ya.
Nagpunta naman ako sa lababo para mag-toothbrush.
"Ang tagal mo naman, Annah. Wag ka na mag-toothbrush" Pagrereklamo ni Aria.
"Igagaya mo pa sa'yo" Sabi ni Hilary
"Wow! Nahiya naman ako. Nag-toothbrush ka? Ang baho nga ng hininga mo" Nagtakip pa ng ilong si Aria.
"Di ko naman sinabi na nag-toothbrush ako" Sabi ni Hilary at inirapan pa si Aria.
Natawa naman ako bigla kaya muntik ko na malunok 'yung toothpaste. Walangya kasi 'tong Hilary na 'to. Hindi din naman pala nag-toothbrush.
Pagkatapos ko mag-toothbrush, pumunta na kami do'n sa breakfast area. Nakita namin si Rean at Miles na may ni-reserve ng lamesa.
"Hoy, mga patay-gutom!" Pagbati ni Aria kina Miles at Rean pagkaupo sa upuan.
"Kailangan lang pala ng magic word para magising si Aria" Sabi ni Hilary at umupo na din kami sa upuan namin.
"Pagkain? Sabi ko sa'yo, e" Sabi ni Rean.
"Tapos ikaw pa ang may ganag magsabi sa amin ng patay-gutom?" Sabi ni Miles kay Aria.
"Hindi ako patay-gutom. Buhay na gutom ako" Pangangatwiran na naman ni Aria.
"Sa bagay, tama ka naman d'yan" Sabi ni Miles.
Umagang-umaga, ang ingay-ingay na nila. Buti na lang sanay na ako kaya tinatawanan ko na lang din sila.
YOU ARE READING
Irony of Love
RomanceI am one in a few people who doesn't believe that love is forever, that love is undying. Because people change. Feelings change. Someone may love you today, then unlove you tomorrow. Someone will keep on saying that he/she love you but keep on hurt...