"Annah, wru?"
"San ka na???"
"MOLANTE!!! TANGHALI NA, SAN KA NA??"
"ANNAH MOLANTE!"
"GIRL?? WER U NA?"
Bumungad sa akin ang sunod-sunod na chat sa akin ng mga kaibigan ko. Na-late lang naman ako ng gising.
"otw" reply ko
Bumangon na ako at dumiretso sa CR para maligo. Pagkatapos maligo, nagbihis at nagayos lang ng mga gamit.
May outing kasi kami sa Batangas for five days since last two weeks na ng summer vacation before kami mag-forth year college. Umalis ako sa bahay na walang pinagpapaalaman dahil nakapasok na siguro sa trabaho si Kuya. Alam naman n'ya na aalis ako, nagpaalam na ako kagabi.Sumakay ako sa jeep dala ang malaki kong bag na mas malaki pa yata sa akin. Buti na lang nakapagempake na ako kagabi, kung hindi baka ngayon pa lang ako mageempake at mas lalo akong gegyerahin ng mga kaibigan ko. Sa SM ang meet-up namin. Sabi ko wag na nila ako sunduin sa bahay kasi malakas pakiramdam ko na malilate talaga ako nang gising.
May nakatabi akong lalake na kung makasiksik, akala mo doble ang binayad na pamasahe. Pag ako hindi nakapagpigil, sisikmuraan ko 'to. Hindi naman kasi sikip dito sa jeep, actually maluwag nga dun sa kabilang side nya eh. Sumisiksik na lang ako sa kabilang side ko na pinakadulo na kasi favorite ko 'tong pwesto para mabilis makababa at hindi maging taga-abot ng bayad. Pero etong siraulong katabi ko, pilit na sumisiksik. Hindi ko na kaya, kaya lumingon ako sa kanya, "Sige kuya, siksik pa! Itutulak kita palabas ng jeep! Makasiksik ka parang ikaw nagbayad ng pamasahe ko ah! Ang luwag luwag dyan sa kabila mo o! Wag laging pairalin kamanyakan, baka masaktan kita. Lintek ka!" Hindi na naman nakapagpreno bibig ko. Napatingin sa amin yung ibang pasahero kaya mukang napahiya yung katabi ko. "Sorry miss" Umusog sya dun sa kabila nya at umiwas ng tingin. See? Pwede naman hindi sumiksik eh. Kaya bwisit na bwisit ako sa mga lalake dahil sa mga tulad nya. Hindi ko na lang ulit sya pinansin. Nakakasira ng umaga.
"Dito kami sa entrance sa harap" Chat ni Rean sa akin kaya dumiretso na ako dun. Nang natanaw ko na silang apat, mga masasama ang tingin at nakataas ang kilay. Nawala na pagkabadtrip ko kasi alam kong mapapagalitan ako ng mga bruha kong kaibigan. Ihahanda ko nang takpan ang tenga ko sa pambubunga ng mga bruha.
"CONGRATS! NAKADATING KA!" Bungad ni Rean nang makalapit ako sa kanila at sabay sabay silang pumalakpak.
"Sobrang layo ng bahay mo ano? Parang sampung sakay sa jeep tapos sakay ka pa airplane, tapos lalakad ng limang bundok" Sarkastikong sabi naman ni Miles na may paggesture pa. Isang sakay ng jeep lang naman bahay namin papunta dito, mga 10 minutes lang kaya G na G sila.
"Two hours ang otw mo ha!" Sabi naman ni Hilary. Natatawa na lang ako sa mga itsura nila kasi nakahanay sila magkakatabi na parang may tatambangan.
"Wag na kayong magreklamo, tingnan nyo naman kung gaano kalaki yung bag nya. Parang kasyang kasya sa loob, pwede pa sya magpagulong gulong" Pang-aasar ng pinakamalakas mang-asar sa amin na si Aria. Nagtawanan naman yung tatlo pero ako sinamaan ko sya ng tingin at pinalo ng malakas sa braso. "Aray!" Hinimas himas nya yung braso nya habang tumatawa. "Joke lang Annah. Ito naman. Tara muna sa van, ibaba mo muna gamit mo" Hinila ako sa braso kaya sumunod na lang ako. Naglakad kami papunta sa parking lot.
"Bat kasi ang tagal mo? Ikaw na ang pinakamalapit, ikaw pa ang late" Sabi ni Rean habang naglalakad kami.
"Na-late nga ako ng gising. May pinanood ako movie kagabi, horror. Gusto mo mapanood?" Tiningnan ko sya ng nakakaloko.
"Ayaw ko, kahit ilibre mo pa ako buong bakasyon natin, hindi ako manonood nun" Nagtawanan kaming apat kasi sobrang matakutin talaga si Rean kaya ang sarap nyang takutin.
YOU ARE READING
Irony of Love
RomanceI am one in a few people who doesn't believe that love is forever, that love is undying. Because people change. Feelings change. Someone may love you today, then unlove you tomorrow. Someone will keep on saying that he/she love you but keep on hurt...