Conversation 06

550 22 0
                                    

Habang naglalakad ako, nahagip ng mata ko ang isang lalaking naka cap at blouse partnered with ripped jeans at white shoes.

Tumingin naman ito sa'kin at dun ko lang na napagtanto na si.....

"Tataaa!" Sigaw niya at tumakbo papalapit sakin at saka ako niyakap. Niyakap ko din siya pabalik.

"Jackson. Ikaw na ba yan?" Natatawang tanong ko habang bumibitaw sa pagkakayap.

"Ako dapat magtanong niyan. Ikaw na ba yan? Antangkad tangkad saka ang puti puti mo na. Nung last na pagka-."

"Nang-aasar ka pa talaga?" Taas kilay kong tanong ko sakanya. "Joke lang. Peace HAHAHA." Pagkasabi niya no'n ay inakbayan niya ako at nagkuwento ng mga bagay-bagay.

Jackson is my childhood friend, one and only. Masyadong malakas ang trip  niya compared sakin na parang alikabok lang. Ewan ko ba kung bakit gusto niya akong maging kaibigan. Hanggang ngayon 'di ko pa talaga alam ang sagot.

"Nga pala si, baekhyun? Asan na?" Pagsisingit ko. Si Baekhyun ang... crush ko. Childhood crush, i mean. Mag kaibigan sila ni Jackson pero hindi ko naging close si Baekyun, magkaparehas kami ng ugali pero ayaw ni destiny e.

"Awit, hinahanap crush niya." Pang-aasar niya sakin. Well hind-

"Ya Baekyun!!" Nabigla ako ng biglang sumigaw si Jackson. Tinignan ko kung sino ang tinawag niya.

Matangkad, naka blouse at may tshirt na color white at naka pants na dark blue. Red ang kulay ng buhok niya at sinusuot ang matatamis niyang ngiti.

Kumaway din siya pabalik at naglakad papunta sakin.

"Buang na." Natatawa niyang sabi at saka tumingin sa'kin. Sa tingin niya sakin ay parang tinatanong kung sino ako.

"Lah, pati si Baekyun hindi ka na nakilala." Nang-aasar niya nanaman na sabi.

"Si tata, si Taehyung. Tanda mo? Yung sabi kong may crush sayo."

'Sabi kong may crush sayo.'

Parang biglang nag echo sa tainga ko ang huling sinabi ni Jackson. Sabi kong may crush sayo.

Tinignan ko siya ng masama at saka tumingin kay Baekhyun. "Hays mapag biro talaga yan nung bata, hanggang ngayon. Ha ha ha." Kinakabahan akong tumawa. Hinawakan ko ang braso ni Jackson at saka pasimpleng kinurot.

Napadaing naman si Jackson pero tinignan ko ito. "Ahhhoo. Sobrang buang pa din ako katulad ng dati. Sayang naman ta-."

Kinurot ko uli siya, baka kung ano nanamang kademonyohan ang lumabas sa bibig niya.

"Mauna ako Baekhyun, tae. Babye!" Bigla siyang bumitaw at tumakbo papalayo.

Tinignan ko naman si Baekhyun na parang hindi makatingin diretso sa'kin.

Ugh, Jackson!!

"Hmm, sorry kay Jackson ha? Alam mong talagang-."

"Oo din." Sagot niya kaya nagtaka ako. "Para sa'n?" Takang tanong ko sakanya.

"W-wala. Hatid na kita?" Aya niya pero tumanggi ako. "Wag na, hmm medyo malayo yung bahay namin baka gabihin ka." Sagot ko kaya tumango nalang siya. Binalot nanaman kami ng katahimikan. "Umm un-." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla din siyang nagsalita.

"Pwede ko bang malaman ang number mo? Or facebook acc?" Tanong niya, parang naiilang siya o ewan.

"Ahh okay." Ngumiti ako at kinuha ang ballpen sa bag ko. Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay ko sa palm niya ang number ko at facebook acc.


"See you."





----------
Sorry huhu🤧. Ngayon lang nagsisisulputan mga charac. Timing na nakikinig ng music sa cp while updating. Saktong got7, exo yung mga kpop group yung kanta kaya inilagay ko sila.
Abang-abang kasi marami akong kpop songs dito.
Baka nga mailagay ko ang Bigbang at 2ne1. Why not? Coconut? Support kpop and phil. pop💪✨

Shyly Inlove with Mr. Jeon || TAEKOOK ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon