Conversation 09

457 19 0
                                    

Jungkook's Point of View

Halos buong gabi ko pinag-isipan ang sinabi ni Tata sa'kin. Natatawa nalang ako kasi bakit ako nag papa advice sakanya e siya yung gusto ko. At sobrang awkward kasi binigyan niya pa ako ng mga dapat gawin para umamin o pano umamin. Kinabukasan ay pumunta ako sa isang flower shop. Sinunod ko ang sinabi ni Tata sa'kin.

"Miss ano ho bang mas maganda dun sa dalawang kulay? Yung light violet ho ba or white?" Tanong ko sa babae, maybe siya yung may-ari ng shop na to.

"Nanliligaw ka?" Tanong niya kaya nahihiya akong ngumiti at tumango tango. "Walang pangit, walang mas nakakaangat. Piliin mo sakanilang dalawa kung ano ang natitipuhan mo. Kung ano ang napili mo, iyon ang ibigay mo." Sabi niya sakin. Bigla naman akong naguluhan.

"Iho, yung asawa ko nakuwento sa'kin. Pumunta din siya sa isang flower shop at tinanong niya raw sa nagtitinda kung ano ang mas magandang kulay. Kung pula ba o white. Ang sabi sakanya ng tindera, kung ano ang matipuhan ng mga mata mo at kung anong kulay ang mas naa- attract ka. Iyon ang kunin mo. Dahil kung anong galing sa taong mahal mo, tatanggapin niya."

Hindi ko padin maintindihan ang sinasabi niya.

"Kasi po, hindi pa ako umaamin sakanya na gusto ko siya." Nahihiyang sabi ko sakanya.

"Malay mo, gusto ka din niya. Base naman sayo iho, may mga standards ka sa magugustuhan mo. At yang nagugustuhan mo ay napaka swerte. Mabait ka, sa panloob at panlabas na itsura mo. Kaya matatanggap niya kahit ano mang kulay yan."

"Eh kasi po..."

Hinila niya ako papunta sa dalawang magkaibang bulaklak. Hindi ko alam ang tawag sakanila kaya nagtataka ko siyang tinignan.

"Isang tulip at isang white rose. Ano sa tingin mo ang mas naa-attract ka." Sabi niya sa'kin. Sinuri ko ang sinasabi niyang bulaklak.

"Ang tulip, maganda. Nakaka gaan at nakapag relax kapag nakikita mo. Matangkad pero hindi siya long lasting. Madami siya at pwedeng mahanap mo sa kung saan. Ang puting rosas naman, maganda din. Maliit pero maraming petals na nakapalibot. May tinik pero nananatili ang ganda at matingkad na kulay nito. Hindi din siya long lasting pero nag-iiwan siya ng bango at halimuyak."

"White roses."

-----
"Sa wakas naman ay nakapili ka na iho." Masayang sabi sakin ni aling Ruela. Siya na mismo ang naghatid dito sa campus ng bulaklak. Hindi talaga mapapansin na may edad na si Aling Ruela dahil sa makinis nitong balat at mahabang buhok.

Sana tanggapin to ni Taehyung.

"Huy may tatalon daw dun sa isang building!"

"Hala totoo, tara!"

"Hala may tatalon sa building!"

Bigla naman ako nakaramdam ng kaba dahil sa bulong bulungan nila. Nagmamadali akong nagpaalam kay Aling Ruela at agad na kumaripas ng takbo papunta sa building.

Nagulat ako ng makita mula sa itaas ang isang pamilyar na mukha.

Si Tata.

Shyly Inlove with Mr. Jeon || TAEKOOK ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon