FIRST LOVE

3 0 0
                                    

    Dalawa lamang kaming magkapatid
ni Mark at ako ang bunso. Ang aming
pamilya ay kabilang sa mga kinikilala
sa lipunan dahil matagumpay na ne-
gosyante ang parents namin. Real es-
tate, banking, food industry, garments
factory ang ilan sa negosyo namin.
    Si Kuya Mark ay kilalang Arkitekto
at ako naman ay tapos ng BSBA major
in Management. Si Daddy ay Manage-
ment graduate at si Momy naman ay
tapos ng BSBA Marketing major. Katu-
long ako ng parents namin sa pagpa-
paunlad ng aming negosyo. Actually,
ako ang President And General Mana-
ger ng isa sa tatlo naming garments factory sa Taytay, Rizal, ang tinaguri-
ang Garments Capital of the Philippi-
nes. Si Mark naman ang Arkitekto ng
mga housing projects namin. Siya rin
ang designers ng mga buildings na-
min. Anupa't wala na kaming proble-
ma para sa aming kinabukasan. Suba-
lit sa kabila ng karangyaan namin sa
buhay ay hindi kami nakalimot na magpasalamat sa Diyos sa mga biya-
yang ipinagkaloob sa amin.
    Habang lumilipas ang panahon,
ang edad namin ni Kuya Mark ay ma-
lapit nang malagas sa pahina ng ka-
lendaryo. Siya ay 30 anyos at ako na-
man ay 28 na. Isa na lang ang kulang
sa amin ng kapatid ko, pareho pa ka-
ming available. Marami naman ang
nanliligaw sa akin, ngunit wala pa
akong sinasagot sa kanila. Kilala din
sa lipunan ang pamilya nila tulad ni
Raffy na anak ng kilalang pulitiko
sa lalawigan ng Rizal. Ipinangako ko
kasi sa sarili ko na mag-aasawa ako
pag 35 na ako.
    "  Ano ba iyan mga anak, naiinip na
akong magkaroon ng mga apo sa in-
yong dalawa,  '  wika ni Mommy nang
isang umaga ay nag-aalmusal kami.
   "  Huwag kayong mag-alala Mommy,
dadating tayo diyan,  "  nakangiting
wika ni Kuya Mark.
   "  Bata pa ang mga anak mo, Marie. Pag 35 na si Mark, puwede na, " sabi
naman ni Daddy.
    "  Tama iyan Daddy. Mga Koreano
nga, ang mga babae sa kanila, dapat
daw pagtuntong ng edad 35 saka pa
lang daw sila puwedeng mag-asawa,"
wika ko naman.
    "  Siya, basta pag 36 na kayo, dapat
ay may mga apo na ako sa inyo,  " si
Mommy uli.
    At katulad ng sinabi ni Daddy, si Ku-
ya Mark ang unang nagka-GF, siya si
Denise na isa ring magaling na Arki-
tekto. Hindi masyadong mayaman ang angkan ni Denise, ngunit magan+
da ang reputasyon nila sa lipunan. Ako naman ay wala pa rin akong napi-
pili sa tatlo kong suitors, sina Danny na anak-mayaman din at sikat na PBA
player, si Raffy na anak ng mga kila-
lang pulitiko sa Rizal at si Edmar na
isang Pastor ng mga Born Again Chris-
tians.
    Matulin na lumipas ang panahon. Si
Kuya Mark ay nagpakasal na kay De-
nise. Tulad ng pamilya namin na na-
mulat bilang kasapi sa mga Evangeli-
cal Baptist Church, sina Kuya Mark at
Denise ay si Edmar ang nagkasal sa
kanila at ako ang Maid of Honor. Si
Raffy na isa sa mga nanliligaw sa akin ang Best Man. At sa araw mismo ng kasal nina Kuya Mark at Denise ay
binigyan ko ng pag-asa si Raffy. Siya
ang unang lalaking inibig ko nang
lubos. Mabait na tao si Raffy. Isa siyang Propesor sa college of Enginee-
ring sa Mapua University. Madaling
nairaos ang kasal nina Kuya Mark at Denise. Sa Hongkong ang napili nilang lugar ng honeymoon. Masayang-ma-
saya naman si Mommy.
    "  Damihan nyo ha Mark at Denise.
Kung puwede lang kambal agad, "
pagbibiro ni Mommy nang pasakay na
ng eroplano sina Kuya Mark at Ate
Denise patungong Hongkong.

UNCONDITIONAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon