Mabait si Raffy. Ito ang katangian
niya kung bakit ko siya minahal. Kung
estado sa buhay ang pinag-uusapan ay
nasa middle class lang ang pamilya ni-
ya. Subalit hindi iyon ang naging bata-
yan ko para mahalin siya. Hindi siya
mapagsamantala. Hindi rin siya ma-
pusok tulad ng ibang lalaking nakiki-
ta kong sinasamantala ang kahinaan
naming mga babae. Tinatawag kasi na
weaker sex ang babae tulad ni Eva na
madaling bumigay sa panunukso ni
Satanas na nag-anyong ahas sa Gar-
den of Eden na nababasa natin sa ka-
una-unahang aklat sa Bibliya, ang Ge-
nesis. Hindi rin mayabang si Raffy.
Kung tutuusin ay kaya niyang magma-
laki dahil isa siyang magaling na Pro-
pesor, ngunit nananatili siyang naka-
tapak sa lupa. Bagama't magkaiba ka-
mi ng paniniwala ay minahal ko pa rin siya. Kasapi siya ng nangungu-
nang relihiyon dito sa ating bansa.
Huli na nang malaman ko sa aming
Pastor na bawal daw makipamatok o
makipagrelasyon sa lalaking iba ang
paniniwala. Kailangan daw ay pareho
kaming kasapi sa Church na aking ki-
nabibilangan, ang pagiging Born Again Christians.
" Papaano iyan Pastor Junmar, may
relasyon na kami ni Raffy bago ko na-
laman ngayon sa inyo na bawal pala
ang makipag-relasyon sa hindi natin
ka-member, " wika ko sa aming maba-
it na Pastor nang minsan ay humingi
ako sa kanya ng payo tungkol sa amin
ni Raffy.
" Masakit mang sabihin sa iyo na da-
pat mong hiwalayan muna si Raffy
for the mean time dahil iyon ang poli-
cy ng Church natin ay kinakailangang
sundin natin ang sinasabi ng Bibliya
sa 2 Corinto kapitulo sais bersikulo
14. Nakahanda ka bang sumunod sa
ating Biblical na policy Mara? "
" Mabuti pa Pastor ay sabay mo ka-
ming i-counsel muna ni Raffy. Medyo
magulo ngayon ang isip ko. "
" Sa next Sunday, puwede ba kayo
after fellowship natin. Tamang-tama,
padaluhin mo muna siya. Two hours
lang naman ang worship service na-
tin. "
" Sige po Pastor, kakausapin ko si
Raffy bukas na bukas din. "
Kinabukasan nga ay kinausap ko
si Raffy tungkol sa naging resulta ng
pag-uusap namin ni Pastor Junmar.
Sumunod na Linggo ay nagpa-counsel
kami ni Raffy kay Pastor Junmar.
" Tutal nandiyan na iyan, you must
be born again Propesor para hindi na-
tin malabag ang policy ng Church na
ito about sex, courtship and marriage.
Dapat Biblical ang policy natin tungkol
sa pag-aasawa."
" Sige po Pastor Junmar," wika ng
lalaking unang nagpatibok ng puso ko
sa ngalan ng pag-ibig.
Ang lahat ng nangyayari sa buhay ko lalo na sa aking love life ay hindi
lingid sa mababait kong magulang.
Nauunawaan naman nila ako dahil
nais nilang maging smooth lahat ng
bawat pangyayari upang kahit sino
sa amin ay walang dapat pagsisihan.
Walang problema kay Raffy, pero
sa parents niya ay malaki ang magi-
ging problema namin. Tutol sila sa
aming relasyon dahil masyado silang
devoted sa kanilang relihiyon na ayon
sa kanila ay ang relihiyon daw nila ang tama. Ito daw ang magdadala sa
kanila sa langit na ang paniniwala
nilang ito ay salungat sa sinasabi ng
Banal na Salita ng Diyos, ang Bibliya
dahil maging ang Panginoong Jesus
ay hindi Niya itinuro sa mga alagad
Niya at sa atin din lahat na ang relihi-
yon ang daan patungo sa langit. Sa
halip, ang sabi Niya sa Juan 14:6:
" Ako ang daan, ang katotohanan, at
ang buhay. Walang makararating sa
Ama na hindi sa pamamagitan ko. "
Sinabi rin ng Panginoong Jesus na ang
sinasabi Niya sa mga pinangangaralan
Niya ay kung ano ang sinasabi ng
Amang nagsugo sa Kanya noong Siya
ay nagkatawang-tao, namatay sa Krus
ng Kalbaryo upang tubusin o bayaran
ang ating kasalanan. Sa pamamagitan
ng kamatayan Niya sa Krus ay nagka-
roon ng kapatawaran ang kasalanan ng sanlibutan, kasalanang dulot ng ating unang magulang, sina Adan at Eva. Nagkamali nga ako dahil kasala-
nan pala ang makikipag-relasyon sa
hindi kapwa mananampalataya o kap-
wa Born Again Christians ayon sa Bib-
liya. Kay Pastor Junmar ko lamang nalaman ang tungkol sa policy ng sex, court-
ship at marriage sa Church namin.