Hindi lang sina Alex at Edmar ang lumigaw sa akin, dumagdag pa mismo
ang Pastor naming si Junmar. Naka-
pag-isip tuloy ako ng masama baka ang kayamanan lang namin ang habol
nila sa akin. At the same time, maaa-
ring wagas naman ang hangarin nila
dahil pare-pareho namang Kristiyano
kami, ika nga, walang itulak-kabigin
at lalong hindi puwedeng tatlo silang
mamahalin ko. Pagmamahal bilang
kapatid sa pananampalataya, puwede
iyon. Subalit kung tungkol sa magi-
ging makakasama ko habang buhay ay hindi ko alam kung sino sa kanila.
Pagdating naman sa spiritual growth
ay nakalalamang sa kanila si Pastor
Junmar. Matured na ito sa pananam-
palataya kung ihahambing ko kina
Alex at Edmar.
Isang gabi ng Sabado ay panauhin
ko si Pastor Junmar. Nang magkausap
kami mismo sa bahay namin ay hini-
ling niyang haharap din sina Daddy at
Mommy. Hindi siya nagpaliguy-ligoy
pa. Deretsahan niyang ipinagtapat na
may gusto siya sa akin.
" Wala kaming tutol Pastor kung
mahal mo ang aming anak. Bahala na
kayong dalawa. Sige, maiwan na na-
min kayo, malaya kayong mag-usap,"
wika ni Daddy sabay alis kaakbay si
Mommy.
" Paano iyan Mara, may pag-asa ba
ako, " bulong ni Junmar sa akin.
" Sige na nga. Makakatanggi ba ako
e mahal din kita. Magpapakipot pa ba
ako, " sagot ko sa ikalawang lalaking
minahal ko na biglang napahawak sa
kamay ko. Nagpaubaya lang ako pero
hanggang hawak-kamay lamang siya.
Mahigpit kasi ang policy ng Church
namin na mismo ang lalaking mina-
hal ko ang nagpapatupad, si Pastor
Junmar. Dahil siya nga ang Pastor na-
min, malakas naman ang self-control
ni Junmar upang hindi niya malabag
ang policy about sex, courtship, and
marriage, kasi kung malabag niya ito
ay hindi siya maaaring good example
sa Church namin bilang Pastor.
Anim na buwan ang lumipas buhat
noong sagutin ko si Junmar, siya ang
napili ng aming Bishop na magpasi-
mula ng Church or mag-pioneering
sa Mindoro dahil may isang pamilya
doon na gustong magkaroon ng Bible
Study sa bahay nila. May kaya sa bu-
hay ang pamilyang ito. Sa katunayan
nga, isa sila sa pinakamayaman sa na-
turang lalawigan. Walang problema
si Junmar sa pangangailangan niya
dahil sagot na ng pamilyang ito pati
ang isang motorsiklo na libreng ibini-
gay na sa kanya bilang service vehicle niya.
Bago umalis patungong Mindoro ang boyfriend kong Pastor ay duma-
law sa amin.
" Ikinalulungkot ko Mara, pero kina-
kailangan kong sumunod bilang full-
time ordained Pastor ng ating Church.
Pero huwag kang malungkot. Pag na-
kasal na tayo ay doon na tayo manini-
rahan kung iyon ang kalooban ni Lord
sa akin," malungkot na wika ni Jun-
mar sa akin. Hindi ko napigilan ang
aking sarili, tumutulo na pala ang lu-
ha ko.
Wala akong nagawa. Kinakailangan
ni Junmar ang magpasakop sa nakata-
taas sa kanya, si Bishop Joshua na si-
yang top leader ng kinabibilangan kong Evangelical Christian Church. Sa
araw ng kanyang pag-alis ay sinundo
siya mismo ng van ng pamilya na nag-
re-request na magkaroon ng fellow-
ship sa mala-palasyo nilang bahay sa
Calapan City.
Sa tatlong manliligaw ko na pareho
kong Born Again Christian ay si Jun-
mar ang napili ko, pero magkakalayo
lamang pala kami. Gusto ko sanang
makikita siya lagi dahil mahal na ma-
hal ko siya talaga dahil naramdaman
kong hindi ang kayamanan namin ang
habol niya kundi ako mismo, mismo
ang pagkatao ko. Sabagay, kung kami
talaga ang para sa isa't-isa, ay kami pa
rin hanggang wakas dahil iyon ang
kalooban ng Panginoon para sa aming
dalawa. Sana nga si Junmar ang lalaki para sa akin dahil maaaring hindi na ako iibig muli kung sakaling hindi ka-
mi ang magkakatuluyan.