Nang lumayo si Junmar upang tupa-
rin ang sinumpaan niyang tungkulin
sa Panginoon ay hindi ko naiwasang
makaramdam ng kalungkutan. Tao la-
mang ako na may puso at damdamin,
dadamdaming nasasaktan lalo na sa
isang tulad ni Junmar na hindi mahi-
rap mahalin. Isa siyang lingkod ng Di-
yos. Nakikita ko sa kanyang pamumu-
no karapat-dapat siyang tawaging Pas-
tor na hindi siya perpektong tao ay hi-
nahangad niyang sundin ang kaloo-
ban ng Diyos sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu. Tulad ko na hindi rin perpektong tao, ako'y nananalig sa Diyos na tutulungan Niya akong su-
munod sa kalooban Niya ayon sa sina-
sabi ng Salita ng Panginoon na naba-
basa natin sa aklat ng Filipos 2:13.
Isang araw pa lamang ang lumilipas
ay tumawag agad sa akin si Junmar sa
pamamagitan ng chatting sa FB. Kinu-
kumusta niya ako. Ang sabi ko ay ayos
lang ako. Huwag siyang mag-alala da-
hil hindi ako pababayaan ni Lord. Na-
ngako naman siya na ako lamang ang
mamahalin niya. Magpapakatatag daw siya para hindi matukso at hindi
magkasala sa Diyos lalung-lalo na sa
pagmamahalan namin.
Halos araw-araw ay may kumuni-
kasyon kami ni Junmar. Punung-puno
ng pangako at pangarap ang aming pi-
nag-uusapan. Asang-asa ako na ako la-
mang talaga ang babaeng mamahalin
niya habang buhay. Subalit hindi ko akalain na ang pag-uusap namin thru
chatting nang araw ng Sabadong yaon
ay magwawakas sa hindi magandang
pangyayari ang mga binuo naming mga pangarap na ang akala ko ay ka-
mi na talaga ang itinakda ng Diyos pa-
ra sa isa't-isa, ngunit nagkamali ako
nang pag-aakala dahil ipinagtapat sa
akin ni Junmar na mayroon ng ibang
babae ang nagmamay-ari ng kanyang
puso, ang anak mismo ng taong nagre-
quest na magkaroon ng Bible Study sa
mala-palasyo nilang bahay. Inisip ko
na maaaring hindi nakatanggi si Jun-
mar sa sinasabi niyang bagong kare-
lasyon. At maaari rin ang babae ang
nagbigay ng motibo para hindi makaiwas ang mahal ko. Inisip ko rin na
maaaring bata pa o baby Christian pa
lamang ang babae at wala pa siyang
alam tungkol sa maka-kristiyanong
pakikipagrelasyon. Parang gusto kong
sisihin si Junmar bakit hindi niya na-
paglabanan ang sarili na magmahal ng iba samantalang may sumpaan na
kami para sa isa't-isa. Hindi ko inisip
na kayamanan ni Karen, ang bago ni-
yang girlfriend, ang dahilan kung ba-
kit hindi siya nakatanggi. O kaya ay
maaaring tumatanaw lamang ng utang na loob si Junmar sa mga taong
nagpatayo ng fellowship venue ng
Church namin sa Mindoro na kung
saan ay wala na siyang problema sa
lahat ng pangangailangan niya. Pati
ang love gift o suweldo ni Junmar ay
sagot nila bukod pa sa motorsiklo na
ibinigay sa kanya na kanyang sasak-
yan kapag nagfa-follow-up siya sa mga member ng Church sa Calapan
City. Iba't-ibang kaisipan ang pumapa-
sok sa malikot kong imahinasyon na
hindi ko alam sa mga ito ang tunay na
nangyari, pero malakas ang kutob ko
na maaaring tumatanaw lamang ng
utang na loob si Junmar kung bakit pumatol siya kay Karen, ang anak ni Mr. Umali,ang isa sa pinakamayamang
pulitiko sa Mindoro. Si Ginoong Uma-
li ay hindi dirty politician. Maganda
ang rekord ng kanyang panunungku-
lan bilang Kongresista sa lungsod ng
Calapan. Dati siyang Protestante na
umanib sa grupo ng mga Born Again
Christians sa Mindoro. Siya mismo ang nakiusap sa top leader ng aming
Evangelical Christian Church na si
Bishop Teddy Argonza. Nagkakilala
sila nang minsan ay may malaking
pagtitipon ang mga Christians sa Ca-
lapan City upang ipakilala ang G-12
System, isang sistema ng mabilis na
pagpapalago ng mga Churches sa buong mundo. Ang sistemang ito ay
nagmula pa sa mga Latin Countries
sa South America.
Wala akong nagawa kundi tangga-
pin ang pangalawa kong kabiguan sa
pag-ibig. Una ay kay Raffy na nasawi
sa isang aksidente ng sasakyan sa Ba-
guio, at ang pangalawa nga ay ang ka-
biguan ko sa pag-ibig ni Junmar na
isa pa namang Pastor. Sa kabila ng
pangyayaring ito ay napatawad ko na-
man si Junmar. Kung ang Diyos ay
nagpapatawad, ako pa kaya na tao lang. Maaaring may mas mabuting la-
yunin ang Diyos na inilaan Niya sa
akin kung bakit nangyari ang lahat
ng ito, at ito ang tutuklasin kung ano
ba talaga ang perfect will Niya sa akin.
Junmar is not for me. He is for Karen.