Chapter 22

2K 74 9
                                    

COUNTERCHARGE

Pagkatapos akong sabihan ni Ina ay bumalik siya sa sala para makipag usap kay Ashmere ng parang walang nangyari.

Kahit kailan talaga ay hindi niya ako kayang mahalin.. tapos ngayon sa harap ng boyfriend ko, kung umakto siya ay parang mahal na mahal niya ako.

She even cried and told me she'll miss me. And I should come back soon.

Gusto kong pumalakpak sa galing nyang umarte.

We ate at the first restaurant we went by and continued our trip. I stayed silent and i was glad that Ashmere didn't ask me anything about my crooked family.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tagal ng byahe namin at nagising nang huminto kami sa isang parking lot.

Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto. He then smiled tenderly at me when he found me looking at him and extended his hand to help me out. So I smiled back. And instead got out on my own and jumped on him.

Halatang nabigla siya pero hindi na nagsalita. Ipinalibot niya ang mga binti ko sa baywang niya habang inaabot ang maleta ko. Nanguyapit ako sa batok niya para hindi ako malaglag.

At nang sinubukan kong tanggalin ang pagkakapulupot ko para mahila niya nang maayos ang bagahe ko ay ibinalik lang nya ito ulit at pinagpatuloy ang paglalakad habang hila hila ang maleta ko.

"Ashmere ibaba mo na ako."

Umiling siya at humalik sa pisngi ko ng ilang beses.

"Nope. This is where you belong.. in my arms."he said smiling. Napakagat labi ako at hinalikan na rin siya sa pisngi.

Nang magbukas ang elevator ay napasubsob ako sa may leeg niya sa gulat dahil may dalawang babaeng papalabas mula dito.

"Nakakahiya Ashmere!"bulong ko at itinago ang mukha. I caught them smiling at us before walking to their car.

"We'll be doing this once we get married baby. There's nothing to be shy about." Sabi niya at pinindot na ang P button at nagtype ng numero.

Nangingiti na napakapit pa ako ng mahigpit sa batok niya nang itaas niya ako para mas maging komportable ako.

"Ginagawa mo akong bata Ashmere! Samantalang kaya ko nang gumawa ng bata!"Maktol ko at lumabi.

"Uh-huh.. but you're my baby at the moment so I have to treat you like one.. then we'll have our babies later.."banat na naman niya.

Kinikilig na kinagat ko siya sa leeg. Napaigtad siya at napamura pero hindi niya ako binitiwan.

"Baby.."ungol niya at lumabas na sa elevator na karga pa rin ako.

Napalayo na ako sa kanya at lumingon lingon. I found one big door just opposite the elevator. He then tapped his passcode on the keypad and the door opened. Para siyang nagmamadali na dumiretso sa hagdan paakyat sa isa pang floor. I saw two doors next to each other.

He opened one and gently laid me down on the big bed. I looked around while combing my long hair out of my face with my fingers. So.. this is his bedroom..

Napapalibutan ng glass wall ang kwarto niya. Kitang kita ko ang mga nagtataasang gusali na ngayon ay pawang walang ilaw. May dalawang pinto na magkadikit na hula ko ay walk in closet niya at bathroom. Sa bandang dulo ay gym equipment gaya ng treadmill, weights and bench. May bar counter din at maraming bote mg alak sa pader.

May nakita akong canvas na natatakpan ng puti tela sa may gilid at sa ibaba ay mga pintura.

Lumingon ako sa kanya para sana magtanong pero lumayo na siya sa akin at pinatunog ang leeg bago nagpaalam na maliligo muna.

ON BENDED KNEESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon