Chapter 4: NOT AGAIN!!!!

21 3 0
                                    

Reign's POV

We're here sa may field ng school. Maaga pa kaya patambay-tambay lang kami. Mamaya pa naman ang dating ng DOS dito sa school namin. May parang event/festival dito ngayon sa school kaya medyo busy ang ibang student, well for us tapos na kami on doing our part kaya chill na lang kaming anim.

So much of that, para kaming nagpi-picnic dito, kasi naglatag lang kami ng blanket para maupuan. Thank goodness na lang hindi nadudumihan kagandahan ko. 

*flips hair* 

Speaking of beauty, ehem. Si Idol Meg tsaka ako talaga nagrerepresent ng word na yan. Wag kokontra. Ganon talaga ang buhay. Just thinking na makikita ko siya mamaya,super nakakaexcite!

"KIYAHHH THIS IS SO EXCITINGGG!!!"  Tili ko to the max dahil nae-excite talaga ako. 

*cough* *cough*

Hindi ko na nga alam kung pang-ilang beses na akong nakatili dahil sa pagka-excite!

Naiisip ko palang kasing makikita ko talaga si Idol Meg in personal, ang lakas na ng tibok ng puso ko!

Napatigil ako sa pag-iisip ng mapansing kong merong lumilipad na sapatos papunta sakin!?

"Kyahh! Muntik na ang my oh so beautiful gorgeous face!" Argh! So grrr! 

Kahit kelan talaga tong si Ace napaka kaderder!! Batuhin ba naman daw ako ng sapatos?! Buti na lang hindi ako tinamaan and my oh so beautiful face!

"Ace! Ano ba! Kaderder ka!" Sabi ko tas sinipa ko pabalik sa kanya yung sapatos niyang binato sakin.

Inirapan lang ako ng bruha. 

"Eh kung hindi ka naman kasi kalahati't ewan, sisigaw ka na nga lang kung kelan pa umiinom si Ace. Nabuga niya tuloy." Paliwanag naman ni Liana.

Oh well. 

"Nakuuu... Ace kung ako yun, pinatamaan ko na sa mukha. Hahaha!" Pagpapa-amboy naman ni Arleos.

At dahil likas na mainitin ang ulo ni Ace at medyo may pagkauto-uto, mukhang papaltukin na naman niya ako ng sapatos. 

Hawak niya na yung sapatos niya ng magsalita si Liana

"Stop it, you guys." Daniella with authority ang pagkakasabi.

Nagsitigil naman kami.

"Stop what? Ang pagkain?" Inosenteng tanong ni Miura.

Napatingin tuloy kami sa kanya.

May hawak siyang pagkain na nakatapat pa sa bibig niya. Mukhang susubo siya nung sabihin ni Dan na 'stop'. Mukha tuloy siyang baliw dun.

"Wala." Sabay-sabay naming sabi with irap pa. 

Mukhang nasa kabilang ibayo na naman utak nito kanina kaya hindi alam ang pinag-uusapan. Ghad why am I surrounded with such weird personalities. 

Hay. Ano pa bang bago?

Oh anyway, back to Idol Meg, Kyahhhhhh!!! 

So excited!

Lianna's POV

May ilang oras din kaming nakatambay dito sa field nang makatanggap ng text si Daniella mula sa mga kasamahan niya na nag-organize nung festival, na parating na daw ang DOS.

Kaya dali-dali na naming nilikom yung blanket at naglakad papunta sa Auditorium. 

Ganito mangyayari dun sa event. It's like a music festival mula 7:00 PM, and walang exact oras nung tapos, parang mini-concert siya ng DOS kumbaga. Pero bago yung main 'concert', after nila magperform ng isa or dalawa, may fansigning din sila. Medyo hectic na sched nila considering madaming students dito.

Behind Your BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon