TAKE#3
Efipanyo Kabalyero IV POV
Ehem! ANG TUMAWA SA PANGALAN KO MAMAMATAY!
Ako nga pala ang pangit na nakatapon ng softdrinks sa uniform ni First, sinadya ko yun kasi sa tingin ko iyun ang pinakamabilis na paraan para mapalapit sa kanya, ang magpa-api. Matagal ko na syang gusto wala lang akong lakas ng loob kasi nga ang pangit pangit ko tapos ang ganda ganda nya, nasa langit sya nasa core naman ako ng Earth.-_-
Kahit na pangit ako gusto ko mapatunayan na hindi isa si Tiffa sa mga taong mapanghusga, alam ko merong malaking dahilan kung bakit sya nakaganyan.
Katulad kanina nabunggo ko sya, sinadya ko ulit yun.
*FLASHBACK*
"IKAW NANAMAN?!"
"F-First? S-sorry..."
Pagkukunwari kong di ko alam. Binitbit nya ako sa kuwelyo ng uniform ko, ack nasasakal ako.
"H-Hindi ako m-makahinga, ack!" Pinasok nya ako sa madilim na bakanteng kwarto, madilim tapos kami lang? Ito na ba ang inaasam ko?
SAPAAAAK~!
"A-Aray!"
"Ano iniisip mo?!"
"W-Wala naman"
"Tss hindi kita rereypin! Wag kang assuming!" Mind reader? O.O
"A-Ah akala ko eh hehe."
"What?! Ang kapal naman ng mukha mo---teka, matatawag bang mukha yan?" Napayuko nalang ako, totoo naman ee.(__ ___lll)
"Tss jan ka na nga! Ang pangit mo!"
*Sigh* Sana tama ang hinala ko na hindi sya isa sa mga taong yun.
*End of Flasback*
Sa panahon ngayon napakalaking diskriminasyon na sa lipunan pag pisikal na kaanyuan na ang usapan. Pag maganda o gwapo ka lalapitan at iidolohin ka minsan mamahalin ka dahil sa itsura mo at pag pangit na lalayuan at pandidirihan ka na para bang nakakahawa ang kapangitan! Sana nga nakakahawa para pantay pantay na, masyado na akong lugi. Pero umaasa pa din ako na may tao na di tumitingin sa panlabas na anyo at sana siya yun.
Naglalakad lang ako pauwi, nawala kasi yung wallet ko di ko na nahanap, lahat na yata ng kamalasan sa mundo nasagap ko na. Habang naglalakad ako may lumapit na sampung lalaki sa akin, mukha silang adik na tambay. Yung totoo? Ilang kamalasan na ba ang inabot ko ngayong araw?
"Hoy pangit! May pera ka ba jan?"
"W-Wala po" wala naman talaga, kung meron man ibibigay ko agad madali ako kausap.XD
"Niloloko mo ba ako!" Kinuha nya yung bag ko,isang notebook lang naman ang laman nawala pa nga yung ballpen ee
"T*ng*na! Sigurado ka bang taga-Constellation ka? Wala kang kwenta! Bugbugin ito!"
Susugod na sila.. ayan na.. Oh tinawagan ko ang lahat ng superhero sa mundo tulungan nyo akooooooo~! ToT
BOOOGSH~!
TUGS~!

BINABASA MO ANG
Antagonist Tale
Teen FictionHindi lahat ng bida mabait yung iba trip lang magpa-api at hindi lahat ng kontrabida masama yung iba marunong lang ipaglaban kung ano ang meron sila, yung iba naman bored lang sa buhay nila, yung iba may pinagdadaanan lang pero ang madalas trip lang...