Efipanyo Kabalyero IV POV
Papasok na ako ng campus ngayon kasabay ng ibang mga estudyante, walang pumapansin sa akin este walang may balak pumansin sa akin inshort loner forever.
Maya-maya naramdaman kong may sumusunod sa akin. Pag lingon ko may nakita akong apat na halaman na naglalakad pfft di naman obvious yung pagtatago nila haha.XD Pinagtitinginan na din sila ang weird kasi kaya naman binilisan ko ang lakad ko, nakakatakot na nakakatawa sila haha.
"HULI KA!" Sabi nung lalaking halaman sa akin. Ano 'to? Tayaan? Taguan?
"Di nyo pa ako huli, di nyo pa nga ako nahahawak ee.:P" Sabi ko sabay takbo
"HULIHIN NYO MGA BOPOLS!" Sabi ni human plant #1.
Hinuhuli ako nung apat na human plant, para na kaming nagpapatintero ngayon.
"Teka! lugi ako apat kayo wala akong kakampi!" Sabi ko, totoo naman e apat sila iisa lang ako unfair!
"Hoy! Pedro kampihan mo yun dali!" Sabi nung pinaka pinuno nila, naks pumi-pinuno.XD
"Bakit ako?!"
"Aangal ka?!"
"Hindi, ito na nga oh" Kakampi ko na ngayon yung Pedro, silang tatlo ang taya kaya sila ang haharang sa amin.
"Game! oh apir muna."
*apir~*
Nagsimula na ang game lahat seryoso, mahigpit ang laban halatang ayaw magpatalo.
"Hindi ka makakadaan sa kamay ko." Sabi ni Human plant #4
"Akala mo lang yun! ble! :P" Takbooooo wahaha mga bopols, tumakbo na ako papalayo sa kanila.
"Ang tatanga nyo! Bakit kayo nakipaglaro?!" *Pak pak pak* parang sya di nakipaglaro haha "Hulihin nyo dali! Pag yan nakatakas lagot tayo!! Hoy pangit bumalik ka dito!"
Tae ambibilis tumakbo pinaglihi ata ito sa kabayn, asan na ba ang Constellation? Bakit parang nawawala?
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may nakita akong eskinita at lumiko ako dun,
.
.
.
.
.
.
Dead end! Wrong move!
Aalis na sana ako sa eskinita kaso lumitaw ang mga human plants. -.- kaya in the end....
"Teka lang naman! Dahan-dahan ang pagkaladkad, pag ako nadapa ingungodngod ko kayo!"
Naka-blind fold kasi ako at nakatali pa yung kamay ko sa likod kaya ang hirap maglakad tapos yung isa pa sa kanila tinutulak ako. Pag ako nakatakas dito huhuntingin ko yun! -.-
Inalalayan nila ako hanggang makarating kami sa loob ng pinasukan namin di ko alam kung bahay, mansyon, school, hide-out or kweba ba ito kasi nga naka-blind fold nga ako diba? -.-
"Ma'am ito na po yung pinapakidnapped nyo sa amin"
"15 minutes late, anyway makakaalis na kayo di ko na kayo kailangan." Sabi nung babae malamang ito yung tinatawag nilang ma'am.
"Tara na boys!" Naramdaman ko na umalis na sila.
"So Efipanyo Kabalyero The Fourth pfft~! ambantot ng pangalan mo, saan kinuha yan? Sa EDSA? Hahaha."
"Wag mo laitin ang pangalan ko alam kong pangit, sabihin mo nalang kung ano ang kailangan mo para makaalis na ako dito." Parang di naman sya pumapatay pero di pa din maiiwasan na di matakot kasi nga kidnapping pa din ito!Pwede nya akong pairapan muna bago nya ako patayin! Waaaaa bata pa ako. T.T
"Wow tapang ah.." Nararamdaman kong papalapit sya sa akin.
"Sino ka ba?"
"Well...." Unti-unti nya ng tinatanggal yung blind fold ko, nung natanggal nya na nahirapan akong dumilat dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa mata ko ng panyo. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko, muntik nang lumaglag ang eyeballs ko nung nakilala ko kung sinong nagpadukot sa akin.
.
.
.
.
.
"F-First??"
"Yes Pangit?"
"A-Ano kailangan mo?"
"Kooperasyon at ayoko ng tatanggi ka, alam mo ang mangyayari sa'yo."
"A-Ano yun?" Nakakatakot talaga sya sana naka-blind fold nalang ulit ako.T^T
"Here..." Inabot nya sa akin yung papel
'Search for prince and princess of Constellation'
"I want you to join that contest."
"WHAT?!" Sa tanang buhay ko di pa ako nakasali sa kahit anong contest
"Maka-what ka naman jan para kang babae, bakla ka ba?! O.O"
"H-Hindi ah! Pero bakit ako? Alam mo naman na kahit katiting di ako mananalo jan, mukha pa lang talo na!" Tinitigan nya lang ako
"Ay shet! Please lang pakibulsa muna yang mukha mo wala ako sa mood manglait ngayon!" Grabe sya T.T "Anyway no choice ako kaya wag ka ng umangal." Hustisyaa!
"Iba nalang ang gamitin mo pleaseee~" kasi naman ee.
"Ano ba?! Ano sa salitang NO CHOICE ang di mo maintindihan? Papaintindi ko! Ikaw lang kasi ang kilala ko sa Gemini!" Tinutubuan nanaman sya ng sungay.ToT Pero teka, kilala nya na ako? Nakakataba ng puso <3
"P-Pero di talaga ako mananalo kita mo naman ang ebidensya diba?" sabay turo sa mukha ko. -.-
"Alam mo very down to Earth ka..."
"Di naman" (.___.)7
"Kaya pala mukhang kang lupa -.-" Akala ko namang iche-cheer up nya ako.(__ ___ll)
"Bakit kasi sa taga section Gemini ang kailangan mo?"
"Taga section Gemini kasi ang kailangan mong partner-an."
"Sino?"
"Si Alladin."
"Huh?" Sinong Alladin naman yun? Lalaki ba yun? So, gagawin nya akong babae? o.O
"Ah basta! wag ka na nga matanong jan, tara na nga!"
"Saan?"
"Reremedyohan natin yang mukha mo baka sakaling may pag-asa pa."
--------
Someone's POV
Mula sa kinatatayuan ko kitang-kita ko si Tiffany, ang dati kong matalik na kaibigan at ang kapatid ng pinakamamahal kong tao na niloko lang naman ako.
Hindi pa sapat ang isang buhay para sa sakit na pinadama nila sa akin. Unti-unti kong babawiin ang buhay nya na dapat ay wala na sa kanya ngayon.
Kung akala nya sya ang pinakamasama sa storyang 'to pwes hanggang buhay pa din ako di mangyayari yun. *Smirk*
Someone's POV
Mula sa kinatatayuan ko kitang-kita ko si Tiffany, ang dati kong matalik na kaibigan at ang kapatid ng pinakamamahal kong tao na niloko lang naman ako.
Hindi pa sapat ang isang buhay para sa sakit na pinadama nila sa akin. Unti-unti kong babawiin ang buhay nya na dapat ay wala na sa kanya ngayon.
Kung akala nya sya ang pinakamasama sa storyang 'to pwes hanggang buhay pa din ako di mangyayari yun. *Smirk*

BINABASA MO ANG
Antagonist Tale
Teen FictionHindi lahat ng bida mabait yung iba trip lang magpa-api at hindi lahat ng kontrabida masama yung iba marunong lang ipaglaban kung ano ang meron sila, yung iba naman bored lang sa buhay nila, yung iba may pinagdadaanan lang pero ang madalas trip lang...