/5/In danger

48 4 0
                                    

/5/In danger

I thought
You are here
To save me
No matter
How what
happens

[CHANTELLE]

"Kuya...Can I ask?" Katok ko sa pintuan ng kwarto niya. Tapos na kaming kumain at naghugas narin ako ng plato Kaya nagdecide ako na tumungo rito upang magtanong sa kanya.

"I'm busy Chantelle bukas nalang." Rinig kong tugon nito at halatang maraming ginagawa. Sumilip ako sa pinto na bahagyang nakabukas. Maliit lang iyon kaya hindi halata ni kuya na nakasilip ako sa pintuan ng kwarto niya. Nakaharap ito sa laptop at maraming papel nag nakapatong sa lamesa niya.

"Good night Kuya." Dismayang wika ko at tumungo na sa kabilang kwarto. I don't know why pero mukhang marami siyang problema. Tulad ko masekreto rin si Kuya pero kapag Hindi niya na Kaya ang dala niya kinakausap niya ako upang pagsabihan ng mga problema niya. Siguro Hindi naman masyadong malala ang problema niya pero paano naman nakakuha ng ganoong sugat si Kuya? Naniniwala akong may taong gumawa nanakit sa kanya dahilan upang makamit niya ang malaking sugat sa kanyang braso.

Hindi tulad ng iba lumaki kami ni kuyang malayo sa mga tao kaya kapag may gulo kami na yung kusang lumalayo. Sabi ni Kuya pagkatapos mamatay ni Mommy iniwan na kami ni Dad at sumama sa ibang babae. Mayroon na itong pamilya sa ngayon dagdag niya pa. Naguguluhan Lang ako dahil wala talaga akong maalala sa mga nangyari dati.

"Chantelle gising na." Marahan Kong binuksan ang aking mga mata at bumungad sa akin ang maamong mukha ng aking Kuya.

"Good morning bunso." Wika niya at hinalikan ako sa noo.

"Good morning Kuya!" Ngiting turan ko at sabay na kaming bumaba ng hagdan. Ramdam ko na may itinatago talagang sekreto sakin ang aking kapatid kaya iyon ang aalamin ko ngayon. Kakalimutan ko na muna ang bangungot ng nakaraan na ibinigay sa akin ni Liam. Lalayuan ko muna siya kahit na gustong gusto na ng mga paa ko na tumakbo palapit sa kanya, kahit pa anong pilit ng mga mata ko na makita ang Perpekto niyang mukha at Kahit pa siya parin itong pilit na isinisigaw ng marupok kong puso.

"Hindi kaba kakain? Kanina kapa tulala nasa Mars na ba yung isip mo bunso?" Pagbibiro pa ni kuya. Pilit nalang akong napangiti dahil nagagawa niya paring magbiro kahit na may pinagdadaanan siya.

"Bilisan mo ng kumain at maligo kana rin pagkatapos lumabas ka dahil hihintayin kita sa labas."

"Yes mayor!" Sigaw ko at sumubo na ng pagkain. Ngumiti ito at nagpaalam na may kukunin lang sa taas.

Agad akong tumakbo sa banyo ng matapos along kumain. Binilisan ko na lamang ang pagligo kahit pa ang tamlay ng katawan ko ngayon. Ewan ko ba pero feeling ko babagsak ako kahit kailan.

"Bunso bilisan mo malapit na tayong ma-late!" Sigaw ni Kuya kaya binilisan ko na ang pagbibihis. Ang aga pa naman masyadong excited si Mayor Travis.

Bumaba na ako suot ang color black na bag, "Maaga pa kasi!" Padabog na wika ko at pumasok na sa kotse niya. Inaantok pa nga ako sarap manakal ng Kuya today.

"Sanay ka kasi na laging late." Singhal niya at nagsimula ng magmaneho. Medyo malayo ang Rouge University na pinapasukan ko sa bahay ni Kuya kaya siguro maaga talaga siyang magising.

Huminto ang kotse hudyat na narating na namin ang aming destinasyon, "Aalamin ko yung secret mo kuya. Bye!" Tumakbo na ako palabas.

My Heartless Boyfriend[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon