/2/Lack of love

90 10 14
                                    

/2/Lack of love

One day
My love for you
Will fade away

[CHANTELLE]

Magdamag kong ibinuhos ang aking luha kaya hanggang ngayon ay mugto parin ang aking mga mata.

"Chantelle!" Umalingawngaw ang boses ni Liam sa buong bahay. Agad akong nataranta at nagtago sa likod ng lumang Cabinet.

Muli akong binalot ng kaba at takot na baka saktan nya ulit ako. Hindi ko mapigilang manginig ng maalala lahat ng nangyari kagabi.

Yumuko nalang ako at pilit na pinapakalma ang sarili.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto at bawat hakbang ni Liam.

"Chantelle?" Malungkot na wika nito na animoy naiiyak na.

Gusto ko na sana syang yakapin at lumabas sa pinagtataguan ko kaso pinanguhan nako ng aking takot. Mas pinili kong magtago at manahimik nalang dito.

"Chantelle please talk to me..." Muli nyang saad habang papalapit sakin.

"H-huwag kang lalapit!" Sigaw ko at halata ang nginig sa aking boses.

"Cha-Cha" Bigkas nya sa nickname ko.

"No!" Tanging lumabas sa mga labi ko ng hawakan nya ang aking pisnge.

"Shh I won't hurt you." Pagpapakalma nya sa akin. Nagawa nya paring yakapin ako kahit pa itinutulak ko na sya palayo. Pahigpit ng pahigpit ang yakap nya sakin na halos hindi nako makahinga.

"Let go" galit na wika ko.

"I'm sorry nadala lang ako ng galit ko." He apologized.

Hindi ako naniniwala. Kahit naman hindi sya lasing nagagawa nya paring saktan at ipagpalit ako.

"You're a liar Liam!" Pilit akong kumakawala sa yakap nya pero masyadong malakas ang binata kumpara sakin.

"I want to own you Chantelle..." He's romantic voice talking to my feelings. Mariin naman akong napailing.

"Matagal nakong sayo Liam...P-pero ikaw ba? Kailan ka naging sakin? Diba ang unfair I'm yours but you're not mine!"Napatulala naman sya dahil sa sinabi ko. Marami syang babae tapos sasabihin nyang sa kanya lang ako? What a nonsense topic is this. Malay ko ba baka isa rin lang akong kabet.

"See?You want to own me for what? Para saktan araw araw? Liam naman...Mahal mo ba talaga ako o minahal mo man lang ba ako kahit minsan? Masaya kaba sa tuwing naghihirap ako sa sakit?"Tuluyan na syang hindi nakapag salita,"Ilan Lang yan sa mga tanong na kahit kailan hindi mo kayang sagotin." Tila tumiklop ang dila nya sa mga salitang binitawan ko.

"Nagkakamali ka"sagot nya. Medyo lumuwag na ang yakap nito sakin kaya ako na ang tuluyang nag alis ng kamay nya mula sa pakakahawak nito sa akin.

"Paano ako nagkamali?" Takang tanong ko.

"Kaya kong sagutin lahat ng tanong mo pero hindi ko kayang sabihin sa harapan mo lahat..."Walang emosyon ang kanyang mapupulang labi.

"No need ako nalang sasagot para sayo" Ngiting turan ko,"Masaya ka kapag nasasaktan ako. Hindi moko minahal kahit minsan dahil peke lahat ng yun lahat ng I love you mo singaw sa ilong!" Sagot ko sa aking mga tanong.

"Hindi yun ganon!" Sigaw nya na tila nagbago na agad ang mood.

"Eh ano? Hindi ako kagandahan alam ko yun walang nagmamahal sakin alam ko rin yun mayaman ako pero broken family tanggap ko yun pero paano nga ba tayo umabot dito?" Nanatili siyang walang ekspresyon ang mukha.

My Heartless Boyfriend[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon