Part 6

82 3 0
                                    

-Part 6-

Umalingawngaw ang tunog ng sirena ng mga papalapit na sasakyan ng mga pulis. Hudyat iyon na tapos na ang laban nila at ang mga ito na ang bahala.

Oo malulungkot siya, 'di naman kasi niya nakakalimutang na ilang taon din siyang inalagan ng halimaw na iyon na tinuring pa man din niyang Ina.

Oo iiyak at iiyak siya, iyon lang naman ang paraan niya para mailabas ang lahat ng hinanakit na nararamdaman niya sa kaloob-looban ng pagkatao niya.

Oo masasaktan siya, matapos ba naman ng mga nangyari sa kanya, kasama na ang mga kaibigan at taong malapit sa kanya na nawala sino ba naman ang 'di makakaramdam ng sakit. Lalo pa't isa ang mga ito sa maraming bagay na humubog sa kung sino man siya ngayon.

At oo lalaban siya. Paulit-ulit na ipagtatangol niya ang mga taong kasama niya ngayon at ang mga darating pa. Malupit man ang mundo sa kanya ay alam niyang isa lamang iyong paraan upang mas tumatag siya at magtagumpay sa buhay balang araw.

"Sa wakas p're tapos na 'to. Ang saya sa pakiramdam na kaya rin pala nating maging matapang 'di lang para sa sarili kundi para sa marami pang bagay." Wika ni Ronnie sabay ng mahigit na yakap kay Andrew.

"Oo, salamat p're hanggang sa dulo hindi mo ako iniwan".

"Syempre naman, at s'ya nga pala ako na ang bahala sa mga pulis. Ako na ang haharap sa kanila at sasagot ng mga katanungan nila."

"Pero,..."

"Wala ng pero-pero, marami ka ng napagdaanan para sa araw na ito. Umuwi ka na muna at magpahinga na. Huwag kang mag-alala pagkatapos na pagkatapos ng mga pulis sa akin ay agad din kitang pupuntahan."

Sagad sa tenga ang ngiting binigay niya rito. "Wala akong masabi sa'yo. astig ka talaga. Sige kung ganoon ay mauna na muna ako. Maraming salamat ulit, kaibigan."

"Walang anuman, kaibigan". Muli ay nagyakap ang mga ito at saka na naghiwalay.

Hindi alam ni Andrew kung ilang oras na siyang nakatulog sa may sala, hindi na rin niya nagawang makapagpalit ng damit matapos ang lahat ng nangyari sa kanila kagabi. Bumangon na siya at tinignan ang oras sa may orasang nakasabit sa dingding.

"Alas Otso pa lang pala. Siguro ay maliligo na muna ako at pagkatapos ay ipagluluto ko ng pagkain si Ronnie na ihahatid ko sa kanila.

Mabilis naman siyang natapos maglinis ng katawan, kasalukuyang na rin siyang nagluluto ng pagkain.

Maya-maya ay may narinig siyang mga katok.

"Naku, heto na yata s'ya. Balak ko pa man din siyang sorpresahan." Bulong n'ya sa sarili habang papalapit sa pintuan.

Pagbukas niya ng pintuan, isang matandang mag-asawa ang tumambad sa kanya. Maagap niyang tinulungan munang makaupo ang mga ito bago nagtanong.

"Sino po kayo at ano ang sadya n'yo po sa akin?" Magalang niyang panimula.

Sumagot ang matandang babae. "Natutuwa naman ako at sa wakas nakita ka na namin, Apo."

"A..apo? Tama po ba ang narinig ko? apo niyo ako? pero.."

Ngumiti sa kanya ang matandang lalaki. "Oo, tama nga ang narinig mo. Lolo at Lola mo kami."

"Aba'y kung ganoon po, mano po 'Lo". Sabay hawak sa kamay nito. Ganoon din sa matandang babae. "'La mano po".

Tuwang-tuwa naman ang dalawang matanda sa kanya. "Hindi ka man lang ba nagdududa o 'di mo man lang ba naisip na baka niloloko ka lamang namin?"

"Hindi po "lo, 'di ko rin po maintindihan pero ang gaan-gaan po ng loob ko sa inyo".

"Hindi na bale, at hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy pa. Pinapunta kami ng iyong Itay para kunin ka namin at dalhin na sa kanya."

LAGIM AT MUSIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon