"'ASAN NA ba ang groom."
"Baka na-traffic?"
"Na-flat-an 'yon ng gulong, for sure," kumpyansang sabi ng isa. "'Di ba ganoon naman ang nangyayari sa mga teleserye sa TV."
"Or worse ayaw nang ituloy ng groom ang kasal."
Kahit gaano pa kahina ang bulung-bulungang iyon ay hindi iyon nakalusot sa pandinig ni Valkyrie. Tuloy ay ngali-ngali niyang hilahin ang nguso ng mga tsismosang bisita.
Pero kung papipiliin siya sa sinabi ng mga ito, she would probably choose the first two answers but definitely not the latter. Hindi bale nang na-flat-an ng gulong, na-traffic, nagka-LBM o nagkaroon ng minor accident sa daan patungo sa simbahan si Lexus; ang mahalaga ay hindi ito umurong sa kasal nila.
Nangibabaw sa loob ng simbahan ang pagtatalak ng Mommy Anna niya. Ang "mahinang"pagsasalita nito ay katumbas na ng pagsigaw para sa iba. Dinuduro nito sa dibdib ang ama ng groom na si Tito Henry Villamontefalcon. Ganoon talaga ang ina niya kapag siya na ang inaagrabyado. Habang ang asawa naman niyon na si Tita Linda ay ngumangawa din katulad niya.
She was forcing herself to calm down but it was hard to. Sa estado ng kanyang emosyon ay imposibleng kumalma siya. Ngayon pa lang ay nasa bingit na ng kahihiyan ang kanyang buong pamilya at maging ang takbo ng kanyang karera ay paniguradong maaapektuhan. Kapag hindi natuloty ang kasal ay siguradong siya ang magiging headline sa mga balita mamayang gabi. Maraming reporters at miyembro ng media ang nasa labas at naghihintay na siya ay kunan ng statement. Mabuti na lang ang "pribado" ang kasalang iyon kaya nakasarado pansamantala ang simbahan. Pero alam niyang natunugan na ng mga iyon na kanina pa hindi dumadating ang groom niya. Ang ilan sa mga kakilala nilang kumukuha ng video ay ipinatigil muna nila. Hindi na niya alam ang gagawin. Natatakot siya na kinakabahan.
Nakaupo siya sa gitanang pew ng simbahan. Nakapaligid sa kanya ang ilan sa kanyang mga pinsan at inaalo siya. Kanina pa siya umiiyak at wala ni isa man sa mga ito ang nakakapagpatahan sa kanya. Dama niya ang maraming pares ng mga matang matamang nakatingin.
En grande ang kasalang Fondevilla at Villamontefalcon. Natural lamang na gastusan ng napakalaking halaga dahil siya si Valkyrie Fondevilla, isang rising commercial and ramp model sa bansa. At si Lexus naman ang kanyang groom, isang business tycoon at kilala bilang notorious sa business world. Karamihan sa mga bisitang dumalo ay mga nakakaangat sa lipunan at may-sinabi sa buhay.
Pero mukhang hindi na matutuloy ang kasal.
Dama niya ang kakaibang tingin ng mga taong naroon. They were looking at her with symphaty on their eyes. But that was the last thing she needed the most at that moment. Mas kailangan niyang makita si Lexus dahil tanging ito lang ang makakasagot sa lahat ng katanungan niya.
How dare him leave her like that?
Ang pagtunog ng cell phone ni Trick-- Lexus' bestfriend and bestman, na kanina pa aligaga tulad niya-- ang pumukaw sa atensiyon ng lahat. Sinagot nito ang tawag at base sa pagkunot ng noo ay halatang galit na galit ito. Bahagya lamang niyang naulinigan ang pagsasalita nito dahil may kalayuan siya dito.
"Hello, Lex? Where the hell are you now, man? We've been all waiting for almost two hours already? Baka nakalimutan mong ngayong ang kasal mo?" He paused to listen tp the caller. "You... what?! Alalang-alala na kaming lahat dito pero para sa 'yo ay wala lang. And Valkyrie here is cry-- Lex? Hey--" Naiinis na ibinulsa nito ang aparato at nilapitan siya.
"I-Is that L-Lexus, Trick? Makakarating ba siya?" kabadong tanong ni Valkyrie. Hindi pa man ay may hila na siya kung ano ang isasagot nito.
He nodded. He was raging mad, either. "Hindi niya sinabi kung nasaan siya at kunf ano ang rason niya. But he said, hindi raw siya makakapunta."
Lalo siyang napahagulhol. Naninikip ang kanusng dibdib. And before she passed out, narinig pa niya ang pagsinghapan ng mga tao sa paligid niya.
"SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, anak?"
Mula sa pagtitiklop ng mga damit ay nag-angat ng tingin si Valkyrie sa Mommy Anna niya . Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala. "I am very sure about this,'My. I have to do this to answer all the questions in my mind." Muli niyang inatupag ang pag-iimpake.
"Pero hindi ka pa naman sigurado kung naroon nga si Lexus. Mas maigi na narito ka lang sa atin. Maaari naman tayong maghintay."
"Mom, kung wala akong gagawin at hindi ako kikilos, walang mangyayari. Ayaw kong maghintay nang matagal para makita si Lexus. Gusto ko siyang makita at ipamukha sa kanya na mali ang ginawa niyang hindi pagsipot sa kasal namin."
Desidido na siyang hanapin mag-isa si Lexus. Nais niyang marinig ang rason nito nang personal. Labis siyang nasaktan sa nangyari at wala siyang balak tumunganga at magpakalugmok sa depresyon o kaya ay hintayin ang pagbabalik nito. Kating-kati na siyang malaman ang mga dahilan ng lalaki. And he better talk to her with perfect alibis, kung hindi ay magsisisi ito sa gagawin niya. Galit na galit siya. Nais niyang ito mismo ang humingi ng tawad sa pagpapahiyang ginawa nito sa kanyang pamilya. Her pride was bruised at kailangan niyang maipaghiganti ang sarili.
Umupo ang mommy niya sa tabi niya at ginagap ang kanyang kamay. "We can hire a private investigator if you want, Val. Just don't leave. Walang katiyakan iyang gagawin mo. Mag-aaksaya ka lang ng panahon at effort."
"Like I've told you, I will find Lexus for myself and I will make him pay for all the damages he caused me. Just this one, Mom. Payagan mo na 'ko."
Ilang beses itong bumuntong-hininga bago tumango. "Kung buhay pa ang daddy mo, I'm sure hindi no'n susuportahan ang gagawin mong kalokohan." Three years nang patay ang Daddy Ramon niya dahil sa sakit sa puso.
"I'm sure daddy wil understand. Kung naririto lang siya, baka nga siya pa ang pumatay kay Lex." Napahagikhik siya. She suddenly missed her overprotective Father.
Her mother sighed again. "Oh, Ramon. Lumalaki na talaga ang anak mong nagmana sa 'yo." Natawa sila.
She wanted to avenge herself. Gaya ng inasahan ay naging hot topic ang pangalan niya sa lahat ng entertainment news sa TV man o sa dyaryo.
Malakas ang kutob ni Valkyrie na nasa Davao lamang si Lexus nagtatago. Valkyrie knew about his private resort there dahil dalawang beses na rin siyang naisama ng fiancé doon. And Valkyrie also knew that his parents were hiding something when they told her na walang alam ang mga ito sa biglaang pagkawala ni Lexus. Kung hindi sasabihin ng mga ito, well then siya na lang ang magsisikap na hanapin ang lalaking sumira sa kanyang dream wedding.
Sa Davao nakatira ang angkan ng fiancè niya kaya doon niya ito hahanapin. Ngunit may isang partikular na lugar siyang pinagdududahang pinaglulunggaan nito-- ang private beach resort nito sa Samal Island. Kung naroon man ito, sisiguraduhin niyang sasapitin din nito ang sakit sa pinagdadaanan niya.
BINABASA MO ANG
Opposites Do Attract
RomanceA romance-comedy story between Valkyrie Fondevilla the moody and Iago James Villamontefalcon the eccentric guy