Chapter 17

356 53 18
                                    

                      Be mine




"Suzette," bahagya akong nagulat nu'ng may nagsalita. Nagangat tingin ako at nakita ko'ng si Kuya Hades 'yon nakapamewang sa harap ko. "Kanina kapa tulala, ano ba'ng iniisip mo?"

"I don't want to lose you...too"

Napapikit ako kasabay ng pagiling. "Bakit ko ba iniisip yon?"

"Oo nga baket mo ba iniisip yon? Tangina naman Suzette nabaliw kanaba?" Tinusok tusok niya ang pisngi ko kaya hinampas ko kamay niya

I sighed. "Kuya Hades," tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Sabihin mo nga sakin, patay naba si Wendy?" Seryosong tanong ko at bahagyang inalog siya

Nakita ko kung paano nagiba ang mood ni Kuya nu'ng nabanggit ko 'yon. Basta niya na lang tinanggal ang pagkakahawak ko sa balikat niya at maglalakad na sana palabas kaso humarang ako sa harapan niya.

"Kuya naman! Gusto ko lang naman malaman!"

"Hindi mo kailangan malaman ang kahit ano sa babaeng 'yon." Mariin na sabi niya

Nagtaas noo ako. "Bakit ganyan reaksyon mo ha? May gusto ka den kay Wendy?!"

Nanlaki ang mata niya. "PUTANGINA?!" Gigil na sigaw neto

"Eh baket ganyan ka makareact pag binabanggit ko si Wendy?!" Pinagkrus ko ang braso ko at tinaasan siya ng kilay

He groaned. Napasuklay siya sa buhok sa sobrang inis. "Hindi ko siya gusto Suzette! At hinding hindi ko magugustuhan ang babaeng pinili ang ibang lalaki kaysa kay Chaser!"

"W-What?" Tanging nausal ko

"Ang babaeng 'yon ang dahilan kung bakit ganto ang trabaho niya! Namin!"

"K-Kuya..." hahawakan ko sana siya pero hinarang niya ang kamay niya

"Hindi ako kalmado Suzette, lumayo ka sakin." Sabi niya at napahilamos ulit sa mukha niya

"Pwede ko ba malaman kung baket nauwi sa ganto ang trabaho niyo dahil sa kanya?" Natulala ako sa kama dahil hindi ko kinaya yung nalaman ko

"Hanggang doon lang dapat mo'ng malaman Suzette, nirerespeto ko pa din pagkakaibigan namin ni Chaser."

Napasinghap ako nu'ng narinig ko ang padabog na pagsara ng pinto.

"So ikaw pala Wendy ang dahilan kung baket naging kriminal si Chaser?"

Nakuyom ko ang kamao ko at nakaramdam ng matinding galit. Hindi ako mahilig magtanim ng galit sa ibang tao pero baka mangyayare na.

...

"Ay adobo!" Gulat na usal ko nu'ng narinig ko ang pagiyak ni Louie

"Louie sandali lang! Nagluluto lang si mama!" Malambing na sigaw ko sa kanya

Nagluto ako ng madaming potahe dahil sinend sakin ni Zoey ang picture ng grade namin ngayong first semester dahil wala daw ako sa bahay kaya sinend niya nalang.

I got 93 in my general average this semester.

I'm so happy! Lahat ng hirap ko sa pagaaral naglaho at napalitan ng saya! Panigurado matutuwa sila Kuya Hades at Chaser neto!

Wala silang dalawa ngayon, dahil may trabaho pa daw sila. Kanina pa sila umalis mga tanghali eh 6pm na ngayon. Tagal naman!

After an hour natapos ko na lahat ng niluto ko, pinicturan ko muna ito at pinagtatakpan muna kasi wala pa din sila.

I'm Inlove With A CriminalWhere stories live. Discover now