Chapter 6

470 54 0
                                    

          Pretend



"CHAAAAASER! UNTIE MEEEEE!" I screamed

Halos mapaos na ako kakasigaw dito, pero walang Chaser na pumapasok sa kwarto.

It's been 20 minutes. Bigla na lang nangilid ang luha ko no'ng naalala ko si Zoey, hindi pwede!

Habang abala sa paggalaw galaw at nagbabakasali matanggal yung lubid, nakarinig ako ng ingay sa labas ng bahay at sunod sunod na tunog ng doorbell.

My eyes widened. "Who's that?! Nakakainis ka Chaser! Hindi purket marupok ako eh gagantuhin mo na ako! Pogi ka lang! Pogi ka laaaaang! Sama ng ugaaaali moooooo! Hindi na ako magpapahalik sayo!" Halos maubos na yung boses ko sa gigil na sigaw ko

Nakakainis talaga siya! Pag nakita ko siya sasapakin ko siya, sasaktan ko siya!

"Suzette!!!"

I blink my eyes when I recognize their voice, my friends! Oh nose! Baka nandito pa si Chaser, kasama nila si Zoey!

"Namaaaan oh! Bilis! Malapit na!" Iritableng sabi ko habang abala sa pagkiskis ng lubid sa kahoy sa kama.

"AHA! YES!" I beamed

Hindi na ako nagabala na tanggalin ang lubid na nakatali sa kamay ko. Nanakbo na ako palabas ng kwarto at napamura ako ng ilang ulit nu'ng napansin ang katahimikan sa baba ng bahay namin.

Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko napansin ang huling baitang na dapat apakan ko pa, para akong lumangoy na isda sa malinis na tiles namin.

"Ouchhhh yung mukha ko!" Para na akong maiiyak sa sakit ng pagkabagsak ko

Pumaupo ako at sapo sapo pa din ang mukha ko. Hinarap ko ang mga kaibigan ko na nakaupo sa mahabang sofa. Nagtatakang bumaling sa kanilang tinitingnan.

Pakiramdam ko nanghina ako no'ng nakita ko si Chaser, pero hindi lang siya nandito, nakasuot pa siya ng apron na kulay pink na palagi ko'ng sinusuot pag nagluluto ako. Hawak niya sa kanang kamay niya ang kawali at kaliwa naman ay casserole.

Napatayo ako sa pagtataka. Sumulyap ako sa mga kaibigan ko na hindi pa din nagsisiimik, naagaw ng mata ko ang matatalim na mata ni Jaysie na nakatingin sakin. Mainit nanaman ang ulo niya? Uh, palagi naman.

"Suzey, I let your friends in."

Wait what?! Am I not dreaming? Why he's smilling?!?!?!?! And why he's voice is sweet?!?!

"Zet, bakit may lubid na nakatali sa kamay mo?"

Natauhan lang ako sa biglang tanong ni Jaysie. Tinapunan ko ng masamang tingin si Chaser bago lingunin si Jaysie.

I smile a bit then laugh. "N-Nagtatry kasi ako kung makakawala ako pag tinali ko yung sarili ko."

"Gago kaba?"

"Jaysie! Don't be mean!" Saway ni Zoey

"Hindi mo naman sinabi na may boyfriend kana pala, Zetzet!" Zoey giggled

"Hin-"

"We're okay with a private relationship. I'm Chaser by the way." Umakbay na lang bigla si Chaser na parang hindi naalala ang panguuto niya sakin

Private relationship?! Ha! Ano ako? Duh? Sige na nga.

Tumaas ang kilay ko nu'ng napansin ang pagkinang ng mata ni Bridgette. Bigla na lang 'to nagayos ng buhok niya at nalalamin pa nga. Lah, landi ka girl?

I laugh awkwardly. "Y-Yeah, we're okay with that." Pagsasabay ko sa trip ng isang 'to

Zoey beamed. "Ohmy! My bestfriend is dalaga na! May boyfriend na si Zetzet!" Pumapalakpak pa siya sa tuwa

"Zet, magusap tayo."

Agad akong bumaling kay Jaysie na hindi na maganda ang timpla ng mukha. Sesermonan nanaman niya ako!

"Then talk to her," sabat pa ni Chaser, pasimple kong kinurot ang tagiliran niya pero walang epekto. "I don't allow any man to talk to my girlfriend alone."

Matalim na tingin ang tinapon ni Jaysie kay Chaser. "Talaga ba'ng boyfriend mo 'yan? Ganyan naba ang tipo mo ngayon Zet?"

"What are you trying to say?" Iritableng usal ni Chaser pero pinanatili niya ang pagiging kalmado

Jaysie scoffs. "I'm not fucking talking to you so shut the fuck up." Matigas na usal pa niya

"Jaysie...." narinig kong saway ni Zoey. She smile shyly to us, apologizing for Jaysie's attitude.

Magsasalita na sana ako kaso naramdaman ko ang paghawak ni Chaser sa kamay ko kaya napabaling agad ako sa kanya.

He smile to me. "Don't do this again, if you want to play like this just tell me, i'll be your hostage." Sumilay ang malokong ngisi sa kanya

Makaalis lang mga kaibigan ko lagot ka sakin!

I smile with a anger in my eyes. "Sige ba, pero okay lang ba kung sapak sapakin kita? Para sana magmukhang totoo na hostage kita."

He scoffs but still angelic face in front us. "Of course, anything my Suzey want." He move closer to me and gave me a kiss in forehead

Wala na marupok na ulit ako.

"Anything I want?" He nodded. "Then, cook for us!" I giggled then pinch his cheek

Nagaalinlangan siyang ngumiti. Ginusto mo 'to ha? "O-Okay, I'll cook."

...

"Nagugutom na ako, Suzey." Maarteng reklamo ni Bridgette

I smile to her. "Wait lang, puntahan ko lang siya."

Bago ako makatayo, naunahan na niya ako. "No! Ako na lang ang pupunta! Dyan kanalang kwentuhan lang kayo dyan." She said

Tanging tango nasagot ko kasi nanakbo na siya sa kusina.

"Hindi mo naman sinabi na may boyfriend ka, tapos ang pogi pa!" Sabi ni Willow, my gay friend

Namula naman ako sa sinabi niya. Kahit alam ko nagkukunwari lang kami, pero ewan ko ba kinikilig ako.

"Siya ba 'yung tinutukoy mo nung nakaraan?"

Napunta ang atensyon namin kay Jaysie ng nagsalita nanaman siya. Kanina pa siya sabat ng sabat, tas magagalit lang ng walang dahilan. Siguro pinaglihi siya sa galit, kawawa naman siya.

Sunod sunod na tango ang sinagot ko. "Oo siya, pero huwag kayo magalala hindi ko papabayaan pagaaral ko!"

He smirk. "Ganyan din sinabi ng kapatid ko, pero pagkatapos ng isang buwan nabuntis na siya ng boyfriend niya."

Agad naman hinampas ni Zoey si Jaysie. "Jaysie tama na nga kanina kapa ha! Mahiya ka naman sa boyfriend ni Zetzet baka sabihin niya hindi natin siya gusto para sa kaibigan natin eh." Nakangusong sabi niya

"Hindi naman talaga."

Zoey groaned. "Ugh! Maggirlfriend kana kasi! Ang bitter mo masyado!"

Napatitig ako kay Zoey. Papatayin niya pa kaya si Zoey? Tuloy tuloy ba 'tong pagpapanggap namin sa kanila? Pero, parang maganda din 'to para bantay ko lahat ng galaw niya. Mapoprotektahan ko si Zoey sa pagpapanggap namin.

I smirk secretly. Napakatalino mo Chaser, tingnan lang natin kung hindi ka bibigay sa pagiging cute ko hihi.

I'm Inlove With A CriminalWhere stories live. Discover now