Chapter 20

619 36 11
                                        

               Meet the Family



Nadilat ko ang isa ko'ng mata dahil sa sinag ng araw. Hinila ko ang blanket ko'ng pink at tinalukbong sa mukha ko.

"Suzette bangon na!"

Napapadyak ako nu'ng inaalog alog ako ni Kuya. Nakabusangot na tinanggal ang blanket. "Kuya naman eh! Wala akong pasok ngayon!"

Humikab ako at dinilat na ang mata ko. Nakita ko'ng nasa sahig si Louie abala sa paglalaro ng mga toys niya.

"Hindi naman kita ginising dahil doon." Sabi niya kaya napabaling ako sa kanya

Humikab ulit ako. "Eh bakit mo ako ginising?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko dahil pumasok si Chaser sa kwarto namin.

Napangiti ako pakiramdam ko nawala antok ko. Tumayo ako sa kama at tumalon sa kanya.

Nasalo naman niya ako. "Oh god..don't jump like that!"

Hindi ko pinansin ang pagsusungit niya. "Aalis tayo?" Pigil kilig na tanong ko

Bumuntong hininga ito. "They knew about you."

Hindi ko pa din inalis ang ngiti pero nangunot ang noo ko. "Anong ako? Anong alam nila? Sino?"

"My family."

"Y-Your family?" Utal na tanong ko

Tumango siya. Hinalikan niya noo ko bago ako inupo sa kama. "I can't say no to them." Hinimas niya pa ang batok niya na para ba'ng problema sa kanya yon

Napaisip tuloy ako.

Hindi naman siguro nila ako pipilitin na hiwalayan si Chaser.

Napatango tango ako. Tama hindi nila pwede gawin yon! Ikakamatay ni Chaser pag naghiwalay pa kami! Oo tama!

Taas noo akong tumayo bahagya pa akong tumingkayad para maabot ang mukha ni Chaser.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka pero hinayaan na lang ako sa trip ko.

"Huwag kana mag no sakanila, pupunta tayo!"

Sumilay naman ang ngiti sa kanya. "Are you sure?" Pagsisiguro niya

Pinisil niya pa ang pisngi ko. "Then get ready, we're leaving after 20 mins."

Nakangiting tumango. Nagpaalam din siya na kakausapin niya muna mga tauhan niya, sumunod din si Kuya Hades dahil maliligo na din daw siya.

Kami na lang natira ni Louie sa loob ng kwarto. Nakabihis na siya, ang aga naman nila inayusan to'ng si Louie.

"Baby Louie," tawag ko sakanya. Tumatawa naman siyang bumaling sakin, hawak pa ang baril na laruan niya. "Liligo lang ako ha? Dyan ka lang."

"Opo!" Nagbalik na siya sa mga laruan niya

Tumalikod na ako at kinuha ang towel ko sa kabinet. Paghawak ko sa door knob ng banyo pumikit muna ako huminga ng malalim.

Sana hindi kasing suplado ni Chaser yung pamilya niya.

....

"WE'RE finally here, are you sure it's fine with you? You look pale."

Napasinghap ako nu'ng pinatong ni Chaser ang palad niya sa noo at leeg ko. "Hey, are you okay?"

Okay nga ba talaga ako? Kinakabahan ako! Baka bigla akong barilin eh delikado ako!

Inalog niya ako kaya napalingon ako sa kanya. "N-Nasaan sila Louie at Kuya?" Natanong ko nalang

Tumitig muna ito sakin bago sumagot. "They're outside. If you don't want this we can--"

I'm Inlove With A CriminalWhere stories live. Discover now