Worthy # 4: First Encounter

755 12 0
                                    

Worthy # 4: First Encounter

ATCHIDE HERLOD YOUNG'S POV

Nagpunta kami sa opisina nung  doktor.. para matanong na rin namin kung anong kalagayan ni Ajai.

Naiwan muna dun si ate Ara at yung asawa n'ya..

Kami ni ate Sheena yung nagpunta dun..

Pagdating namin dun sa office nung doctor ng pamilya Zhang..

"Tita?" sabi ni ate Sheena pagkakatok..

"Pasok ka iha.." sabi nung doctor..

Pumasok naman kami.. tapos umupo kami sa harap nung tita nila..

"Tita.. ka..kamusta na po si Ajai?" tanong ni ate Sheena..

"Iha, wag ka ng mag-alala.. nagiging stable na yung lagay n'ya.. Pero we still need to observe pa rin.. but I think she'll be able to wake up.. anytime soon.."  sabi nung doctor..

Nakahinga naman ng maluwag si ate Sheena nung marinig yun.. kahit ako.. para akong nabunutan ng tinik..

Magigising na s'ya..

"Ahh.. ano po.. ahmmm.." nagkatinginan kami ni ate Sheena..

"Ti..tita.. sa tingin n'yo po.. ba..bakit ginawa ni Ajai yun? Su..successful naman s'ya.. di po ba.." tanong ni ate Sheena..

"Hmm.. ayoko naman magbigay agad ng kung anu-anong assumptions.. pero kung successful naman s'ya sa work and everything.. maybe it's about her personal life.." sabi nung doctor..

"Life?" tanong namin..

"Well, I'll ask you.. may nangyari ba sa kanya na pwedeng nag trigger na gawin n'ya 'to?" sabi nung doctor..

"Hindi ko din alam tita.. Naging distant s'ya sa akin nung nakaraang araw eh.." - ate Sheena

"Ikaw iho? May naiisip ka bang pangyayari.." biglang baling sa akin..

Pangyayari..

Dun ko lang naalala yung unang beses kaming nagkita..

"When I met her.." 

"Nung nakilala mo s'ya? Di ba.. Nagkakilala kayo dun sa birthday party nung bestfriend mo na nagkataon na friend din namin ni Ajai..”

Umiling ako..

"We met before that..  2 times.. Yung unang pagkikita namin.. 2 years na ata ang nakakalipas nun bago yung second meeting naming dito sa Pilipinas bago pa yung sa party.."

"Na..aalala mo pa?" Nagtatakang tanong ni ate Sheena..

"Hindi ko kasi makalimutan yung mukha n'ya nun.. Kahit s'ya.. Hindi n'ya din nakalimutan yung mukha ko.."

"Ano..bang nangyari nun?"

"This is not the first time she committed suicide.."

You're Worth Fighting For [YWF SS - Complete]Where stories live. Discover now