Special # 7: Double Trouble

411 6 0
                                    

Special # 7: Double Trouble

After 3 months~ [a/n: ganyan talagaaaa~]

[ATCHIDE HERLOD YOUNG'S POV]

"Asawa ko, kamusta ka na?" nakahiga lang s'ya sa kama..

Naka-maternity leave na s'ya at 4 months na rin s'yang buntis.. Nung nakaraan kasi, lagi s'yang nagsusuka, nahihilo.. laging inaantok.. minsan nga isang buong araw s'ya dito sa kwarto.. Kaya nag-aalala ako sa kanya lagi.. Di ko na maiwan trabaho ko kasi ayaw n'ya.. baka mabored lang daw ako.. okay lang daw na maiwan s'ya dito, dumadaan naman daw kasi si Gab dito, pero pag yung talagang nanghihina s'ya di na talaga ako pumapasok.. katulad ngayon..

"Okay lang ako asawa ko.. sabi ko naman sa'yo.. pumasok ka na para hindi ka nabobored.." sabi n'ya..

"Hindi naman ako nabobored eh.. mas gusto ko nga 'to.. kasama ko ang dalawang taong mahal ko.." sabi ko at hinalikan ko yung ulo n'ya at yung may tyan n'ya..

Ngumiti naman s'ya at hinaplos yung mukha ko..

"Thank you asawa ko.." sabi n'ya

"Wala yun. Obligasyon ko ang alagaan ka.. May gusto ka bang kainin asawa ko?" tanong ko..

"Gusto ko asawa ko ng pakwan.." sabi n'ya

"Pakwan? Nanaman?" tanong ko

Nung isang linggo pa kasi s'ya kumakain ng pakwan.. baka ito yung sinasabi na naglilihi ang buntis..

"Please asawa ko.." sabi n'ya sabay pout..

"Ah, si-sige.." sabi ko..

Tatayo na sana ako para kumuha nung pakwan ng may sabihin s'ya..

"Samahan mo asawa ko ng suka at ketchup at tsaka toyo.."

Napalingon ako sa kanya at nanlaki yung mata ko. Normal naman kasi yung pagkain n'ya nung pakwan nung nakaraang araw kaya nakakagulat yung sinabi n'ya..

"Se-seryoso ka ba d'yan?!"

"Hmm? Oo. Parang ang sarap.." sabi n'ya..

Kung asin siguro yung isasama ko okay lang, pero yung ketchup, toyo at suka. O____o?!

"Siguradong sigurado ka ba d'yan?" sabi ko..

"Oo nga asawa ko.." tapos tumayo s'ya.. "Ako na nga lang ang kukuha.." sabi n'ya..

"Te-teka lang.." tapos inalalayan ko s'ya.. "Ako na.. dito ka na lang.." sabi ko

"Ayoko dito.. ang boring.." sabi n'ya sabay pout..

"O-okay?" tapos sinamahan ko s'ya sa baba..

Mabilis kasing magbago ang mood ni Ajai ngayon kaya sinusunod ko na lang lahat ng sabihin n'ya.. mamaya pa n'yan mag-away kami.. medyo sensitive pa naman si Ajai pag nasisigawan s'ya..

Bumaba na kami papuntang kusina at nakita naman namin dun si Gab.

"Ajai! I miss yooooou!!" sigaw nito.

Agad nitong niyakap si Ajai.

"Uy, parang di tayo nagkita kahapon ah.." sabi ni Ajai.

"Haha. nakakamiss ka kasi.. tsaka yang little tummy mo.." sabi ni Gab.

"Sus.. Kakain akong pakwan, gusto mo?" sabi ni Ajai.

You're Worth Fighting For [YWF SS - Complete]Where stories live. Discover now