Special # 9: Another Blessing

466 7 0
                                    

Special # 9: Another Blessing

January 12, 2016

[ANASTACIA JAIMIE YOUNG'S POV]

"Oh, wag kang masyadong kabahan.. hinga ka lang ng malalim haa.." sabi ko kay Gab habang pinapakalma ko s'ya

"Kinakabahan talaga ako Ajai.. ganito ba yung feeling mo nun?" tanong n'ya sa akin

"Hindi, wala naman kasi akong alam na ako yung ikakasal.." sabi ko habang inaayos yung veil n'ya..

"Ay oo nga pala.. hala Ajai, paano kung matapilok ako.. paano kung magkamali ako.." sabi n'ya, halatang kinakabahan..

"Okay lang yan, kasal mo naman ngayon eh.." sabi ko.. "At isa pa, magiging okay ang lahat, so wag kang kabahan d'yan.. chillax ka lang.." sabi ko at tinapik yung balikat n'ya

Bigla namang may kumatok at pumasok si Maryl at ate Sheena..

"May gustong bumati sa tita nila.." sabi ni ate habang karga nila ni Maryl yung kambal..

2 months na yung kambal namin ^u^ at tuwang tuwa sila sa kanila.. lalo na ang lolo at lola ko..

"Awww, thank you Jaycie at Stacie.." sabi ni Gab at kiniss n'ya yung ulo nila..

Kinuha ko naman si Jaycie kay Maryl..

"Bebs, damit mo oh.." tapos tinuro ko yung sala na part..

"Ay, enjoy na enjoy ako sa pagbuhat kay Jaycie eh.." sabi n'ya habang inaayos yung damit n'ya..

"Oh Gab, wag kang kakabahan ha.. magiging okay din ang lahat, matagal n'yong inayos tong kasal na to ha.." sabi ni ate Sheena..

"Thank you talaga sa inyo.. kung wala kayo dito baka sobrang nagpapanic na ako ngayon.." sabi ni Gab..

"Sus, wala yun 'no, sayang nga wala si Ara.." sabi ni Maryl at niyakap si Gab.

"Oo nga eh, sayang, di tuloy tayo kompleto.." sabi ni ate Sheena.

"Okay lang yan, i-video call na lang natin s'ya mamaya sa reception.." sabi ko..

Pumasok naman yung photographer para picturan na kami.. syempre, naka-upo ako habang naka-upo sa lap ko si Jaycie, si Stacie naman, karga ni ate Sheena..

So ayun, after ilang minutes nagsimula na yung kasalan..

Si Stacie, flower girl, karga s'ya ni mama, si Jaycie, ring-bearer, karga naman s'ya ni papa..

Ganyan kasosyal ang mga anak ko.. mwahahaha!

Tapos yung mga bridesmaid naman.. tapos syempre.. Ako yung maid of honor.. maid of honor ko s'ya nung kasal ko eh..

Best naman itong si Atchide.. partner ko kasi pati di ba kami yung nag-isip ng idea para sa proposal ni Nel.. si kuya Theo, audience lang.. Kasama si ate Leah..

You're Worth Fighting For [YWF SS - Complete]Where stories live. Discover now