12 | My After Valentine's

24 2 0
                                    

~because there is always a season of letting go and moving on
for the one you love~

( o ⊰ o) MY AFTER VALENTINE'S(꒦ྃ⌑꒦)

Bakit paglipas ng panahon
'yong akala mong permanente
nagbabago rin?
'Yong dapat tumitibay
rumurupok?

~

CIRCA 2012, MAY 4

Busy?

Text back pls.

Sige, alam ko pagod ka.
Rest well. 'Love you :*

Ibinaba ni Caprice ang mobile phone sa tabi ng kama. Pagkauwi mula sa trabaho, bukod sa mga text na iyon ng kasintahan, hindi mabilang na missed calls ang bumulaga sa kanya pagkakuha ng CP sa bag. Sinadya niyang i-silent ang CP dahil... paano ba siya magre-reply?

Nahihirapan na siya.

Ayaw na niya.

Paano niya ito haharapin para sabihing...

May iba na.

~

Bakit ang saya tumutumal,
ang pasensya umiiksi,
ang tiwala laging nasusubok,
numinipis,
nawawala?
Bakit nakararamdam
ng pagkasawa?

~

CIRCA 2010, FEBRUARY 14

Halos mapatid si Ed sa kamamadaling umakyat sa escalator. Takte, para kasing trapik sa Edsa ang bugso ng tao sa loob ng mall. Kung humarang pa sa daraanan ang mga mag-jowa akala mo walls sa Intramuros, kailangan magkakadikit sila, hindi mapaghiwalay kahit ng magalang na, "Excuse me po! *ubo, ubo*"

Natamaan pa siya sa mukha ng dambuhalang bouquet of roshes no'ng isang babaeng balak niyang i-overtake nang ayusin nito sa balikat ang bag at iangat ang kamay. Buti na lang walang thorns.

Aaaaahhh! Lagot siya nito. Late na nga mas na-late pa tuloy. Sinabi na kasing 'wag nang sa mall magkita. Kaso rito sila unang nagkita. Sa fast food na kakainan nila ngayon. Sa Jollidonald! LOL!

Sa wakas! Nakarating din! Asan ka? Nasa'n? Huwag mong sabihing iniwan mo na 'ko. Alam kong hindi gano'n karupok ang pag-ibig mo na hindi mo na 'ko nahintay kahit halos isang oras akong late. Traffic, Caprice ko. Ang pag-ibig ko lang talaga sa 'yo ang walang tigil at tuloy-tuloy ang usad.

Ayos. May punchline na 'ko para maging convincing ang apology. Pero nasaan ka? Pinaalis ka ba ng mga siraulong crew dahil nakaupo ka lang d'yan at hindi kumakain habang an'daming nakatayo at nag-aabang ng mauupuan? Sino?! Ituro mo patatalsikin natin sa puwesto!

Pero ayun! Ayun siyaaaaa! Kaya naman pala hindi niya makita. Nakaupo ito sa dulo at nakatalikod, tulala sa labas ng salamin. At lagot. Nakamangot na ito at kunot noo, halatang baaad trip na bad trip.

Paktay. Iniisip siguro kung darating pa ako. Sorrrrry.

Dali-dali siyang lumapit at umupo sa katapat na upuan.

"Sorry, sorry, sobrang traffic, promise," sabi niya agad. Ano na nga 'yong punchline niya kanina? Hindi na niya maalala. Hindi kasi siya nito pinansin. Ni hindi sinulyapan.

"Maaga naman ako umalis. Sumabit na nga ako sa jeep para makasakay kasi punuan—"

Tumuwid ng upo si Caprice at humalukipkip. Nakatingin pa rin ito sa labas ng glass wall. 'Di bale nang magka-stiff neck 'wag lang masilayan ang mukha niya.

A VALENTALE FOR YOU (Valentine Anthology) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon