"INAY! itay! nakahain na po ako, mamaya na po iyan. kain na po tayo!" Sigaw ko sa kanila mula sa labas at kumuha ng maiinom.
"Nay ako na po tatapos ng mga ibang nilabhan nyo dapat nag papahinga ka baka sumumpong na naman yang sakit mo" nag aalalang sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba anak nabuburyo na kasi ako sa kakahiga at kakaupo saka tinulungan naman ako ng itay mo kaya wag kana magalit jan" nakangiting sabi nya sabay himas sa braso ni itay. Napailing na lang ako sabay sandok ng makakain.
"Ay nako nay wag matigas ang ulo." sabi ko "Nga po pala pupunta po ako sa bayan mamayang hapon tutulungan ko po paubusin yung tinda ni aling nerma para may pambili tayo ng gamot mo"
"Sige aina basta mag iingat ha wag mag papagabi" sabi sakin ni itay. Nginitian ko ito at tumango
"Opo."
Natapos ang hapagkainan ay agad akong nag hugas ng pinggan at tinuloy ang natirang gawain na naiwan nila inay at itay. Maingat ako sa pag kuskos na para bang hindi parin ako sanay sa gawain na ito. Napatingin ako saking peklat sa likod ng kaliwang kamay isang mahabang guhit. Hindi ko matandaan kung saan ko nakuha ang peklat na ito nagising na lang ako naka benda ng kamay ko at puro sugat ang katawan ko.
Sabi sa akin ng inay ay nag karon daw ako ng anmesia dahil sa aksidente at na coma ng pitong buwan ngunit hindi nya nasabi sakin kung ano ang nangyari sakin ng mga araw na aksidente ako. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng anmesia. Ang nararamdaman ko simula ng magising ako ay parang may kulang sakin. Pero hindi ko alam kung ano iyon.
Napatigil ako sa pag iisip at sa aking ginagawa ng marinig ko ang kaibigan ko na si jho na nag sisigaw sa harap ng gate namin.
"Aina! ar yu der? Aina! haleeeer!" agad akong nag banlaw ng kamay at dumungaw sa gate.
"Oh jho napadalaw ka" masayang sabi ko at pinag buksan sya ng gate namin at pinapasok sya sa loob ng bahay.
"Haleer tita and tito" Bati nya kila inay at itay
"Jho napadalaw ka. Upo ka ijo"-inay
"Salamat tita"
" Oh sya maiwan na namin kayo ng itay mo at mag lalabing labing muna kami sa kwarto" Biglang napangiti si jho sa sinabi ni inay.
"Ay taray sana all nadidiligan" Natawa bulong ni jho kaya inapakan ko ang isang paa nito at kaagad sya na napangiwi habang tumatango pa.
"Oh sya maiwan na namin kayo ha " Iniwan na kami nila inay at itay at nag tungo na sa kwarto.
"Sarap ng buhay ni tita no? dilig here dilig everywhere!" humahagikhik na sabi nya pa at kaagad ko hinampas ang braso nya, gaga talaga tong babaeng to.
"Nga pala bat ka ba nandito?" tanong ko na ikinangiwi nanaman nya.
BINABASA MO ANG
Sweetest Temptation (La Rancho Montello #1)
Ficção GeralMATURE CONTENT | SPG | R18+