2

5 0 0
                                    

"Who are you? and what are you doing here?" tanong nya na ikinataas ng balahibo ko. Matamang nakatingin sya sa akin at pinag mamasdan ako na para bang may mali akong nagawa.

Napalunok ako sa sarili kong laway ng manlisik ang mata nya na nakatingin sa akin at sa dala ko "Are you a thief?" halos malukot na ang mukha ko sa sinabi nya. aba!napakawalang hiya ng bunganga ng lalaking ito! isupalpal ko kaya sa kanya itong hawak ko.

"Hoy ang kapal—" naputol ang aking sasabihin ng may sumingit at agad na nakahinga ako ng maluwag ng makitang si Manang flore ito. 

"Aina? S–sir King?" aniya nya na kinakabahan pa at walang sabing tinulungan ako sa aking bitbit. 

" Ah sir king andyan lang po pala kayo kanina pa po kayo hinahanap ni don henry" sabi nya pa habang nakayuko. Napakunot ang noo ko sa sinabi ni manang flore sabay baling ng tingin sa lalaking nasa harapan ko.

"Who is she manang?" tanong nya at nag suot ng damit pang itaas na ikinalungkot ko.

"Si aina po sir nag hatid lang po ng order para sa magaganap na party ngayon." paliwanag nito at hindi ko inalis ang tingin sa kanya sabay tinaasan ng isang kilay.

Ayan pahiya ka ano. mas mukha ka pang mag nanakaw satin no. Mag nanakaw ng virginity..

"i should go now. Where's tanda " tanong nya at iniwan na kaming dalawa ni manang.

Ang tigas ng mukha! hindi man lang mag sorry sa mga sinabi nya sakin kanina!

Inis na humarap ako kay manang at halos masabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang inis sa antipatikong lalaki nayon.

" Oh aina anong istura yan? ayos ka lang?" manang mabuti na lang dumating ka baka masakal ko yung damuhong iyon!

"Nga pala pasensya kana sa inasal nung alaga ko na iyon na spoil kasi kaya ganyan yan. Pero mabait naman iyon at malambing" Aniya nya na ikinangiwi ko.

"Sya ba iyong apo ni Don henry manang?" tanong ko at tumango ito.

"Oo si kingston pumunta dito para mag bakasyon patapos na kasi ang skwela nila kaya naisipan na pumarito muna." saad nya na para bang kilalang kilala nya na ito.

Nag tungo kami ni manang flore sa hardin at iniwan ako sandali para kunin ang bayad. Habang nag aantay ay pinapanood ko ang ibang mga katulong na aligaga sa pag aayos at pag lalagay ng tela sa mahabang lamesa siguro ay dito gaganapin ang inihandog na piging ni don henry para sa apo nya. Nagulat ako ng biglang bumungad ang isang matanda at iyong antipatikong lalaki kanina. Agad na tumalikod ako at tinuon ang tingin sa mga rosas. 

Mula sa likuran ay naramdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin.  Kaya walang sabi akong napalingon at napaiwas ng mag tama ang paningin namin. Halos hindi ako makahinga sa klase ng tingin nya sa akin at gusto kong tanungin ang mga taong nakakasalubong ko kung anong meron sa mukha ko kaya titig na titig itong kurimaw na ito.

"Aina pasensya na kung natagalan ako. Eto na pala ang bayad salamat sa pag hatid ah at pasensya na sa abala" saad nya at inabod sakin ang pera kaagad ko itong nginitian at tinanggap bayad.

"Nako manang walang pong problema. Pano ho mauuna na po ako" paalam ko

"Sige mag iingat ka" saad nya

"Sige po" nakangiti kong sabi sabay kumaway sa kanya at nag simula ng mag lakad paalis ng hardin.


Pag ka baba ko ng jeep ay agad na nag tungo ako kay aling nerma at inabot sa kanya ng bayad.

" Aina dito ka muna may pupuntahan lang ako. Wag mong iiwan itong paninda" sabi nya sakin na ikitango lang ang sagot ko. Nang makaalis si aling nerma agad akong napabuntong hininga at naupo dahil nangangawit na aking paa. Mag hahapon palang halos maubos na ang lakas ko dahil sa nangyari kanina.

Pano pa kaya kapag nag umpisa na akong mag trabaho sa mga montello makakaya ko kaya?

Napapikit ako at sumandal sa upuan ngunit agad din akong napadilat nang biglang may humampas ng lamesa sa harapan ko na ikinahulog ng iilang paninda

"Wow naman patulog tulog na lang. Sumasahod ka sa ganyan?" nakunot ang noo ko sa sinabi ni gina ang anak ni aling nerma.

"Hindi ako natutulog nakapikit lang ako" paliwanag ko sa kanya.

"Maang maangan ka pa kitang kita ko na nga" sabi nya na kinainis ko.

"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan gina" Sabi ko at inayos ang iilang panindang nahulog

"Ayusin mo trabaho mo kung ayaw mong mawalan ng trabaho" aniya nya na akala mo sya ang nag papasahod sakin.

"Maayos naman ang trabaho ko at alam yan ng nanay mo." Pabalang na sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya. Pasira ng pasira ang araw ko ngayon ah.

"Whatever"

Nang marining ko ang pag alis nya ay agad ako nag angat ng tingin wala na bang mas grabe ngayon araw? ubos na ang lakas ko gusto ko ng mag pahinga at mahiga.





GABI na ako ng makauwi samin at habang papasok ng bahay ay agad na bumungad sakin si itay.

"Ginabi kana ata ai sabi ko sayo na wag kang mag papagabi" sermon sakin ni itay. Agad na lumapit para mag mano at inilapag ang pinamili kong gamot sa lamesa.

"Pasensya na po itay dumaan pa kasi ako sa botika para bumili ng gamot ni inay." sabi ko

"Oh sya kumain kana jan at nauna na kaming kumain kanina. Mag iigib lang ako" sabi ni itay at kinuha ang dalawang balde saka umalis.

Marahan ang lakad ko papunta sa kwarto nila inay at sumilip sa pintuan nakita ko na lang si inay na nakaupo sa sahig at pinag mamasdan ang hawak nyang kwintas.

"Nay nakauwi na po ako." Sabi ko na ikinagulat nya at dali dali nyang nilagay ang kwintas sa isang box.

"N-nak ikaw pala iyan. mukhang ginabi ka ata kumain kana ba?" tanong nya at lumapit sakin. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, napakunot ako ng makitang namumutla sya at maramdaman kong nanlalamig ang kamay nya.

"Nay okay ka lang? namumutla ka may masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ko at agad syang umiling habang nakangiti

"W-wala naman nak. nagulat mo lang ako, nga pala bat ginabi ka?"

"Dumaan pa kasi ako sa botika nay para bumili ng gamot mo. Eto po nabili ko lahat ng gamot sa listahan medyo may kamahalan pero kaya naman" Sabi ko at nag tungo kami sa sa sala at inabot sa kanya ang mga gamot na binili ko.

"Nako salamat anak. Nag papasalamat kamo sa Diyos dahil binigyan nya kami ng masipag at mabait na ank" nakangitin sabi nya sakin habang hinihimas ako buhok ko.

Bigla ko syang niyakap dahil sa sinabi nya "Ako din nay nag papasalamat din ako sa Diyos dahil binigyan ako ng nanay at tatay na sobrang bait at mapagmahal pa" sabi ko sa kanya

"Nako ang anak ko nag lalambing" sabay kaming natawa sa sinabi nya at humiwalay sa yakap at nag simulang mag sandok ng makakain ko.

Sabay sabay kaming nag paalam nila inay at itay at nag si puntahan na sa aming kwarto. Dahan dahan kong tinanggal ang sapatos ko at kaagad na humiga sa kama. Pagod na pagod ako ngayon araw halos ang dami kong ginawa. pinikit ko na ang aking mga mata hanggang sa dalawin na ako ng antok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweetest Temptation (La Rancho Montello #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon