PAGE 6: The Game (Pt. 2)

87 2 0
                                    

Daryl: 1-on-1 game lang naman 'to. Old school ang rules.

KC: //whispers Sigurado ka ba d'yan? Malakas si Daryl pagdating sa basketball.

Katrina: Basta makalaban ko kayo, sapat na.

Daryl: O, Daiki, ready ka na?

Katrina: Oo, Seijuro.

Pumunta na kami sa court kung saan kami maglalaro. Dahil hindi pa tapos sina Cam at Kate, si KC muna ang supporter at magbabantay sa'kin. Sabi daw niya baka may mangyari sa'kin kaya siya muna ang kasama ko. At dahil halos nagsi-uwian na ang mga estudyante, konti lang ang manunuod.

KC: 'Di ba sinabi ko sa'yo na 'wag mo na silang talunin? I wanna be you king only!!

Katrina: Ito ang tadhana e... Wala na akong magagawa.

So, nagsimula na ang laban namin. Mayroon daw kaming 2 quarters. Old school pa rin ang rules. Inalis na namin ang mga accessories namin at nag-warm up. Nagulat ako nang dumating ang mga teammates niya.

TM 1: Hoy, Sei-chan~~~ Babae lang 'yan. Baka matalo ka pa nan.

TM 2: Agreed!!!

TM 3: 'Wag ka magpapatalo, Sei-chan!!!!

Totoo nga, may ilan sa kanila ay tinatawag siyang "Sei-chan." Haha!! xD

Okay, tapos na mag-warm up!! It's the start of the game. Dribble, shoot, drive, fake, lay-up... Lahat na ginawa namin. Kaya lang, napansin ko kay Sei-chan este Daryl na pagod na pagod na siya. Kaya sa 1st quarter, ako ang nanalo.

Nung tiningnan ko si KC nang saglit, parang nag-aalala sa'kin. Ewan ko na lang sa kanya kung bakit. Let's continue the game!!

2nd quarter na. Parang nahihirapan na ako kay Daryl. Naging mabilis siya. Nasa Zone na kaya siya? Joke, 'di naman totoo 'yon e. Magaling na din siya sa mga fakes niya. Kaya, siya ang nanalo this quarter.

Katrina: KC!! Okay ka lang? Kanina pa ganyan ang pagmumukha mo.

KC: Okay lang ako. O eto, tubig.

Katrina: T-Thank you...

Kyle: Hi, Kuya KC!! Hi, Ate Kat!!

KC: Ikaw pala.

Katrina: Ano ang ginagawa mo dito...?

Kyle: Masama bang makinuod?

Katrina: S-Sorry naman... Nagtatanong lang...

Back to the game!! Overtime na. Kinakabahan na ako. Ewan ko ba kung mananalo ako o hindi. Kit Kat, 'wag kang kabahin!! Matatalo ka talaga!!

Dribble, shoot, lay-up, fake... Hay nako, nahihilo na ako kay Daryl. Ang bilis niya talaga!! Tie na ang score at malapit na matapos ang oras. Pero biglang nag-three-point-shot si Daryl. May gad!! Matatalo ba ako dito? Hay... Buti na lang sumablay ang tira niya. Ako naman ang nag-three-point-shot. At yesss!!! Naipasok ko!!! Ako ang panalo yesss!!!

Napapatalon na ako sa tuwa!! Pagdating ko sa bench ko, nandoon sina Cam at Kate.

Camellia: Congrats, Kat!

Kate: You're the best!!!

Katrina: Thanks, gals.

Pagtingin ko kay KC, ganun pa din ang pagmumukha niya. Nagwo-worry na ata talaga sa'kin 'yon. Bigla akong tinawag ni Daryl. Ipinakilala ako sa mga teammates niya. Nag-congrats din sila sa'kin.

Pagbalik ko sa kanila, nakita ko naman sina Ian, Daniel at Eric. Nag-congrats din sila. Sabay-sabay na silang umuwi. Naiwan kami ni KC sa court.

Katrina: Hoy, KC, okay na. Walang premyo. Ang daya nga e. Kaya, 'wag ka na magtampo. Haha... Halika na. Nandyan na ang driver mo.

KC: Gano'n ba..

Bigla siyang tumayo at.... UWAAAAAHHHHH HINALIKAN NIYA AKO SA LIPS NANG MATAGAL!!! Gulat na gulat ako do'n sa ginawa niya. As in nanglaki ang mga mata ko. Hanggang sa tumigil siya.

KC: Halika na, sumabay ka na sa'kin.

Katrina: Umm... Kaya ko nang mag-is------

KC: 'Di ba sinabi ko sa'yo na lagi kang sumabay sa'kin?!!

May gad. He's angry.

KC: Sorry. Halika na. Ayokong umuuwi lang mag-isa ang babaeng special sa'kin.

Huwat. Namula ako do'n a. Gano'n siya ka-worry sa'kin. 'Di ko alam na ganyan siya.

KC: Umuwi na tayo.

Hinila na lang ako bigla at umalis sa campus.

Ano kaya 'yong ibig sabihin ng ginawa niya sa'kin...? Tsaka, special? Huwat. Ewan ko na lang sa kanya. 'Di ako tuloy makatulog sa ginawa niya. Ano kaya 'yon...?

TO BE CONTINUED

A/N: Sorry sa late update!! 'Yong FoR na kasi kailangan nang tapusin. Kaya slow updates muna 'to. Sorry talaga. Magiging busy muna ako sa FoR. Salamat sa lahat!

Diary ng TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon