PAGE 7: The Genius King

98 0 0
                                    

Sumunod na araw, sabay ulit kami pumasok ni KC. Nasa loob na kami ng kotse.

Katrina: Umm... Bakit parang nag-aalala ka sa'kin kahapon?

KC: ...Wala ka na d'on.

//awkward silence

Nandito na kami sa school. Nakita ko sina Cam at Kate sa gate.

Camellia: Good morns, Kit Kat!

Katrina: Good morns.

Kate: Uy, sabay uli kayo ng hari mo.

Katrina: Huwat. Baliw ka na!

KC: Ano na naman ang pinag-uusapan niyo diyan? Ako na naman?

Katrina: Wala. 'Wag ka nang makinig. Baliw 'yang si Kate e.

Kate: Huh? Sinong baliw?!

Okay. Round 1!! Ting ting ting!! Debate na naman. Kahapon, kami ni KC, ngayon kami ni Kate. Hay nako!

Kyle: Hi, mga ate at Kuya KC!

Doon lang kami tumahimik. Diyos ko, nakakagulat naman 'to. Bigla na lang 'to susulpot.

Kyle: Ang galing mo naman, Ate Kat! Natalo mo ang mighty Sei-chan!

Katrina: 'Wag mo nga akong tawaging "ate." Magka-age lang tayo, no.

Kyle: Aba siyempre! Ikaw ang Volleyball Queen at mas mataas kayo sa'min ni Daryl.

Katrina: Huh? Bakit?

KC: Ako na mag-eexplain. Ako ang may pinakamataas na katungkulan sa kanila. Naging reyna kita kaya tinatawag ka ni Kyle na "Ate Kat."

Katrina: A, okay. Gets.

Kyle: By the way, nandito ako para sa competition natin, Ate Kat. Ready ka na ba?

Katrina: Siyempre naman!

Kyle: Okay. Sa'n ka ba magaling? What subject?

Katrina: Umm... Madali lang sa'kin ang Math e. Pero para hindi ka mahirapan, Science na lang.

Kyle: Okay. So, maghalungkat ka na ng mga librong Science sa library at sa bahay mo. Magkakaroon ng isang... simpleng quiz bee lang naman bukas, break time. Gusto ko si Kuya KC mag-quizmaster.

KC: What? Why me? Alam mo namang b*b* ako sa Science e, mas lalo na sa Math!

Kyle: Walang taong b*b*. Sikap lang 'yan. At Diyos ko po, magtatanong ka lang e. Nasa harap na nga ang sagot e. Baka pa nga tumalino ka dito.

A/N: Pasingit lang po saglit. Sorry po sa mga rude words! Ito kasi si Mr. Brain e, wala nang maisip na ibang words e. Sorry po talaga. Enjoy reading!

Kyle: Bukas a, 'Te Kat! Good luck!

At nawala na sa paningin ko si Kyle. Grabe, makulit din palang tao 'yun, no.

KC: Halika na, male-late na tayo. Sige ka, wala kang masasagot bukas.

Katrina: Oo nga! Dali!

Pagkapasok-pasok lang namin, eksakto at tumunog na ang bell! Hay! Salamat kay KC, hindi ako late ngayon.

Break Time. Okay, dumeretso na akong library para maghalungkat. Ito na nga ako e, nagbabasa na. Isang tumpok ng Science book ang nasa harap ko. Hay nako!! Mukhang matatagalan ako dito a. Manghiram muna ako ng 5 maganda tapos sa school grounds na ako magbabasa. 'Pag time ko nang umuwi, sa bahay ko na tatapusin at do'n na rin sa bahay pa akong maghahanap ng reference. Diyos ko! Ang hirap talagang maging matalino.

Kate: Kat! Uy, baka mabaliw ka na kakaaral.

Katrina: Okay lang ako. Tsaka araw-araw akong baliw no. Don't worry!

Camellia: Ano ba 'yan, pag-uusapan pa naman natin si Kyle Patrick delos Reyes na 'yan.

Katrina: Ge. Nakikinig ako.

Kyle Patrick delos Reyes. Lalaking mahilig kumain. Lahat naman ng tao gano'n e, kasama na ako. Ang sabi daw nina Cam at Kate, namatay ang daddy niya 2 yrs. ago. Silang dalawa na lang ng mommy niya ang nagbabanat ng buto para mayroong ipon si Kyle pang-tuition niya. Kahit na mahirap ang buhay nila, nagpupursige pa rin siya sa pag-aaral para mabuhay silang mag-ama. Actually daw, scholar siya dito. Pareho tayo kuya! Scholars tayong dalawa!

Katrina: Kawawa naman ang pamilya niya.

Kate: Oo nga e.

Camellia: Okay, dahil na-explain na namin sayo ang buhay ng Genius King, uuwi na kami. Okay lang ba sayo?

Katrina: Okay lang ako. Si KC naman ang kasama ko pauwi. Nakakotse pa. No problems.

Kate: Okay, sige. Good luck sayo! Bye!!

Katrina: Thanks. Bye!

Okay, balik uli dito. Sana walang dayaan na siya ang gumawa ng quiz. Sana nga.

Kyle: Wow, nag-aaral ka na agad, Ate Kat?

Katrina: Uy! Nakakagulat ka naman! Ikaw, may naiumpisahan ka na ba?

Kyle: Wala pa.

Aba. Akala ko ba matalino 'to.

Katrina: Ganoon naman pala e. Dapat magsimula ka na para matalo mo ako.

Kyle: Sa bahay na lang ako. Inubos mo 'yung mga libro sa library e.

Katrina: Ay, sorry. O, bigyan kita dalawa basta hindi ikaw gagawa ng quiz.

Kyle: Aye, ma'am! Thanks din sa libro.

Umalis na siya. At biglang dumating si KC.

KC: Naks. Ang sipag naman ng babaeng nasa harap ko ngayon.

Katrina: Ay!! Ikaw naman! Gusto mo ba na magkaroon ako ng----

Nagulat ako nang nakita ko ang pagmumukha ni KC at itaas. May gad. Ang gwapo naman niya. MAY. GAD. NAPAKALAPIT PALA NG MUKHA NIYA SA'KIN.

KC: Tama na 'yang kakaaral mo. Gusto ko nang umuwi.

'Yon lang. By the way, wala naman akong pake sa pagmumukha niya. At walang hiya naman na pinatigil niya ako mag-aral. Pero may concern din naman ako kasi do'n sa "Gusto ko nang umuwi.

Katrina: Umm.. Sorry. Uwi... na tayo?

KC: Yes. The driver is waiting.

Katrina: Sorry. Umm.... Magligpit muna ako dito.

KC: Tulungan na kita.

Wow. Gentleman pala 'tong half-hearted guy na 'to.

KC: Halika na. Bigyan kita reference sa bahay namin.

Katrina: Wahhh~ Thank you very much!

Pumasok na kami sa kotse niya.

KC: O heto, mga Science book para makatulong sayo.

Katrina: Umm... Thank you.

Okay. I'm now in the front of my house. Sa wakas at makakapag pahinga na rin ako, pero saglitan lang, because I need to review! Naman!

TO BE CONTINUED

Diary ng TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon