Prologue🍑

122 13 0
                                    

Gusion point of view

Kasalukuyan akong nagpapahinga sa itaas ng puno nakapikit ako pero hindi ako tulog dinadama ko lang ang malamig na simoy ng hangin, pinapakinggan ko ang huni ng mga ibon,ang paggalaw ng mga dahon ng puno at ang paghampas ng alon mula sa karagatan

Pssst Gusion naistorbo ang pagpapahinga ko ng marinig ko ang pagtawag ng pangalan ko ng isang babae napabalikwas ako ng bangon at nilingon ko siya

"Sa itaas lang pala ng puno kita matatagpuan Gusion kanina pa kita hinahanap" nakangiting sabi niya
Bakit anong kailangan mo sa akin nana? Tanong ko sa kaniya

"Pinapahanap ka sa akin ni archangel napoleon may sasabihin daw siya sayo" tugon niya sa tanong ko tumalon ako pababa mula sa puno na pinagpapahingahan ko

"Nasaan si archangel napoleon?" Tanong ko sa kaniya

"Nasa palasyo"nakangiting tugon niya

"Salamat Nana" nakangiting pasalamat ko pagkatapos ay nagteleport ako papunta sa kinaroroonan ni archangel napoleon natagpuan ko siya sa balcony umiinom ng mainit na kape

"Piinapatawag niyo daw po ako archangel napoleon "sabi ko sa kaniya nakatalikod siya sa akin hinarap niya ako inalok niya ako ng kape pero tinanggihan ko ito

"Oo dahil may sasabihin ako sayo" tugon niya

"Ano pong sasabihin niyo?" Tanong ko

"May mission ako na ipapagawa sayo at ang mission na ito ay bumaba ka sa mundo ng mga tao at baguhin mo ang masamang ugali ng babaeng ito" sabi niya sabay abot sa akin ng litrato

Tinignan ko naman ito bumungad sa akin ang mukha ng isang magandang babae kulay Brown ang buhok niya na alon alon ang style,dalawang pares ng color green  may maamong mukha at magandang ngiti

"At bukod don patiligilin mo rin siya sa mga masamang gawain niya bababa ka sa lupa at mamumuhay bilang isang normal na tao pero wag kang mag-alala wala akong balak tanggalin ang pakpak,halo mo at ang mga kakayahan mo bilang isang guardian angel pero kailangan maging sekreto ang pagkatao mo tanging ang babaeng yan lang ang pwedeng makaalam ng pagkatao mo"

"At may nakalimutan akong sabihin ilayo mo rin siya sa gulo at ang pinakahuli wag na wag kang iibig sa kaniya dahil labag yon sa atin bilang isang anghel hindi tayo pwedeng umibig sa isang mortal alam mo ang kaparusahan kapag ginawa mo iyon naiintindihan mo Gusion?" mahabang paliwanag ni archangel napoleon

"Opo archangel napoleon" tugon ko

"Mabuti kung ganon bukas ng umaga ka bababa sa lupa sige na sulitin mo na ang natitira mong oras dito sa mundo natin ay oo nga pala wala ka ng pro-problemahin sa lupa dahil naasikaso ko na ang titirahan mo sa lupa

pagtapak mo sa lupa ay may magaasist sayo sa titirahan mo at magtuturo sayo tungkol sa pamumuhay sa lupa sige na makakaalis ka na magiingat ka doon at goodluck sa mission mo"

sabi niya tumango ako bilang tugon pero may nakalimutan akong itanong ano ang pangalan ng babaeng nasa larawan

"Archangel napoleon ano ang pangalan ng babaeng nasa larawan? "Tanong ko

"Guinevere Sabrina baroque yan ang buong pangalan niya may ibibigay na inpormasyon sayo ang taong magaasist sayo sa lupa tungkol kay Guinevere" tugon niya

"Ganon po ba salamat po archangel napoleon aalis na po ako" paalam ko pagkatapos ay nagteleport na ako paalis mukhang matagal-tagal ang pagtira ko sa lupa goodluck na lang sa akin sana ay magtagumpay ako sa mission ko.

At yan ang prologue ng aking storya enjoy reading guys❤❤❤

When A Guardian Angel Falls In Love (GUSION X GUINEVERE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon