Finally

37 3 0
                                    

Czarina's POV

"Ssup Guys?" Tanong ni Iza, habang papa-upo sa lamesa namin. Sumunod naman na parang buntot sina Yen at Casey. Well, sila nga ang Anaconda Girls. Tatlo lang sila pero daig pa ang sampu kung mangburaot. "Uy! Painom nga ng C2 mo Jenny" sabi ni Casey at hinablot agad ang C2 ni Jenny. Well, Jenny is the nerd one in our section. Mabait sya at matalino. "Ako nga din Jenny, patikim lang" dugtong pa ni Yen "sige lang" sagot naman ni Jenny. At yun nga, di tinantanan ng dalawa ang free taste contest nila sa inumin ni Jenny."Oh eto na" sabi ni Casey sabay lapag sa lamesa namin ang isang lagok na natira sa C2 ni Jenny.At di pa yun natapos, naki-share na rin sila sa pop corn ni Nicole nang marinig nila ang kaluskus ng plastic nito na tinago ni Nicole sa pagitan namin.hayyss

"Oh my gosh best! Nandyan na si Arnold Garcia! Napaka pogi!"

Sabi ng dalawang babaeng katabi namin sa lamesa. "Who's Arnold?" Tanong ko kay Nicole, dahil sya naman ang laging updated sa mga nangyayari sa campus. "Yung gwapong transferee. I heard famous sya sa facebook, and dito na sya mag-aaral" sagot ni Nicole, within a second nagkaripasan na ang anaconda girls at inabangan na pumasok si Arnold sa canteen. "Anong section daw sya?" Tanong ni Cecille kay Nicole. "9-Rose" sagot ni Nicole. Katabi lang ng room namin? Woah. I laughed out of the blues and all of them looked at me. "Nababaliw ka nanaman Czarina" sabay sabi ni Jenny.

Kyyaaaahhhhh!

Boom. At yun na nga, dumating na sa canteen ang pinaka hinihintay ng mga babae. Si Arnold Garcia. Lahat ng mga babae hindi maiwasang kiligin habang dumadaan si Arnold. Apparently, I can't see his face clearly,malayo kasi at medyo malabo na Mata ko kakabasa ng mga fanfics. I'm curious kung gaano sya ka gwapo. Mas gwapo ba kay V at Jungkook? Kay Luhan at Suho? Kay Minho at Myungsoo? Aish. Ewan. All I know matangkad sya. Halata naman eh.

KRRRRRIIINNNGGGGG!

At dun natapos ang maliligaya naming sandali.

Pumasok na kami sa classroom,naupo, at sabay sabay kaming lahat dumukdok. Dahil haayyy Science nanaman. Biglang pumasok si Ms. Saturday. "Good Morning class" bati nya habang papaupo sa upuan nya. At isang malalakas na hikab ang bumati sa kanya. At dahil di sya ubra sa amin, naupo na lang sya. At sinimulang mag discuss.

PARAPARAPARAA!!!! HAHAHAHA!

Biglang humiyaw ng pagkalakas-lakas si Carlos. Ang pinaka magulo sa section namin. "Mr. Francisco, ano ba yan?" Nakasimangot na tanong ni Ms. Saturday habang nakatingin sa knya. "Wala po hahaha" tawang-tawang sagot ni Carlos "Hintayin nyo ko, pupuntahan ko lang si Mrs. Runtalan, Carlos sumama ka sakin" galit na sabi ni Ms. Saturday . "okay!" Tuwang-tuwang sagot ni Carlos. At yun umalis na nga sila Ma'am.

WALA DAW SI MAAM DOMINGO!

Sigaw ni Jun. At di namin maiwasan ang magsigawan at magtalunan sa tuwa.Eto nanaman si Jacob, tambling dito, tambling doon. Syempre sino ba naman ang di matutuwa na walang MATH today? At sobrang terror pa ni Mrs. Domingo. Para na ring napahinga ang utak namin nun ng 1 linggo.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

Biglang napawi ang kasayahan ng may kumatok ng sobrang lakas. At dahil ako ang malapit sa pintuan ay- "Czarina, buksan mo" sabi ni Class president. Binuksan ko ng padabog ang pintuan at yun, bumungad sakin ang itsura ng isang lalaking galit na galit at-... Wait, oh fuuu-

"Wala ba kayong teacher? Pwede bang tumahimik kayo kasi nakakagulo kayo ng ibang mga nagkaklase" Galit na sabi ni Arnold. Tama, si Arnold Garcia. "Ah e-eh.. Sorry, ano kasi e-eh Nagkakasiyahan lang kami dito. Wala kasing math ngayon. Tatahimk na kami" nahihiyang sabi ko. Aish! Ewan ko bakit ako nauutal. Kinkilig? Nahihiya? Ewan. "Good" sagot nya at biglang alis. Napahinga ako ng malalim at "Ano yun Czarina?? Bakit nag sorry ka? Dapat tayo ang katakutan nila hindi tayo ang matatakot sa kanila, haay! Anong nangyari sayo? Dati ang galing galing mo makipag sagutan, tsk" sabi ni Gil na may halong pagka dismaya. "Mayabang pala yang transferee na yan. Maturuan nga ng leksyon"sabay sabi ni Rico. Ewan ko ba kung anong nangyari sakin nung kausap ko sya. Ngayon ko lang naranasan yon. Pero ang masasabi ko lang. Ang gwapo nya sa malapitan ❤

To be continue..

My Famous CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon