Crush ko sya?

75 1 0
                                    

Arnold's POV

Nakakainis. First day ko pa lang sa school na to pero parang gusto ko ng umalis. I want a peaceful environment.As far as I know nasa Good Fellows of God Colleges ako at nag-aaral but I didn't know na Impyerno na pala ang katabi naming classroom. I've never seen a classroom like that before. Kahit air conditioned ang room nila parang nagliliyab ang mga estudyante na may mga sungay at buntot. Ang arrangement ng arm chairs nila pa-hagdan at higit sa lahat, sobrang kalat. That girl who has a red hair, the one I talked with, I think iba sya sa mga classmates nya. Pero paano sya nakakatiis sa section na yun? I admit, she's pretty but who knows, baka nagpapaka maamong tupa lang kanina.

"Oh, hi Mr.?" pagbalik ko ng classroom nakita ko ang next subject teacher namin. "Mr. Garcia" I said at naupo sa upuan ko. "Saan ka galing Mr. Garcia?" Tanong nya sa akin. "Sa restroom lang po" I said. Ayoko ng sabihin pa kung saan talaga ko nagpunta. Umiinit lang ulo ko sa section na iyon.

********

"Mr. Garcia " tawag sakin ng isa Kong kaklase habang papaupo sa tabi ko. Tumingin lang ako sa kanya. "Pwede makisabay?" Tanong nya at tumango lang ako. "By the way I'm Teejay" sabay ngiti nya sakin. "Nice to meet you" sagot ko sa kanya. "Grabe no, kahapon ka lang halos pumasok dito pero kilala ka na agad sa campus" sabi nya sabay inom ng tubig. I chuckled "Siguro. Marami ngang nakakakilala pero wala naman akong barkada" I said habang kumakain ako. He taps my shoulder "Pre, ano ba ko dito" he chuckled "I approached you to make friends with you" he said "ang barkada,madami" I said and laughed a bit. "Marami akong barkada pre, absent lang silang lahat ngayon, gumagawa kasi ng group projects" sabi nya "Papakilala kita sa kanila bukas" dugtong pa nya "hopefully makasundo ko sila" sagot ko sa kanya "you will" he said. At pinagpatuloy na namin ang pagkain.

THE NEXT DAY


Czarina's POV

"Let me cater to you~ cause baby this is your day, do anything for my man, baby you blow me away~"

Kumakanta ko habang nagsasalamin sa restroom.

"I got your sleepers, your dinner, your dessert and so much more~ anything you want just let me cater to you"

(Kung curious kayo kung ano yung song its Cater 2 U by TTS)

Lumabas na ko ng restroom at pinagpatuloy ang pagkanta habang naglalakad. Mag-isa lang ako kasi gumagawa ng assignment yung mga ka gang ko. And ofcourse, di rin ako nakagawa. Hayy nakakatamad kaya, kokopya na lang ako sa kanila. 'We are one, tulungan walang tiibag!' Yan ang motto ng gang nami--

Oh fuuuu- freak, papunta sa way ko si Arnold! Oh freak! Kailangan kong magtago, babalik ako sa restroom! Dali Czari- wait, bakit ba ko magtatago? Aish! Wala naman akong kasalanan sa kanya ah! Hayysss!

Naglakad ako ng dire-diretso at Hindi ko sya pinansin kahit alam kong magkakasalubong kami.

Wag kang titingin! Wag kang titingin!

Bagamat may sariling utak ang Mata ko, kahit anong pilit kong wag tumingin, bumagsak pa rin ang paningin ko sa kanya. Ang gwapo nya, diretso lang ang tingin nya at mukhang walang balak tumingin sakin. Haayys, asa pa naman ako. Nakakainis lang yung unang pagkikita namin. Bakit kasi sa ganoong paraan pa kami nagkausap. Mukha kong nauutal na siraulo sa harap nya kanina.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Habang papalapit kami sa isat isa, Lumalakas ang tibok ng puso ko. At yun na nga, nakalagpas na sya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sakin.

Posible kayang....


May gusto..

Sya sakin?

Pwe! Imposible pa sa pagputi ng uwak. Pero, I think...


Crush ko sya?


I admit, medyo boyish ako at pinaka pervert na babae sa section namin. But girls ang minamanyak ko. And its really impossible na magkagusto ako sa kanya.

Cause never pa kong nagkacrush ng lalaki. I just dressed like a girl but maniwala kayo o sa hindi, Im having a crush to girls often.

Yeah, imposibleng magkagusto nga ko sa kanya hahaha never in a mil--

"Hey"


Warafuk


To be continue...

My Famous CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon