EPILOGUE

39 2 3
                                    

"I've tried Spear, I really did pero hindi ko talaga kaya," Sabi ko sakanya habang pinipigilan na bumuhos ang mga luha sa aking mga mata.


"Alam ko..." sagot niya, habang kitang-kita ko sa mukha niya ang bakas ng pagsisisi "pero lagi mong tatandaan, na kung ano man ang nagawa ko..." nagsimula na bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata "wala kang kinalaman don, hindi mo dapat sisihin ang sarili mo,"


Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung dapat ko pa ba siyang paniwalaan. Ang sakit-sakit kasi hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung ano nagtulak sakanya gawin 'yon.


Tinitignan ko lang siya, pero ni hindi niya magawang tumigin sakin. Nakayuko lang siya at pinaglalaruan ang kanyang mga kamay.


"Umalis ka na," sabi ko


"Mahal na mahal kita, Aki"


Gustong-gusto ko man sabihin na mahal din kita, pero hindi ko kaya. Alam ko sa sarili ko na mag sisinungaling lang ako.


Mahal ko siya, oo pero yung pagmamahal na meron ako sakanya. Unti-unting na napapalitan ng galit.


"Aalis na 'ko," sabay halik sa noo ko, naramdaman kong unti-unting tumutulo ang luha niya sa sintido ko.


Gustong-gusto ko siyang yakapin, halikan pabalik pero hindi ko kaya.


Dahil alam ko sa sarili ko na kung mahal niya ako talaga. Hinding-hindi niya makakayang gawin yon sa'akin.

The Quintessence of Choosing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon