"Aki, saan ka niyan?" Tanong sakin ni Jace
Si Jace yung una kong naka close dito sa Piyu, bukod sa bestfriend ko na si Natalie. Seatmates kasi kami ni Jace sa isang major subject na kasalukuyan kong kinuha ko.
"Hindi ko pa alam, baka umuwi muna ako sa dorm," sagot ko naman.
"Sumama ka na kasi samin," pagpupumilit ni Jace
"Tignan ko muna siguro," Sa totoo lang, gustong-gusto ko talagang sumama kay Jace. Ang kaso lang kasama niya kasi yung mga kaibigan niya. To be honest, wala naman akong problema sakanila.
Ayoko lang talaga sumama kapag majority ng nasa isang friend group ay hindi ko pa kilala. Ewan ko rin, pero iniiwasan ko lang may masabi sila sakin. Lalo na at bagong lipat lang ako dito sa Piyu. As much as possible gusto ko okay ang tingin sakin ng mga tao.
"Basta text mo 'ko kung susunod ka" Sagot naman ni Jace sakin
"Sure,"
Hindi nag tagal ay umalis na rin sina Jace, at ako naman ay dumiretso na palabas ng gate. Iniisip ko kung saan ko uubusin yung oras ko, every Wednesday kasi 6 hours yung vacant ko. Pwedeng-pwede naman ako umuwi muna sa dorm talaga, kaso wala akong gagawin don kung sakali.
Kinuha ko yung cellphone ko sa loob ng bag, at dali-dali kong tinawagan si Natalie.
Ring... Ring... Ring...
"Hello?" bungad ni Natalie
"Nats, san 'ka?" Tanong ko naman sakanya
"Bakit te? Wala akong pasok today, paalis ako papunta kami ng mga tropa ko sa Cubao Expo" sagot niya agad, habang naririnig ko yung hair blower sa background. Malamang nga ay nag aayos na siya. For sure iinom nanaman 'to si Natalie.
"Ayain sana kita kumain, la ako kasama 6 hours vacant ko,"
"Ay di keri te, susunduin na kasi nila ako maya-maya bawi ako next time promise!" saad niya na may halong pang-uuto sa boses
"Oo na sige na, ingat kayo te. Bye!"
"Bye!" at binaba niya na agad ang tawag.
Wala naman akong choice, tumawag na ako ng tricycle pabalik sa dorm. Sabagay okay na rin 'to, kasi for sure if magkikita man kami ni Natalie kung saan-saan nanaman kami pupunta at kung ano-anong walang kabuluhang bagay nanaman ang pagkakagastusan namin dalawa.
"Lacson po kuya" sabi ko sa driver pagsakay sa trike.
Pagbaba ko ay dumiretso muna ako sa kainan sa tabi ng dorm. Bumili muna ako ng makakain at umakyat na agad papunta sa unit ko.
Pagpasok ko ay binuksan ko na muna ang aircon, kumain at saka nagbihis.
Matapos magbihis ay kinuha ko ang cellphone ko, nahiga at nag scroll muna sa TikTok. Di nagtagal ay naisip ko na i'text si Jace.
To Jace: Jace, alam mo ba kung ano gagawin kay Sir Sanchez mamaya?
Nag reply naman agad siya
From Jace: Not sure, pero ang alam ko discussion lang daw. Sabi niya last meeting.
To Jace: Legit? Tinatamad ako pumasok.
Kapag talaga ang haba ng vacant mo, at malapit ka lang sa school nakatira. Minsan tatamarin ka na talaga bumalik at pumasok, lalo na't isang subject nalang naman ang babalikan mo. Dagdag mo pa yun na ang sarap na ng higa mo, tulad ngayon.
From Jace: Seryoso ba? Gagi ka, 6 absences lang allowed diyan kay Sir Sanchez. Nakakailan ka na ba?
To Jace: Oo. Pang – una ko palang naman 'to if ever
Sa Piyu kasi kapag minor subjects, allowed lang kami for six absences. If lalagpas pa 'don, automatic drop na kami. Kapag major naman, hanggang three lang.
From Jace: Ikaw, bahala ka.
To Jace: Basta update mo nalang ako ha, if ever may kailangan submit or gawin.
Yan din kasi ang hirap sa pagiging irregular student, kailangan mo talagang umasa minsan sa mga kakilala mo – lalo na if aabsent ka. Hindi naman kasi ako talaga dito sa Piyu nag first year. Transferee lang ako, galing ako sa BSU.
Kaya paglipat ko sa Piyu, naging irregular ako. Swerte na nga lang, nagkaroon ako ng kaibigan tulad ni Jace. Kapag may biglaang activity o groupings tapos wala ako, matic 'yon sinasama niya ako sa listahan.
From Jace: Sige.
To Jace: Salamat Jace!
Di rin nagtagal, ay nakaramdam na ako ng antok at unti-unti akong nakatulog ng di ko namamalayan.
BINABASA MO ANG
The Quintessence of Choosing Me
Teen FictionFor years, I have stumbled upon different dating applications: Tinder, Bumble, OKCupid - you name it. Searching for that 'perfect' match. A partner that could sweep me of my feet and make me forget all my traumas and fears. If only it was that easy...