CHAPTER 2

2 0 0
                                    

Nagising ako around 7:00 pm


Kinuha ko muna yung cellphone ko just to check if I missed any calls or texts, pero wala naman. Even from Jace. Siguro it's safe to assume na wala kaming ginawa sa time ni Mr. Sanchez.


Naisip ko na tawagan yung mom ko, from time to time tinatawagan ko talaga siya. Since, hindi siya sanay na wala ako sa tabi niya, lalo na ngayon. Dito ako nanunuluyan sa Manila. 


"Hello anak! I miss you," bati agad sakin ni mommy


"Kumain na kayo my?" tanong ko naman


"Hindi inaantay pa namin daddy mo, nasa NLEX na daw siya,


"Eh si Marcus nasaan?" si Marcus ang bunso kong kapatid


"Nandito sa tabi ko, naglalaro


"Sige na my, bababa muna ako at maghahanap ako ng makakain"


"Okay anak, I love you


"Love you too my,"  sagot ko naman sakanya at saka ko binaba ang tawag. 


Maayos naman ang relationship ko with my parents, especially with my mom. Mas lalo nga kami naging malapit sa isa't isa simula nung nag come out ako. For some reason, sabi niya bata palang daw ako alam na niya. Same with my dad. Inaantay nalang daw talaga nila akong umamin. I'd say na swerte na rin talaga ako with my parents. Tanggap nila ako kung ano ako, and supportive din sila sa halos lahat ng endeavors ko sa buhay.


How I wish na lahat ng katulad ko, mayroon ding mga magulang kagaya nina mommy at daddy. 


Pagbaba ko ay binati agad ako ni ate Feliz, isa siya sa mga taga bantay namin dito sa dorm. Mabait si ate Feliz sakin, lagi siyang naka ngiti at naka hello saakin. Simula nung tumira ako dito, nasanay na rin ako na pagbaba ko ay maabutan ko siya dito sa baba. Kaya minsan kapag wala siya tinatanong ko sa kasama niya kung saan siya nagpunta. 


Paglabas ko ay naglakad-lakad muna ako, hanggang sa makarating ako sa labas ng UST.  Di ko talaga maiwasang hindi tanawin ang UST mula sa labas kapag nadadaan ako dito. Isa kasi siya sa dream school ko. Last minute decision ko na rin kasi mag transfer dito sa Manila. And by the time na decided na ako, late na ako for USTET.  Although wala naman akong regrets na nag end up ako with Piyu. Masaya na rin naman na ako sa kung saan ako nag-aaral right now. 


Di nag tagal ay nakarating rin ako sa may kanto ng P. Campa, dito nalang ako maghahanap ng makakain. Usually kasi, kapag wala ako idea kung ano gusto kong kainin dito ako naghahanap. Aside sa mura, ay okay rin naman yung lasa. 


Hindi na ako nakarating sa dulo ng street, sa bungad palang ay marami na agad nagtitinda. Kadalasan ay puro barbeque.


Lalapit na sana ako sa stall ni kuyang nagtitinda kaso may biglang bumangga sakin


"Aray," pabulong na sinabi ko sa sarili ko, hindi ko naman inaasahan na maririnig pala niya.


"Sorry po" sagot naman niya. 


Naka shorts siya at jersey shirt, mas matangkad siya sakin pero hindi ko na nakita yung mukha niya kasi agad siyang nagmadali paalis. Sasabihin ko sana na okay lang kasi di ko naman inexpect na maririnig niya yung sinabi ko. Hindi rin naman talaga masakit yung pagkakabangga niya sakin, nabigla lang ako kaya aray agad ang una kong nasabi. 


Sinundan ko siya ng tingin at may mga kasama pala siya. Kaya siguro siya nagmamadali ring umalis ay baka iwan siya ng mga tropa niya.


Aalisin ko na sana ang tingin ko sakanya, pero bigla siyang lumingon at nagkatinginan kami. 


"Ang gwapo," sabi ko sa isip ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Quintessence of Choosing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon